2010 Did Not Handle Me
Mr. T! ilang oras na lang 2011. Ang bilis grabe. Madagdagan na naman ang taon ko at taon natin na magkasama. Anyways, isang mabilis na pasada sa mga nangyari sa buong taon ngayon 2010. Alam ko na hindi naging maganda ang 2010 para sa kin. Sa totoo lang gusto ko na siya matapos. Sobrang gusto ko na mag 2011 and gusto ko makita what’s in store for me. Hindi na dapat ako gagawa ng yea-end entry pero sige, since every year-end gumagawa ako nito, sige. Pero kakanta muna si Mariah:
Maraming nangyari ngayong 2010. Maraming magaganda. Maraming hindi maganda. Isa na sa pinaka hindi ko makakalimutan sa 2010 ang pag-alis ni Chris papuntang America. Isang highlight din ng taon na toh ang aming whirlwind romance ni Benson. Haha! Natatawa na lang ako pag-naalala ko. Siguro epekto ng pag-alis ni Chris yung mga nangyari sa min ni Benson. Masisisi mo ba ko Mr. T! Tao lang ako. Hahaha! Tapos siyempre sino makakalimot kay Alvin. Ang unang unang taong gumera sa kin sa blog. Wala na sa kin yun Mr. T! Madali akong makalimot at magpatawad. Isa pang hindi ko makakalimutan ngayong taon na toh ang pag-away sa kin ng jowa ni Migs. Hindi ko naman alam na magjowa sila nun. Hello naman din, as if may ginagawa kami ni Migs nun na masama. Lumalabas kami bilang magkaibigan. Ang pag-iyak ni Migs hindi ko rin makakalimutan. Ang singsing na binigay niya na hindi ko na kahit kailan maisusuot. Siyempre, sinong makakalimot sa tampuhan na nangyari sa pagitan namin ni Jeffrey? Ako hindi ko makakalimutan yun. For the first time, natuto kong itikom ang bibig ko at isipin muna mga dapat kong sabihin sa mga tao.
Sino rin bang makakalimot sa mga lasing moments namin ngayon nina Luis and Che? Mga bago kong friends from South. Sino rin makakalimot kay nakakabuwiset na Evan na sinabaya pa yung party niya sa party ko? I forgive him. Sino rin makakalimot sa ilang beses kong pagnood ng Dear John? Ang Valentines Day date namin ni Chris? Ang pag-away sa kin ng ex ni Luis? Ang pagmomove on ni Che? Ang mga bago kong Twitter friends. Ang party of the year --- birthday ko. Ang Singapore? Ang Thailand? Ang pagbalik ni Jeffrey sa Pinas? Ang first ever real job ko? Ang Distillery? Na kaya ko pala magmahal ulit? Na iisa pa rin hanggang ngayon ang laman ng puso ko?
Ang mga tao sa Trend Micro na sobrang totoo. Ang pinapakita nilang pagtanggap sa kin kahit sira ulo ako. Ang pagiging Alice in Woderland ko nung Halloween party. Yung pagsali at pagkanta ko sa Christmas party. Mga videoke moments namin. Inuman moments. Mga team building. Mga pizza at pansit na walang tigil namng pinagkakain sa office. Mga tawanan sa office na kala mo hindi kami nagtatarabaho. Sa mga oras na tulog ako sa office at ginigising ako pag tapos na break ko. Ang paglipat ng office from Eastwood to RBC Ortigas. Sa mga managers na naging friends ko na rin. Pinakita sa kin ng Trend na pantay pantay ang mga empleyado.
The elusive iPhone 4. Ang pinakabagong iPad. Macbook Pro. Samsung Galaxy Tab. Blackberry. iPod 4. Lahat ng mga kagadgetan na nauso ngayong taon na toh at hindi ko pinalampas. Ang Lady Gaga headset ko. Ang pestend n97 and ang n900. Ang n8 na sa tingin ko ganun pa rin. Daming nauso. Daming hindi na uso. Ano kaya meron sa 2011? Ang mga clubs songs dahil parang naging bahay namin nina Luis ang Obar at Malate. Ang White at Black Party. Ang walang katapusang inuman at kape at sayawan at tawanan.
Siyempre hindi ko makakalimutan nung nadengue si Bruno and Page. Nung si Barry and Rhitz sumugod sa ospital nung kailangan ng dugo. Kahit madaling araw pa nun. Salamat naman sa Diyos gumaling sila. Siyempre kasama sa 2010 nung na-ospital ang poodle namin. Na parang tao yung na-ospital sa sobra naming alala. Sa pagbukas ng 2 branches pa ng drugstore? Ang paglipat namin sa bagong bahay. Ang pagkamatay ng pinsan ko sa America hindi rin pinalampas ng 2010. Ang pagiging close ulit ng magbest friend na si Ate and si Ate Emy. Ang pagiging malapit ulit namin ulit sa Webb side. Ang graduation ni Bruno? Ng makapasa si Bruno sa boards? Oathtaking? Ang family picture sa Nueva Ecija nung napadpad kami dun. Sofitel party nina Kobe and Emo. Puerto Galera. Ang Diamond Hotel celebration ni Bruno? Nung malaman naming may anak na mga pinsan namin. Ang mga balikbayans from the US. Ang pagpapaliwanag kay Bambi ng mga bagay bagay. Ang aking mga Barbie Dolls na dumami ng dumami. Ang mga pamangkin ko na madalas kong nakabonding ngayong taon.
Salamat 2010 pinatatag mo ko. Marami kang naturo sa kin na hindi ko alam noon. Mga pagpapahalaga sa relasyon sa ibang tao. Na nakakasakit na pala ko ng hindi ko alam. Ang pag-isip bago magsalita. Na mag-ipon. Na mahalin pa ang mga taong nagmamahal sa kin. At paghihintay sa mga bagay na gusto ko mangyari sa buhay ko. Ang pag-asa. Ang magpatawad. Maging tunay sa sarili. Maging masipag. Isipin ang hinaharap. Na hindi lahat sarap. May responsibilidad din ako Mr. T! Salamat salamat salamat 2010. Sana’y maganda ang ihatid sa kin ng 2011. :) Happy New Year.