Final Destination
Pang ilang Final Destination na napanood ko Mr. T! Pang 4th na ata yung kanina sa G4. Kasama ko mga pharmacists and PA manood. Anyways, weird talaga ng Final Destination kahit kelan. Hindi ko naenjoy yung kanina. Parang Happy Tree Friends come to life lang. The best pa rin yung Final Destination 2.
Speaking of Final Destination, Tito Siling passed away early this morning. Heart attack daw. Shocking kasi he just got back from the States and just celebrated his birthday nung August. Nagulat talaga ko pagkagising ko. Ewan ko, sabi nila namatay sa saya. Pero atake man or namatay sa saya, may his soul rest in peace. Hindi ko pa alam kung kelan ako makakadalaw sa wake though sa Mt. Carmel lang naman nakaburol. Maiksi lang talaga ang buhay.
Kwentong masaya naman, second birthday din ni PJ ngayon. Pamangkin ko sa pinsan. May party buti nakaabot ako. Tapos kanina si Kuya dito sa bahay kumain. Di pa naghugas ng pinagkainan! Hay, dumaan din si Mama dito kahapon para gawan ako ng sandwich. Sweet sweetan talaga si Mama noh? Hahaha!
Thursday, September 10, 2009:
Got a text from Benson. Naaksidente raw tatay niya. As in basag na basag. Naiiyak si Benson Mr. T! Sabi ko lakasan niya loob niya and magdasal. Sobrang lakas ng ulan nun. Si Barry nagiinvite pumunta ng ospital pero for some reasons, ayaw namin ni Benson na pumunta ko dun. Basta. Masyadong complikado iexplain so hindi na ko nag atubili na pumunta.
Friday, September 11, 2009
Together with Sabs, Barry and Van tumungo kami sa bahay nina Benson sa Cavite. Though andito yung tatay ni Benson nakaconfine sa Manila, sinundo namin si Benson dun kasi mag-isa siya sa bahay niya. Ayun, nagluto si Benson para sa min. Then dumaan ng ospital. Then nag-Eastwood with Van, Barry and Benson na lang. Nagkita kami ni Tom ng saglit. Namiss ko si Tom. Then dinala niya ko dun sa bago niyang tinitirahan. Bawal pumasok so sa front desk lang kami. Dami naming kwentong hinabol. Then sa McDo nagkwentuhan with Barry, Van and Benson. Then nagStarbuks. And then hinatid na kami ni Barry. Benson needs a friend right now.
Saturday, September 12, 2009:
Si Benson and si Resty pumunta sa bahay para gumawa ng mga letters para sa DWTL ni Chabs. Dito sila gumawa sa bahay. Oo, okay lang since wala naman ng tao dito. Ayun, malakas ulan pero sinadya nila ang aming humble abode. Then nagpasama na rin si Benson sa Ateneo para dalhin yung mga letters. Si Resty umuwi na pala and hindi na sumabay sa Ateneo. Sa Katipunan nakita ko sin Dennis and Victor. Ngayon ko lang ulit sila nakita after so many years. Parang walang nagbago. Sobrang ginawa kaming item ni Benson sa Ateneo. Weird. Oo na lang sagot ko para masaya. Then nilakad namin ni Benson palabas hanggang Ateneo. Parang hindi kami naubusan ng kwento. Wala tawa lang kami ng tawa at kwentuhan ng kwentuhan hanggang makarating sa Katipunan mismo. Kahit umuulan. Nag-enjoy ako. At okay na condition ng tatay ni Benson Mr. T!
Sunday, September 13, 2009:
Family day. Karl Edwards then nagTrinoma kami ng family. Dinaanan nila ko dito sa bahay. Then sabay tawag si Luis and Che. Nasa Trinoma sila. So sabi ko kina Mama may mga kikitain akong kaibigan. Sabi ni Mama go, so sinundo ako nina Che sa may Rustan’s. Dapat Trinoma talaga kami kaso yung shoes na gusto ni Che wala sa Trinoma so, tinahak ko na naman EDSA papuntang The Fort. Buti na lang may dalang kotse si Che. Then yun, nagshopping gallore si Che ng sapatos pati sa GB5 namili siya. Hanggang gabi magkakasama kami. NagRedBox pa kami afterwards. Sobrang saya Mr. T! Then dumirecho kami bahay ni Recto. Sinundo siya then tumambay sa Starbucks Amaranto. Tawanan lang ng tawanan. Kasama rin isang friend na si Bea. Then hinatid ako ni Luis, Recto and Che sa bahay. Nakatulog agad ako sa sobrang pagod. May pasok na naman kinabukasan.
Monday, September 14, 2009:
Kahapon kasama si Ate and Kuya pumunta kami sa may Lealtad ba yun? Basta sobrang saya kasama mga kapatid ko. Kwentuhan kami ng kwentuhan sa kotse. Parang magkakasing age kami noh? Eh ang tatanda na nila. Haha! Pero ewan ko, ganun ata talaga pag magkakapatid. Then sa Lealtad inubos ni Ate yung panindang bananaque nung batang naglalako. Tuwang tuwa naman yung bata. Then nung gabi, weird, may nakausap ako sa phone na lalong nagpasaya ng araw ko. Hindi ako mahilig sa phone pero sobrang sarap ng tulog ko kagabi Mr. T ! Seryoso ko na hindi ako mahilig makipagdaldalan sa phone pero parang ayaw ko ibaba yung phone kagabi. Ang nice. Sana tumawag siya ulit. Haha!
P.S.Yung previous entry ko, wala lang. Maulan lang talaga nun at wala kong kasama sa bahay. Grabe, nalungkot lang ako ng bongga. Pero okay na ko Mr. T! Hahaha! I.L.Y.I.E.Y.A.I.S.A.Y!!! Mwah! Update you soon!