Smile Lang Ng Smile
Habang nasa jeep kanina, nakita ko isang matanda, lola na siguro, nagtetext siya. Napasmile ako. At sino magsasabing bata lang pwede magtext messaging ngayon? Napasmile ako ni lola... :)
May mga batang nangangaroling na sa bahay. Pinapasok ko kanina at pinakanta ko sa loob ng bahay namin dahil natuwa ako at hindi nila kabisa yung "Sa May Bahay Ang Aming Bati", itinuro ko sa kanila ng maayos. Nakanta naman nila ng mas okay kesa sa una, nakita ko ang effort, binigyan ko ng mga chocolates sa ref. Napsmile nila ako...
Yung isa kong pamangkin, adik sa Thomas and Friends. Nakita kong naglalaro siya at pinapatakbo yung mga characters sa railway nung laruan niya. Nakilaro ako. Napasmile ako habang naglalaro... :)
Pagkauwi ko, nakakalat ang mga gadget-gadgetan ko sa kama. Ang iPod tumutunog mag-isa, ang PSPgo hindi ko napatay, ang DSi nakapause, ang iPhone naka-on ang Wifi nadrain tuloy ang battery. Mukha kong tanga dahil hindi ko naman lahat sila kailangan pero meron akong mga gamit na ganito. Napasmile ako dahil kaya ko palang bumili ng mga ganyan... :)
Hindi pa rin dumadating yung replacement ng credit card na nawala ko. Nakakatakot dahil parang nasanay akong kasama yung credit card kung san san. Pero napasmile ako dahil at least, ang utang ko di madadagdagan... :)
May nangaroling na mga bata sa jeep kanina papuntang Guadalupe. Sumasayaw pa sila. Nagbigay ng envelope. Binigyan ko naman sila. Napasmile ako dahil nag"Thank You" sila sa akin. At nung hindi humihinto yung jeep para makababa sila, ako na ang sumigaw ng para. Napasmile ako dahil nakababa rin sila sa wakas at napasaya ko pa sila... :)
Si Jeffrey, nung isang gabi, nagalit dahil hindi na raw ako bumalik sa YM pagtapos ko magBRB. Napasmile ako dahil talagang hinintay pala ako ni Jeffrey bumalik sa YM... :)
Ilang beses na ko nasabihan ng "Suwerte ng magiging bf mo..." simula last week. I can't help but smile sa totoo lang. Kahit hindi ko alam kung jinojoke lang talaga ko ng mga tao... :)
Nung nagbobrowse ako ng mga pictures sa iPhone kanina, nakita ko mga picture nung 2008-2009. Maraming magagandang ala-ala. Marami akong nakilalang kaibigan. Napasmile ako dahil feeling ko maraming nagmamahal sa akin... :)
Minsan pag naalala ko rin mga katangahan na ginawa ko sa buhay ko, hindi ko maiwasang magsmile. Hahaha! Kasi kaya ko palang tawanan at harapin ng walang kyeme mga ganung pangyayari sa buhay ko eh. Smile lang ng smile :)
Natapos ko na rin kanina yung full season ng Glee. Napasmile ako... :)
Hindi naman pala mahirap maging masaya. Minsan talaga madrama lang ako. Pero kung pipiliin ko talagang maging masaya, kaya ko pala.
At habang sinusulat ko tong entry na toh, nakasmile ako. Ewan ko, baka nasisiraan na ko. Hahaha! :)
eitoelc

tofuboy
pokeweedMD