The Ugly Truth With Benson
Kanina (o kahapon) galing akong Greenhills para ibalik yung iPod na pinaayos ko. Okay na siya ngayon. Sumabay ako kay Kat pauwi. Binaba niya ko sa may Shaw. So nilakad ko hanggang Galleria para sumakay ng jeep! Adik lang maglakad noh? Then biglang bumuhos ang ulan. Ewan ko kung weird ako pero tuwang tuwa ako sa feeling nung nagssquish yung tubig sa loob ng shoes ko! Hahaha! Then yun, sa Ortigas Center naman ako naglakad so safe naman yung feeling ko. Nakaabot ako ng Galleria ng buhay. Ng Greenhills ng buhay. O di ba? Kaya mo yon Mr. T! Hahaha! Yun na lang exercise ko ngayon. Walking. Hahaha!
Bago umuwi kahapon (o nung isang araw depende sa oras ng pagpost neto), bago sumakay sa kotse ni Kat, nakareceive ako ng text galing kay Benson. Nag-iinvite na labas daw kami. Nasa bahay niya sila sa Taguig. Sabi niya kita raw kami Market Market. Buti na lang talaga, hindi pa ko nakakalayo sa the Fort. So sabi ko sige, magkita kami. So hindi na ko sumabay kay Kat pauwi and nilakad ko galing sa ospital hanggang sa Market Market.
So yun, nagkita kami ni Benson. Sa Ministop. After ng mga pinagsasabi ko sa kanya last Saturday, buti naman naging okay kami. Hindi na namin pinag-usapan. Kunwari wala na lang nangyari. Ibibring up ko na lang ulit pag nagbibiruan. Tapos yun, ikot ikot kami. Gusto raw manood ni Benson ng movie. At aba! Libre niya raw. Maraming pera si Benson nun. Nagulat naman ako. Napatambling. Haha! Sabi ko sige sure! So yun, The Ugly Truth yung papanoorin namin. Tinext ko si Barry na sumunod pero nag-gygym sila ni Van sa Greenhills. So kaming dalawa ni Benson nanood ng movie. Pero habang naghihintay para sa movie time, naglakad lakad. NagFully Booked and nakita ko yung schoolmate ko nung HS. Naiba na itsura niya grabe. Nakakatuwa Mr. T! Speechless si Benson dahil nung malayo pa lang yung schoolmate ko na yun may sinabi siya tapos kilala ko pala! Hahaha!
Then kumain muna kami ni Benson. At aba ulit! Libre niya! Natuwa naman ako. Hahaha! So yun, habang kumakain, ang dami namin napagkwentuhan grabe. Nakakatuwa Mr. T! Sa Tokyo Tokyo kami kumain ni Benson. So yun, super interconnected ang network talaga namin. Pati pala Ate ko kilala nanay niya dahil same ospital nagtrabaho yung dalawa. At yun, ang daming kwento ni Benson tungkol sa newly reformed niyang tatay. Natuwa naman ako para sa tatay niya. Sana magtuloy tuloy. Then since matagal-tagal pa yung movie time naglakad lakad kami ulit. Serendra-High Street then bumalik sa Market Market.
Date movie yung The Ugly Truth. Ang lamig ng sinehan. Then ayun, tawa kami ng tawa ni Benson sa isang scene. Halos boses namin naririnig sa sinehan. Super tawa at super naghahampasan kami kakatawa. Ahahaha! Naiyak ako kakatawa. Then nung natapos yung movie, nakita ko may missed call si Barry...
So pinapunta ko si Barry. Pero ang tagal since hinihintay niya pa si Van matapos sa gym. So kami ni Benson, nagMinistop muna nag-ice cream. Then yung mga cashier sa Ministop naghahagikgikan sabi:
"Sweet naman..."
Sabi ni Benson:
"Hindi kami! Hahaha! Mga gaga! Hahaha!"
At natawa na lang din ako. So ayun, lakad lakad ulit kami while waiting for Barry and Van. Red na yung energy level ko. Pero nakapagTimezone pa kami kahit antok na ko. So nagvideoke. Then 10PM na. Sabi ni Barry hindi na raw sila tuloy since super tagal ni Van and antok na kami. So sabi ko sige, uwi na kami ni Benson. Then habang naglalakad...
May sumigaw:
"Mga bakla..."
OMG lang, si Luis at Che, nakaupo sa Figaro! O di ba? Grabe tawa kami ng tawa lang Mr. T! Sobrang unexpected. Naaliw naman ako. Medyo nadagdagan energy ko. Then yun, tawanan. Usap usap. Grabe talaga. Since andun pa kami nung nagtext si Barry ulit, sumunod yung dalawa. While waiting, naglakad muna kaming 4. Then dumating na si Barry. Ayun, kumain lang sa Brother's Burger. Nilibre ako ni Barry. O di ba? Hahaha! Puro libre. Then yun, since si Che, Barry and Luis may dalang kotse, pwede sumabay. Si Benson sumabay kay Che dahil parehas silang South. Si Van kay Barry. Pwede naman ako sumabay kay Barry nun pero kay Luis ako sumabay Mr. T! Then yun, tawanan kami ng tawanan ni Luis sa kotse. Kung ano ano lang napagusapan grabe. At super antok na ko at nakalimutan ako magthank you kay Benson so nagtext ako nung pagkauwi ko. Nakatulog ako agad habang nagdadasal...