May Kulang
Bago ko matulog, ang dami kong naiisip grabe! Ang daming pumapasok sa utak ko. Ngayong wala na si Chris, parang may kulang talaga. Oo, ganito rin naramdaman ko nung umalis si Jeffrey. May kulang talaga. Parang dala nila parte ng pagkatao mo. Baket ganun, yung mga taong malalapit talaga sa kin, umaalis talaga sila? Grabe. Alam mo Mr. T! Ayoko rin isipin yung pag-alis ni Luis. Sigurado rin kasi na pagkagrad niya aalis na siya ng bansa. Grabe lang talaga. Magbebreakdown talaga ako pag-umalis na si Luis. Yung iba naman kakakilala mo pa lang, aalis na agad. Gusto mo pa naman sila iclose pero aalis din pala. Hirap noh? Baket ganun. May mga dinala at dadalhin sila ng pagkatao mo na sila lang talaga pwedeng magbalik. Hindi kumpleto. You're a different person pag wala sila. Siguro may YM, Facebook at kung ano ano pa. Pero iba pag andito sila at madaling hilahin. Mahirap. Minsan pinagdadasal ko sana huwag na matuloy si Luis sa ibang bansa. Pero kailangan niya talaga dahil sabi niya walang future dito. Baket ganun. Hanggang ngayon hindi ko lubusang tanggap na kailangan ng mga taong umalis at ako maiiwan. Selfish ata ako Mr. T! Sabi ko nga kina Barry, Rhitz and Benson na kung aalis din sila, simulan na nila. Magsama sama silang lahat. Tapos ako ipapasok na sa mental. Wahhh... pero sabi nga nila, friendly raw ako at kahit katabi ko sa MRT pwede kong kaibiganin agad. Pero hello naman! I feel so incomplete right now! Sana phase lang toh pota! I am STRONG. Masisiraan na ata ako ng bait. LOL