Isa sa mga bagay na iniiwasan ko sa mundo na toh ay ang magkaroon ng kagalit o kaaway. Hindi ko nature ang mang-away ng tao Mr. T! Hindi likas sa kin ang magtanim ng galit kahit kanino man. Kahit sa mga taong may galit sa kin. Madali naman ako magpatawad. Ayoko ng mgay dinadalang puot o kahit tampo dito sa puso ko. Hindi ako ganun. Kahit sa mga nanligaw sa kin na hindi ko sinagot o sa mga taong niloko ko, makikitang parang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan namin. Kasi nagpapatawad ako. Kung medyo matagal akong nanahimik sa mga bagay bagay na nangyari for the past weeks, ngayon lang ako magsasalita para matapos na ang lahat. 

I don't wish for someone to be dead on their birthday. Yes dear, you just did. Saktong sakto sa araw ng birthday ko, binanggit mo ang salitang kamatayan. Gawain ba ng matinong tao yan? Baka may sakit ka sa utak magpatingin ka na. Or, sadyang itim ang budhi mo kaya mo nasasabi ang mga ganyang bagay. Ako, kung galit man kita, palalampasin ko ang pinaka espesyal na araw sa buhay mo bago kita awayin o hamunin man lang.  Pero wala akong kaaway o kagalit. Hindi ko alam baket ikaw, galit na galit. I forgive you. Baka ugali mo talaga yan. Masama. 

I don't repost things on my blog na sa tingin ko nakakasama sa minamahal ko. Ginawa mo ulit ate. Nagscreen shots ka pa ng Twitter page ko para ipakita na sinasaktan ko yang taong mahal mo. Well, strike two ka. Hindi mo ba naisip na sa pagpost mo na yun nasaktan mo rin yang taon minamahal mo? Ramdam mo na ngang makakasakit yun, irerepost mo pa? Dear nag-iisip ka ba? Alam mo ba ginagawa mo nung pinagcacapture mo yung mga screens na yun? Sino ngayon ang nakagawa ng dobleng sakit? Huwag kang mag-astang bida dito te. Parang naging contra-bida ka lang ng contra-bida. 

At ako ang tinawag mong desperado? Sino nag-effort na iedit lahat ng tinweet ko? Sinong nag-effort gumawa ng entry tungkol sa kin? Sinong nag-effort basahin mga past entries ko dito sa blog? Ni ako nga hindi ko na binabalikan mga past entries ko. You even mentioned na hindi ka nasusweetan sa mga lumang entries na yun. Well wala kong paki kung hindi ka natuwa or nasweetan dun. Dahil ako, isang entry lang nabasa ko sa blog mo. Ay wait, dalawa. Kung hindi pa isesend sa kin ang link ng blog mo ng kaibigan ko hindi ko pa mapupuntahan yang blog mong nakapamukhang desperado rin. I dare you write entries about guys you’re dating habang wala yang mahal mo dito sa Pilipinas. Ay huwag, faithful ka pala kuno. And oh yes, hindi kita follower sa Twitter pero updated ka sa mga Tweets ko at alam mo pa na birthday ko nung araw na yun. How sweet of you. 

Ako ang walang respeto sa sarili ko, ako na ang insecure at kung ano ano pa? Ako na rin ang walang pinag-aralan, may nabasa ka bang kababuyan na tinweet ko diyan sa mahal mo? Eh ikaw puros kababuyan eh. Sino sa tin ngayon ang may respeto sa sarili? Kahit kelan wala kang nabasa na gusto kong sipsipin yang utong ng mahal mo. Huwag mo kong igaya sa yo, may nakakabasa ng Twitter mo, di lang kayo. At ako ang insecure? May nabasa ka ba tungkol sa yo dito sa blog ko bago mo ko isulat sa kahanga-hanga mong blog? Ako? I made sure na yung mahal mo nasa gitna while I say things to you on Twitter. On him on Twitter. Hindi kita siniraan sa blog ko or even disrespected you. Ikaw? You did, but I forgive you. Kahit itanong mo sa taong mahal mo, wala akong pinost na gawa-gawa ko o kahit ano mang kasinungalingan sa blog man o sa Twitter. Ikaw? You make everything he does for you look sweet. Kahit alam mong walang karea-reaksyon yang taong minamahal mo. Sana lang ikinaliligaya mo yan. At yes, nabanggit mo rin ang victory, ganyan ba tingin mo sa taong mahal mo? A prize to be won? Walang contest te! 

Nung nalaman ko yung tungkol sa inyo ng taong mahal mo, hindi kita agad tinira te. Nagtanong ako dun sa taong mahal mo. Nag-explain siya. Nasaktan ako. Medyo lumayo ako. Natuloy ang paglalandian niyo sa Twitter. Nagmasid lang ako. May lumabas ba sa blog ko na mang-aagaw ka? Entry na siniraan kita? Entry na pinakita kong desperada ka? Entry tungkol sa yo mismo? Wala. Kasi alam ko lugar ko. Ikaw? Alam mo ba lugar mo? Nasabi na ba sa yo ng mahal mo na hindi ka niya pinaghihintay? Pero baket nung ako na ang umeksena sa Twitter masyado kang naapektuhan? Pinatunayan mo lang na mas desperado at apektado ka rin. Well, siguro ganun nga. 

Marami akong nakilala na kakilala ka at kakilala yang taong mahal mo. May mga bagay bagay silang tinatanong tungkol sa kin at sa taong mahal mo. Alam mo lagi kong sagot ate? Hindi naman siya sa kin, wala akong karapatan. Pero baket ikaw, pati mga kaibigan mo napapaikot mo. Paniwalang paniwala sila na kayo ng taong mahal mo? Magaling ka kasi magpress release? Siguro. Kasi mukha kang tapat na tapat? Magaling! Sana lang alam mo lugar mo. Kasi ako matagal ko ng alam. Nasa lugar mo rin ako dati, naiintindihan kita. Sana lang kung masaktan ka ng ilang beses niyang taong mahal mo ay mahalin mo pa rin siya. At kung sa tingin mong nanghaharbat ako ng mga kaibigan mo, kung sino man sila na sa tingin kong sandakot lang, well good luck sa yo. Sa dami ng kaibigan ko, baka bigyan pa kita. I don't need your friends kung sino man sila. Sayong sayo na sila. 

Pinapatawad kita sa lahat ng pangit na bagay na pinagsasabi mo sa kin. Pero wala ni isa sa kanila ang totoo. Kung may nagverbal diarrhea man, tignan mo sarili mo. Pinapatawad kita kahit pinamukha mo sa lahat na naninira ako ng relasyon. You just don’t know how I value other people’s relationship. Pinapatawad kita kahit pinagmukha mo kong kaawa awa sa harap ng lahat. Kahit pinagmukha mo kong desperado sa harap ng taong mahal mo. Kahit pinagmukha mong makitid ang utak ko, na wala akong respeto sa sarili ko, hindi ako galit. Nainis ako pero hindi kita pagtataniman ng kahit ano mang sama ng loob. Wala kong nilabas ng kasinungalingan sa Twitter man o sa blog. Totoo silang lahat. At kung matapang yang taong mahal mo, tumayo sana siya sa gitna nating dalawa at pinatigil kung ano mang nagaganap. Pero nanood lang siya. Sana maging matapang naman siya kahit minsan lang pakisabi. Kung hindi man maging maayos ang lahat sa pagitan natin, maiintindihan ko kasi nagmamahal din ako.

Hindi ako galit at sana maging masaya ka. Ayoko ng may kagalit ngayong Pasko. Ayoko ng may kagalit kahit hindi Pasko. Ipagdadasal na lang kita.

Currently listening to: Heart of the Matter by India.Arie
Currently feeling: forgiving
Posted by jjcobwebb on November 29, 2010 at 09:34 PM in Everyday Drama, Updates | 1 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

fairy godmother (guest)

Comment posted on November 30th, 2010 at 07:24 PM
tulad ng lagi mong sinasabi dito sa blog mo. Goodness, Love and Happiness :) wala kong masabi sa kabaitan mo Jacob. iba ka.