August 2009
Kung meron month at taon na super nagsayang lang ako ng pera, August 2009 yun. Super nafeel ko biglang mawalan ng pera ng hindi ko namamalayan. As in, pero buti naman hindi as in nasasagad sa ubos yung pera ko. Party. Inom. Alis. Sine. Shopping. Yung ang mga pinag-gagawa ko buong August. At ayoko palamapasin ang August na wala man lang akong nagagawang entry. And yes, magtitipid na ko!!! At eto na ko, after a month of hiatus, eto na ang aking update! Weeee...
Pero siyempre una sa lahat, belated happy anniversary sa blog ko. 5 years na siya nung August 16, 2009. Ang layo na ng narating natin Mr. T! Kagabi sobrang natatawa ko kasi nagbabasa ko ng mga entries ko 5 years ago. Ang dami na agad ng bago. Parang dumaan lang yung 5 years. Hay… masaya ko dahil may nakakakuwentuhan pa rin ako kahit may Twitter, Plurk at Facebook. I.L.Y.I.E.Y.A.I.S.A.Y!!! :-)
September na bukas Mr. T! –Er month na. Mabilis na lang ulit ang December. Pero siyempre birthday ko muna di ba? Hmmm… anyways, I’ll try to remember some highlights ng August, siguro marami akong makakalimutan pero try ko maghanap ng mga pictures na pwede kong gawan ng kwento…
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Simula sa pagpaparty namin nina Luis. Sa pacelebrate ng birthday ni Barry. Sa pagcelebrate ng birthday ni Christian pharmacist. Sa concert ni Lady Gaga. Sa pagiging siraulo ko sa Starbucks hanggang sa bonding bonding with Barry, Rhitz and Benson. At siyempre makakalimutan ko ba ang birthday ni Aubrey. Pinakataas na pic. At eto ang pinaka-magandang nangyari sa lahat, nakasama na namin si kuya sa picture after almost 10 years. Wala nga lang si papa though. Birthday ni Mama yung mga susunod na pictures :) weird wala kong mahanap na birthday pictures ng kapatid ko. Andito rin pala yung sa Batangas. Anyways, masuya ka sa pictures Mr. T!
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
So ayan Mr. T! Dami nangyari grabe. Maraming nakilalang tao. Maraming nakasalamuha ulit. Maraming iniwan. Maraming umalis. May mga kinalimutan. May mga bagong dating. Eto ang mga pangyayari, sayang hindi ko sila malagyan ng detalye. Pero bawat pictures naman naalala ko kung ano mga nangyari. Mga naramdaman ko. Mga tao na kasali at mga simpleng detalye. So ayan, it’s a wrap for August Mr. T! Alam kong matagal tagal na magloload tong blog ko kasi puros pictures. But anyways… September na. Subtle Bliss is back :-)
P.S. Kailangan ko siyang iprivate pansamantala nun. Kailangan ko kasing linisin mga traces ko sa Google. And though kahit na meron pa mga natitira, binuksan ko na dahil I can’t afford to not update ngayong August. Ni isang update wala ako. So eto na ;-)
Sige sige Mr. T! Tulad ng dati, update you soon.
pokeweedMD
jjcobwebb (guest)
princesscha

ulitin ko comment ko: ang payat ni aubrey! hahahaha!
kelan ang EB???
jjcobwebb (guest)
the_storyteller

jjcobwebb (guest)
subjunctive
GHV2 (guest)
jjcobwebb (guest)