Wishlist 2011-2012
Okay okay, hindi ito Barbie wishlist. Hahaha! For the past years, nagsusulat ako ng wishlist ko every September. May mga natutupad sa mga wish ko, may mga bagay naman na humahaging. Siguro, sa taon-taon ako nag-susulat ng wishlist ko, narealize ko na nakukuha ko naman ang mga material na bagay na gusto at kailangan ko. Pero siyempre, kung may madali, may mahirap din kunin. Hahaha! At alam mo na yun Mr. T! Wahehehe… nakikita mo ba yang napakalaking Barbie house sa picture? Yan ang binili ko sa America! Hahaha! Ako lang ata meron niyan dito sa Pilipinas! Wahehehe! Ako na talaga!
Pinipilit ko pa rin mag-isip kung anong gusto ko ilagay sa wishlist ko. WALA AKONG MAISIP! Hmmm… siguro pangmatagalan mga ilalagay ko sa wishlist ko. Yung pwedeng pag-ipunan within 3-5 years kung buhay pa ko. Mga ganun. Hahaha! Ako na nag-iipon! Basta, sige eto na nga wishlist ko:
- Gusto kong makapunta sa India, Saudi Arabia, Abu Dhabi, Dubai and Israel
- Gusto ko rin makapunta sa South America
- Gusto kong makapagswimming kasama mga dolphins
- Gusto ko makasakay ng camel
- Gusto ko makakita ng totoong polar bear
- Gusto ko mapanood si Mariah (again) or Celine or Whitney in concert
- Gusto ko makapagskydive at scuba dive
- Gusto kong makahawak ng whale
- Gusto ko magkaroon ng sariling business
- Gusto ko magkaroon ng sariling bahay or condo
- Gusto ko magkaroon ng sarili kong charity
- Gusto ko ng gumaling tong sakit ko…
- Gusto ko ng taong mamahalin ako, maiintindihan ako, uunawain ako, patatawanin ako, paiiyakin ako, aasarin ako, tutuksuhin ako, sasamahan ako, habambuhay at kung san man kami mapadpad. Yung sasapakin na lang ako pag mali na ginagawa ko para maitama ko. Yung mapapasaya ko rin. Yung bibigyan ko rin ng pag-unawa at attention. At higit sa lahat, yung hindi ako iiwan dahil alam niyang kailangan ko siya at kailangan niya rin ako. Kailangan ko ng taong mamahalin…
Minsan hindi na material na bagay kailangan natin Mr. T! Siguro tumaaatanda na rin talaga ko. Nung nabangga nga yung kotse ko parang wala lang. Ari-arian lang naman yun. Pwede palitan, pwede bayaran at ipaayos. Pero iba talaga yung saya na nagagawa ng mga bagay na hindi material. Yung tumatagos sa puso. Yung naiiwan sa isipan. Yung kasiyahang hindi mapapantayan. Yung pwede mong ishare sa ibang tao yung kasiyahan na yun. This has got to be my most elusive wishlist ever. But who knows di ba? Bigla na lang mangyari ng isang iglap mga yan. Update you soon Mr. T! :)