Entries for October, 2011

Ayoko na ulit magtravel to and from Bicol by land. Hindi ko na ulit kakayanin. Tumatanda na ata ako! Wahuhuhu! Sobrang saya grabe! Dami kong updates from relatives. Yung isang pinsan kong babae na kababata at super close ko ang pogi ng asawa. May mga kapatid ding pogi kaso mga straight lahat! Hindi ata uso sa Bicol ang bading. Hahaha! Hindi ako nakapunta sa kasal niya nun kasi graduation ko dati. Tapos yun isa ko namang pinsan sundalo na! Naghahanpa ng mga NPA. Hahaha! Galing! Tinanong ko kung may mga baklang sundalo, sabi niya, oo raw. Yung iba nakakataas pa tapos inaabuse ang mga bagong sundalo. Hmmm... interesting di ba? Makapagsundalo nga! Joke lang! Hahaha! Alam mo bang pinadadrive sa kin yung van pauwi? GOOD LUCK lang! GOOD LUCK lang talaga! ano ko hilo? Hahaha! May driver tapos ako magdadrive! Hilo ata mga kasama ko! Anong gusto nila? Malaglag kami sa bangin? Nakasakay pa nga lang ako nahihilo na ko sa byahe! What more magmaneho! Hahaha! Hindi ako nakatulog! 8 hours yung biyahe pero hindi ako nakaidlip man lang! Gusto ko bumalik ng naka-eroplano na! Jusme ang kalsada! At ang ganda na pala ng bahay nina Auntie Susan doon! Para ng hotel! Hahaha! Kaya okay na okay na matulog! Pagbalik ko dun iikot ako sa Bicol tapos sa kanila ko titira habang nagbabakasyon! Pwedeng pwede! Laki na rin ng lupa na nabili nila. Parang hacienda na! Kulang na lang kabayo! Hahaha! So ayun, balik na ko sa Manila. Wow! Hindi ko pagpapalit ang Manila sa probinsya! Maganda sa probinsya paminsan-minsan, pero hindi ko kaya tumira doon! Siguro nasanay lang talaga ko dito! And paguwi namin, gawa na yung falls sa likod ng bahay. Nakakatuwang tignan. Kulang na lang Macaw! Hahaha!

Anyways, may pabalik next month sa bansa. Yep yep yep, si Jeffrey. Nasabi ko na ata Mr. T! Nagthank you si Jeffrey sa kin sa words of encouragement ko! Wow ako na! Hahaha! Natuwa naman ako dahil balik kami sa dati. Napagdesisyunan ko na hindi na ko magcecelebrate ng tulad last year. This year, ako, si Barry, Jeff and Rhitz lang makakasama ko sa birthday ko. Sila ang mga kaibigang hindi ko kaya ipagpalit kahit kanino. I love these guys. Tulad nga ng lagi kong sinasabi sa kanila, kahit hindi na ko magkajowa, basta sila meron, okay na ko! O di ba! That's what are friend are for. Ano raw? Hahaha! Excited na ko magcelebrate kasama si Jeffrey. Last pa ata na nagcelebrate ako na andiyan si Jeff is 2005 or 2006. And hinding hindi nakakalimot sa regalo yun. Pare parehas silang 3! Thoughtful. Ako hindi. Hahaha! Ako pinaka walang kwentang friend. Ako ang hindi sumisipot, nagcacancel ng lakad, walang pasalubong, minsan KJ. Hahaha! What a friend talaga ko! I miss us 3.

Speaking of miss, ang dami ko ring namimiss na tao. Si Luis, si Che, si Tom, si Chris, sina Archie, Paolo, sina Nar, Phi, si Benson, si Sabs, sina Ryan etc. Ang dami kong namimiss.  Pati mga dati kong officemates miss ko na sila. Grabe, lagi akong andito sa bahay. May kotse nga ako pero tamad na tamad naman akong umalis. Haha! Wala na kong gana lumabas! Parang lagi lang ako nasa kwarto. Naglalaro. Alam mo na siyempre kung ano! Ng Barbie! Hahaha! Nakakamiss din yung buhay ko dati ah! Para tuloy ako monk this year. Masyado kong shinutdown ang mundo ko this year. Pag balik ni Jeffrey, sana lagi kaming lumabas ang magkita. I miss him so bad. Grabe, parang 4 years ko na siyang di nakakasama. Sana huwag na siya mag-abroad. Sana dito na lang siya magtrabaho. Pero pagsinabi ko sa kanya yan, baka mag-emote na naman ang lola mo! Hahaha! Sige sige, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah!

Currently feeling: steady
Posted by jjcobwebb on October 3, 2011 at 07:23 PM in Everyday Drama, Updates | Post a comment

For once I'm lost for words
Your smile has really thrown me
This is not like me at all
I never thought I'd know
The kind of love you've shown me

Currently listening to: Unexpected Song by YOU! :)
Posted by jjcobwebb on October 7, 2011 at 12:27 AM in Everyday Drama | Post a comment

Went out with Karol last Friday. Sobrang tagal na rin since last kami nagkita. Uminom and kumain kami. Usap usap and nag-upate ng mga balita sa isa't isa. Ako nagdrive so bawal malasing. Medyo nalasing lang kami. Hahaha! Napaisip ako sa sinabi ni Karol Mr. T! Kung hindi raw ako itetext na makipagkita or lumabas, hindi raw talaga ako lalabas. Never naman daw ako nagyaya na lumabas. Ganun din ugali ko sa mga iba kong kaibigan. I don't go out unless I was invited to go out. Sabi nga ni Karol, kahit nung highschool pa independent na ko. May sariling mundo ganun. Hindi ko kailangan ibang tao para pasayahin sarili ko dahil kayang kaya ko raw gawin yun ng mag-isa. Hindi ko kailangan ng mag-aaliw sa kin dahil by myself, kaya kong aliwin sarili ko. I never depended my happiness on someone. Pero siyempre, kailangan ko rin naman ng ibang tao sa buhay ko. Baka mabaliw ako kung laging ako lang mag-isa. Ang dami ng nagtatanong kung magcecelebrate ba daw ulit ako ng birthday ko this year. Siyempre naman magcecelebrate ako unless machugi ako! Hahaha! Pero wala ng party. Yep, sabi ko nga sa kanila, itutulog ko na lang ang birthday ko this year. Wala namang dapat icelebrate. Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya! Mwah!

Currently listening to: Thanx 4 Nothing by Mariah Carey
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on October 12, 2011 at 12:45 AM in Everyday Drama | Post a comment

"Baket ganyan ugali mo?? Pwede ba please pasiyahin mo ko. Ang lungkot ng buhay ko kung alam mo lang..."

"Kung lungkot lungkutan lang ng buhay talo kita. Pero sana huwag mo naman sa kin idepende kasiyahan mo. Ikaw responsable diyan.  Hindi ako. Ikaw makakapagpasaya diyan sa malungkot mong buhay. Ayoko na rin ng drama."

"Baket ganyan ka magsalita sa kin?"

"Isipin mo na lang ni minsan hind ako nagkajowa, naglungkut lungkutan ba ko sa harapan mo? No! Malungkutin akong tao pero never ka nakarinig or pinakita ko sayo yun. I am sorry, huwag na tayo magkita..."

"Sorry for what? Ano yan?"

"I just found out na may jowa ka pa pala. Sa iba ko pa nalaman. Na hindi pa kayo hiwalay na may problema lang kayo. Sabihin mo sa jowa mo sorry..."

"Jacob..."

"Sorry ulit..."

Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on October 14, 2011 at 12:02 AM in Everyday Drama | 1 comment(s)
« 2011/09 · 2012/03 »