Hello hello Mr. T! Buhay ako! Hahaha! Sobrang hindi ko mabisita tong blog ko dahil sa dami ng aking engagements. Hahaha! Pero totoo, ang dami kong ginawa. Parang sa totoo lang, kulang talaga ang 24 hours sa aking buhay lately. Gusto ko siyang dagdagan. Anyways, kwento na ko...

Last Friday, akala ko wala na akong lakad. Si Luis hindi nagtetext. Si Benson kailangang umuwi. So humiga na lang ako, hanggang sa nagtext si Luis na tuloy daw kami. Kasama si Che and si officemates niya. So yun, hindi pa ko nakakapagpahinga nun dahil ang dami pang pinagawan ni Mama sa kin. So around 10PM sinundo na ako ni Luis sa may amin. Then dumirecho kami sa Music 21. Nauna na sina Che, Angel, Bea, JP and forgot the name nung isa niyang officemate. Mga 2AM na kami natapos. Sobrang saya Mr. T! Daming alak at libre pa. Hahahaha! Then yun, sina Che at Jowa niya nauna na at kasama nila si Angel. Kami ni Luis, Bea naiwan at nag-isip kung ano ang gagawin. Si Luis, gusto sumayaw. Bed agad naisip niya. Pumayag kami ni Bea since lango lango na rin kami. So yun, nagBed kami. Super sayaw talaga kami sa stage. Ang saya saya. Hanggang sa nagCR kaming 3 at tawa kami ng tawa sa nakita namin. Then may humila sa kin pagkalabas ko ng CR (See previous entry). Hahaha! Si Luis tawa ng tawa. Hindi niya raw kinaya yung pangalan na binigay ko. After nun, deadma na yung guy kahit hot siya. Hahaha! Sabi nga ni Luis sayang. Then bumalik kami sa stage. PORN! Hahaha! Aliw na aliw kaming 3 sa nakita namin. Hahaha! Sabi nga ni Luis parang live show lang. Super enjoy talaga kami. Then bandang 5AM nagdecide na kaming umuwi. Si Bea binalik namin sa Jupiter dahil may kameet pa siya. Then ako hinatid ni Luis sa amin. Pero bago matapos ang lahat Mr. T!, nahuli pala kami ng mga pulis. Hay, dahil pinasok namin ang isang kalsadang one way. Naubos mga natira naming pera. Nakakaawa si Luis Mr. T! Naloko na nga siya sa Banawe nahuli pa siya, sad day talaga para sa kanya. Hays, then tulog ako after pagkauwi...

Around 6AM na ko nakauwi pero 9AM pa lang si Benson nagtetext na. So gising na ko. At since marami na kong gagawin, to be continued...

Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on October 21, 2009 at 07:17 AM in Everyday Drama, Updates | 1 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 21st, 2009 at 09:40 PM
Mr. T! tawag ko sa blog ko. Mister Tabulas dati. Naging Mr. Tabulas. Mr. T. Hanggang naging Mr. T! Hahaha! May special connection kami eh. :D