Bagong Dilig Ang Mga Halaman Dahil Sa Ulan
Nasa Manaog ngayon ang aking mahal na pamilya. Oo, hindi ako kasama. Kasi masakit ulo kaninang umaga. As in masakit. Since nung isang araw pa siya masakit at hindi ko alam baket. Siguro dahil sa kama ng nanay ko ako natulog nung Friday. Well balikan natin...
Nung Friday, sa bahay ako ng mga kapatid ko ako nagLunch, Merienda at Dinner. Dito sa bahay, since ako lang pa rin ang tao, champorado lang lagi ang pagkain ko. I found a way para mabuksan na yung stove. Yehey! So yun, hanggang gabi, dapat aalis kami ni Chris nung Saturday pero busy siya so hindi kami nakanood ng Kimmy Dora. Iinvite ko sana si Benson kaso baka gawin nilang date movie ni Mike yun. So, hindi ko na siya ininvite. Sina Barry napanood na nung Thursday so hindi na rin sila manonood. So wala akong ginawa nung Friday kung hindi magFacebook!!! Ayun, then si Jeff katext ko nun. Kagagaling lang sa gimmick ni Jeff. Ayun, lakas ng ulan pala last Friday. So dumating yung topic ng usapan namin na dito na lang siya sa bahay matulog. Ayun, dito nga siya tumuloy sa bahay. Dito siya natulog. Sa kwarto ng kapatid ko. Tapos ako dun sa kwarto ng nanay ko. Nagkwentuhan muna kami bago matulog last Friday. And then maaga rin umalis si Jeff since may pasok pa siya nung Saturday.
Hindi ko alam pero ang yugyog nung kama ni Mama. Parang waterbed talaga. Ayun, tapos nung pagkagising ko, super sakit ng ulo ko. Parang hangover lang. Feeling ko dahil sa mauga talaga yung kama ni Mama. Sabi nga ni Mama sira yung kama niya. Shet, oo sira. So naglunch ako sa bahay ni Ate. Grabe bahay nila walang kahit anong gamot. Milyones ang inoorder na mga gamot sa bahay nila wala ni isang gamot. So ayun, 3 Advil lang ang katapat. Then bumalik ako sa bahay para maglinis, magplantsa, hugas ng pinggan at mag-ayos since tuloy kami ni Chris manood ng Kimmy Dora sa Eastwood.
First time ko makapunta sa Eastwood Mall Mr. T! Yung bago na. Grabe, ang sushal. Akala ko dun kami manonood ni Chris. Pero dun pala sa luma. Gusto ko yung mall. Kakaiba siya. Anyways, basta yun, ang ganda nung bagong Eastood Mall. Para siyang Powerplant Mall na mas maganda at mas maluwag. At pwede pa magdala ng aso sa loob ng mall! Sabihin ko kina Mama dalhin namin sina Prince dun one time! Weee...
Then yun, nanood ng Kimmy Dora. Tomorrow na lang ako magboblog about Kimmy Dora. Kailangan niya ng sariling entry eh. Tapos nung bandang 12AM kagabi pinatawag ako sa drugstore. Hay, hindi ko naman nagawa yung pinagawa sa kin so umuwi na lang din ako.
So yun, ngayon, sa bahay lang ako. Si Deck kanina nagyayaya mag-inuman. Kasi hindi niya alam kung san. Nakaready pa naman ako. Hahaha! I need to stop eating Mr. T! Kanina lunch ko bulalo. Merienda ko champorado at yung mga chocolates dito sa ref. Tapos nag 2-pcs Chicken Joy ako sa Jollibee. Tapos nag 1/2 gallon pa ko ng ice cream. Hindi ko alam kung epekto to ng ulan or malakas na talaga ko kumain. Nakakalungkot lang Mr. T! Sino pa magmamahal sa kin kung mataba na ko? Ahuhuhuhuhu! Hahaha! Joke lang! Pero I need to step up. Oo! Kailangan ng gumanda ng katawan ko sa lalong madaling panahon! Kailangan ko na magkajowa! Wahaha! Joke ulit! Papatunayan ko na mali yung manghuhula sa hula niya sa kin with regards to love life! Hindi ako papatalo! Hoooray! Hahaha! Sige naloloka na yata ako. Update you soon Mr. T! :-)
And finally I figured out how to put ringtones on my iPhone. Thank God for the internet! Thank God for iTunes. Hahaha! Anyways, I.L.Y.I.E.Y.A.I.S.A.Y. Habang ang iba Holiday bukas, ako may pasok. Good night Mr. T! :-)
the_storyteller
