Champagne Room: A Wedding
Hinatid ako ni Kuya sa Manila Hotel. Kaloka lang, napakape pa ko kahihintay sa entourage! Hahaha! Pero yung mga 1 hour lang naman ako naghintay then nakita ko na si Ivan and Tin then nagphotobooth agad kami. Hahaha! Then ayun, as usual, sa reception, may program, tapos abundance of food, at siyempre may mga kumanta. Tulad ko, nagsinger singeran kanina.
Hahaha! So yun, super saya nung wedding Mr. T! Kainis lang after 2 hours ata ako sinundo sa Manila Hotel. Nagmall pa sina Mama kasi. So sa kasal, super kami lang nina Tin ang nagpicturan. Bride’s maid si Tin. Hiwalay table niya sa family niya. Hahaha! Kaming 3 nina Ivan and 3 na relatives ni Jayson na same age namin ang nasa table. Okay naman, madaldal ako so nag-usap usap naman kaming 6 sa table. Hahaha!
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
After the wedding and while waiting for my sundo, sumama at pumunta muna ko sa room nina Tin sa 4th floor ng hotel. Pero umalis din agad sila. Maiiwan yung mag-asawa dun til bukas ata. And ako, super hintay na naman sa lobby ng hotel. Ayun, si Ate bumababa muna ng Manila Hotel para mamili ng mga tinapay. Tapos umuwi na rin agad Mr. T!
Salamat naman at hindi ako sumabit kanina sa pagkanta. Salamat din kay Tin na friend ko dahil vinolunteer niya talaga ko kahit di kami close nung kapatid niya. Salamat din kay Tin na kaduet ko kanina, magaling siya. Hahaha! So yun, eto, Saturday night walang gimmick. Pagod na ko. Magrerecharge muna ko Mr. T! Looking back, the past week was lethargic. San ba ko kumukuha ng enerhiya? Kaloka! Dami ko rin pala nakain kanina. At ang sarap talaga ng red wine hahaha! So yun, congratulations kay Jayson and Aiem. :-)
Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah! Naalala ko lang hindi pala ko nagpost ng entry nung kinasal closest kong pinsan na babae na si Cathy. I’ll try to make one Mr. T! Ang sarap siguro ikasal :-)
the_storyteller

lovefull
