Ayoko na ulit magtravel to and from Bicol by land. Hindi ko na ulit kakayanin. Tumatanda na ata ako! Wahuhuhu! Sobrang saya grabe! Dami kong updates from relatives. Yung isang pinsan kong babae na kababata at super close ko ang pogi ng asawa. May mga kapatid ding pogi kaso mga straight lahat! Hindi ata uso sa Bicol ang bading. Hahaha! Hindi ako nakapunta sa kasal niya nun kasi graduation ko dati. Tapos yun isa ko namang pinsan sundalo na! Naghahanpa ng mga NPA. Hahaha! Galing! Tinanong ko kung may mga baklang sundalo, sabi niya, oo raw. Yung iba nakakataas pa tapos inaabuse ang mga bagong sundalo. Hmmm... interesting di ba? Makapagsundalo nga! Joke lang! Hahaha! Alam mo bang pinadadrive sa kin yung van pauwi? GOOD LUCK lang! GOOD LUCK lang talaga! ano ko hilo? Hahaha! May driver tapos ako magdadrive! Hilo ata mga kasama ko! Anong gusto nila? Malaglag kami sa bangin? Nakasakay pa nga lang ako nahihilo na ko sa byahe! What more magmaneho! Hahaha! Hindi ako nakatulog! 8 hours yung biyahe pero hindi ako nakaidlip man lang! Gusto ko bumalik ng naka-eroplano na! Jusme ang kalsada! At ang ganda na pala ng bahay nina Auntie Susan doon! Para ng hotel! Hahaha! Kaya okay na okay na matulog! Pagbalik ko dun iikot ako sa Bicol tapos sa kanila ko titira habang nagbabakasyon! Pwedeng pwede! Laki na rin ng lupa na nabili nila. Parang hacienda na! Kulang na lang kabayo! Hahaha! So ayun, balik na ko sa Manila. Wow! Hindi ko pagpapalit ang Manila sa probinsya! Maganda sa probinsya paminsan-minsan, pero hindi ko kaya tumira doon! Siguro nasanay lang talaga ko dito! And paguwi namin, gawa na yung falls sa likod ng bahay. Nakakatuwang tignan. Kulang na lang Macaw! Hahaha!

Anyways, may pabalik next month sa bansa. Yep yep yep, si Jeffrey. Nasabi ko na ata Mr. T! Nagthank you si Jeffrey sa kin sa words of encouragement ko! Wow ako na! Hahaha! Natuwa naman ako dahil balik kami sa dati. Napagdesisyunan ko na hindi na ko magcecelebrate ng tulad last year. This year, ako, si Barry, Jeff and Rhitz lang makakasama ko sa birthday ko. Sila ang mga kaibigang hindi ko kaya ipagpalit kahit kanino. I love these guys. Tulad nga ng lagi kong sinasabi sa kanila, kahit hindi na ko magkajowa, basta sila meron, okay na ko! O di ba! That's what are friend are for. Ano raw? Hahaha! Excited na ko magcelebrate kasama si Jeffrey. Last pa ata na nagcelebrate ako na andiyan si Jeff is 2005 or 2006. And hinding hindi nakakalimot sa regalo yun. Pare parehas silang 3! Thoughtful. Ako hindi. Hahaha! Ako pinaka walang kwentang friend. Ako ang hindi sumisipot, nagcacancel ng lakad, walang pasalubong, minsan KJ. Hahaha! What a friend talaga ko! I miss us 3.

Speaking of miss, ang dami ko ring namimiss na tao. Si Luis, si Che, si Tom, si Chris, sina Archie, Paolo, sina Nar, Phi, si Benson, si Sabs, sina Ryan etc. Ang dami kong namimiss.  Pati mga dati kong officemates miss ko na sila. Grabe, lagi akong andito sa bahay. May kotse nga ako pero tamad na tamad naman akong umalis. Haha! Wala na kong gana lumabas! Parang lagi lang ako nasa kwarto. Naglalaro. Alam mo na siyempre kung ano! Ng Barbie! Hahaha! Nakakamiss din yung buhay ko dati ah! Para tuloy ako monk this year. Masyado kong shinutdown ang mundo ko this year. Pag balik ni Jeffrey, sana lagi kaming lumabas ang magkita. I miss him so bad. Grabe, parang 4 years ko na siyang di nakakasama. Sana huwag na siya mag-abroad. Sana dito na lang siya magtrabaho. Pero pagsinabi ko sa kanya yan, baka mag-emote na naman ang lola mo! Hahaha! Sige sige, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah!

Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on October 3, 2011 at 07:23 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.