Dear Santa Claus,

Siguro naman nakakaintindi ka ng Filipino di ba? Kasi kung hindi, paano mo malalaman dati yung mga hiling ko na nilalagay mo sa medyas ko tuwing Christmas Eve? Naalala mo pa ba yung mga niregalo mo sa kin? Yung mga chocolates na nilagay mo sa medyas ko pag tulog na ko sa gabi bago magPasko? Ako naalala ko lahat ng binigay mong regalo sa kin. Mga chocolates at laruan pati mga damit. Pati yung mga bills and barya nung medyo lumalaki na ko. Hinding hindi ko makakalimutan yung caterpillar na nilagay mo sa medyas ko nun. Ang laki laki niya pero napagkasya mo dun sa medyas kong maliit. Tinatanong ko nga nanay ko kung nakikita ka niya nun sabi ng nanay ko oo. Sa bubong ka dumadaan tas bababa ka na lang mula sa bubong gamit daw yung ladder. Wala kasi kaming chimney so hindi ka makakababa nun. Ay oo, sabi ni Mama nun, nagtatagalog ka raw. Pero bakit ganun, ang kondisyon talaga para malagyan mo kami ng kapatid ko ng mga regalo sa medyas namin ay kailangang tulog kami? Hahaha! Ang dami kong ala-ala tuwing sasapit ang Christmas morning. Ako pinakaunang taong gigising sa araw ng Pasko para tignan yung medyas ko. Tas magyayabangan kami ng mga pinsan ko sa mga regalong binigay mo sa min. Hihintayin pa rin kita mamaya at titignan ko kung maabutan kita at makikita. Tignan mo yung picture na nilagay ko dito, umaga yan ng Pasko siguro mga 7 years old ako. Sobrang saya namin ni Bruno dahil ang dami mong nilagay sa mga medyas namin. Ikaw ang dahilan ng mga ngiti na yan.

16122009308

Pero Santa, hindi na ko bata ngayon. Yung mga gusto ko hindi ko alam kung kaya mo pang ilagay sa maliliit na medyas na sinasabit ko sa noon. Hindi na rin siguro kasya yung mga gusto ko sa mga karton ng regalo sa ilalim ni Christmas tree. Mga regalong excited ako bukas nun pag sapit ng Pasko. Santa, kaya mo pa ba ibigay mga gusto ko? Hindi ko na kailangan ng laruan or chocolates or canday or mga perang nilalagay mo sa medyas ko nun. Sapat na siguro yung kaligayan ko nun sa caterpillar na laruan nung bata pa ko. Sobrang napasaya mo ko nun and hindi ko makakalimutan yun. Iba ang gusto kong ilagay mo sa medyas ko ngayong gabi. Hindi alak, hindi lovelife, gadget or kung ano man. Hindi kung anong para sa sarili ko lang.

Sana Santa, kaya mo ilagay sa medyas ko mamayang gabi yung pagpapatawad ng ibang tao. Sa mga taong nasaktian ko, sana mapatawad na nila ko. Hindi ko sinasadya masaktan sila. Alam mo namang minsan talaga naughty ako pero I’m really really nice. Gusto ko ng maayos ang mga hidwaan na nagkaroon ako ngayong taon. Kaya mo ba yun ilagay sa medyas ko mamayang gabi? Gusto ko rin muling mapalapit sa mga taong unti unting nalayo sa kin dahil sa ugali kong sira ulo minsan. Sana maibalik yung dati naming pagiging malapit. Sana rin Santa, kaya mong ilagay sa medyas ko ang pagpatawad naman sa ibang tao. Ang pagtanggap ng mga bagay na hindi ko kayang tanggapin. Na maging bukas ang utak ko sa maaring mangyari sa buhay ko. Na mahalin pa rin ako ng mga taong sa paligid ko sa mga susunod pang taon. Na maging masagana ang pamilya namin. At si Papa bumalik na dito sa Pinas para kumpleto na kami. Sana walang ayaw. Walang nagkakagulo. Lahat maayos. Walang magugutom. Walang manlalamang. Sana malagay mo rin yung pagkakaintindihan. Sa pagitan ko at ng ibang tao. Na sana laging masaya. Na sana, kung pwede lang walang malungkot. Lahat magkakaibigan at walang magkaaway. Laging goodness. Laging happiness at lahat maniniwala sa love. Yun ang hiling ko ngayong Pasko Santa. Magsasabit ako ng medyas ko mamaya, baka sa sakaling mapagkasya mo silang lahat dun. Sana mapagbigyan mo ko at mapaligaya tulad nung caterpillar na laruan na binigay mo sa kin nung bata pa ako. :)

Love,

Jacob a.k.a “Jobo”

P.S. Sa bubong ka ba dadaan mamayang gabi ulit? :D

Currently listening to: Santa Claus Is Coming to Town by Mariah Carey
Currently feeling: anticipating
Posted by jjcobwebb on December 24, 2010 at 06:37 PM in Everyday Drama, Family | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.