Literally. As in kahapon nung magkasama kami ni Benson magbreakfast. As in halos wala talagang nagsasalita. Nagbabasa siya ng libro tas ako nakatingin sa malayo. Parang hindi kami magkasama sa totoo lang. Parang sinamahan niya lang ako tumunganga. Pero natatawa kami pag sobrang emo nung music na pinapatugtog kahapon. List ko mga kanta kahapon na pinatugtog:

Sarah Mclachlan  - I Will Remember You * What Hurts The Most - Rascal Flatts * The Gift - Jim Brickman * Tell Me Where It Hurts - MYMP * Beautiful Days - Kyla 

OA lang talaga pagka-emo ng mga kanta kahapon. Ayun ganito nangyari kahapon Mr. T! Bandang 7AM kasi nagkita na kami ni Benson sa SM North at nagbreakfast kami sa McDo. Pagtapos magbreakfast:

7:30AM
Benson
: ...... (kinuha ang libro at nagbasa)
Jacob: ...... (katext si Bea)
Benson: ...... (nagbabasa)
Jacob: (malayo ang tingin habang hinihintay text ni Bea)

8:30AM
Benson
: (hinawakan ang libro at inipit isang daliri sa binabasang page) anong oras ba nagbubukas Trinoma?
Jacob: (nadisturb sa pagkatunganga) Mga 10 ata... 
Benson: ..... (nagbasa ulit ng libro)
Jacob: ..... (tumunganga ulit)

9:00AM
Benson: lipat tayong Starbucks
Jacob: okay...

Sa Starbucks:

Benson:  (nagbasa ng libro)
Jacob: (malayo na naman ang tingin...)

9:45AM
Tapos na basahin ni Benson ang libro niya.
Benson: pasok na tayo ng Trinoma
Jacob: okay... 

10AM
Nag-grocery muna si Benson sa Landmark... 

Sa loob ng Fully Booked sa Trinoma:

Benson:  Upo tayo somewhere hanapin natin yung part 4 nung book...
Jacob: okay...

Galing noh? Hahahaha! Around 11AM umuwi na kami ni Benson. Wala kahit walang nangyari at kwentuhan kahapon masaya pa rin. Hahaha! Shet lang. Hays... update you soon Mr. T! Inaantok na ko. :)

Currently listening to: silence
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 7, 2010 at 07:15 AM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on April 7th, 2010 at 11:52 AM
sometimes it's better to remain speechless than talking with no sense.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 8th, 2010 at 06:33 AM
i agree :)