It's A Gay World After All
Hello Mr. T! Musta ka na? Eto, sorry kung napupuntahan kita kung malungkot lang ako. Malungkot ako ngayon sa totoo lang. Hilig ko kasi magbasa ng mga kung ano ano. Ang gaga ko talaga. Hindi na ko natuto. Masakit, yes, pero wala kong karapatan. Eto na naman ako.
Siguro nga, kahit anong gawin mong pagsiksik para magkaroon ng lugar sa puso ng tao, sa malamang sa malamang, wala ka pa ring lulugaran. Sa mundo ng mga bakla, where everything is about flings and playing, tanggap ko na na mahirap talaga maghanap ng taong mamahalin mo --- baklang mamahalin mo. Minsan lang kasi ako magmahal. Kadalasan tanga pa ko. Sana ako na lang nandun. Sana ako na lang lahat yon. Sorry...
Inaamin ko naman Mr. T! na minahal ko si Benson. But there is this force that keeps me from loving him ng buo. Walang nangyari sa min ni Benson. It's a fact. Kasi sabi ko sa sarili ko kung magiging kami nun, saka lang may mangyayari. He drifted, I drifted. Now parang wala lang lahat ng pinagsamahan namin. He never ran after me so I'll keep moving. I kept walking... away.
Then there was Orchie, and there was his friend Rob. And Mark and CJ. All there efforts were put to waste. Tanga kasi ako Mr. T! It was the same force that kept pulling me away from Benson. I tried turning my back away from that force para maging magalang. Because I respect people. Pati nararamdaman ko. Sabi nga ni Luis, I've been wasting all my time with waiting. Sabi ko, NO. It's what you do when you really love someone.
Siguro tanga ko kung iisipin kong ganun din nararamdaman sa kin ng ibang tao. Siguro nga nasa lala land na naman utak ko. Nood kasi ng nood ng Fairy Tales eh ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi naman nangyayari sa totoong buhay yun. Siguro feeling ko what I feel eh tama? Nasasaktan ba ko dahil umaasa pa rin ako? O nasasaktan ako dahil sana alam ko kahit papaano?
Birthday celebration ni Barry bukas. Andun si Benson. Andun si Migs. Hindi ko alam kung san ko ilulugar sarili ko bukas. Kailangang composed ako. Kailangang mawala tong lungkot sa mukha ko ngayon. Birthday din ni Jiggy next Friday. Gays will be there. Kailangan hindi ako mukhang malungkot.
On the bright side, this is much better than reading your blog that says you still love your ex. That one, I really cried the whole day. This one's better because it came from a different perspective. I've loved enough to hurt --- until now.
Masakit Mr. T! pero tanggap ko naman eh. It's a gay world after all. Sino ko para manghusga...
GHV2 (guest)
Kaya mo yan, gerl. Ngiti lang. You'll survive.