Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, ikaw ang unang-unang tinext ko. Hello Mr. T! Kumusta ka naman? Grabe ang bagyo ngayon dito. Si Pedring. Parang si Milenyo sa sobrang lakas ng hanging. Sumisipol talaga grabe. Anyways, eto ako, kinakabahan. Hahaha! Feeling ko magkakajowa na ko FOR THE FIRST TIME IN MY LIFE! Kinakabahan talaga ko! Kasi alam mo yung minsan feeling mo na hindi ka sapat dun para sa tao. You're not enough ika nga. Nahihiya nga ako dahil tumanggi ako na sumama nung nagrerecord na siya ng album. Tapos tumanggi rin ako pumunta nung may rehearsals sila. Kung ano mang spotlight ang meron siya, ayoko tumapak dun. Natatakot din ako na kung magkakaroon siya ng guestings kung sansan, eh hindi ako makakapunta. Ano pang silbi ko kung magiging kami? Siguro ngayon lang tong pakiramdam na toh. Naramdaman ko rin dati toh sa isang nanligaw dati sa kin na designer kaya hindi ko siya sinagot. Sana tong inferiority complex ko mawala. I'm getting there. Kinikilig na ulit ako. Natatawa na ko sa mga kacheesihan and I find it cute ulit. Sinasanay ko na ulit sarili ko sa mga drama. Nakasmile ako ngayon sa totoo lang. Sana eto na. :) Susme Mr. T! ha! Gusto ko na makatikim ng sex ah! halos 3 years na kong tigang! Hahaha! Si Chris pa last na nakakyeme ko pero hindi pa sex talaga yun! Oo si Chris! Baket gulat ka ba Mr. T! Binanggit ko yung pangalan?  Let us all move one and iturin na lang natin siyang parang Von and Steve. Dun na siya sa category na yun :) Hahaha! Tama na muna ang drama. Ako na ang tigang! Hahaha! Joke lang, siyempre hindi naman sex ang habol ko, kasama na yun! Pero yung 3 years hindi yun joke! TOTOO yun! Wahuhuhu!!! Hahaha! Tignan mo nakakapagkwento ulit ako ng mga ganyang bagay Mr. T! I am learning. Binubuksan ko ulit pagkatao ko sa ibang tao and siyempre ang puso ko. Sana makanta ko na yung kanta ni Barbara Streisand and Bryan Adams! LOL! O siya, wala ng sense tong entry ko. Update you soon Mr. T! :) And to you, I have yet to hear you play the grand piano, hindi ako solve sa iPad lang. Ehehehe... mwah!

Currently feeling: happy
Posted by jjcobwebb on September 27, 2011 at 11:18 PM in Everyday Drama, Gayness | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.