Saturday:

Quiapo-Ongpin
Dumaan si Barry ng umaga sa Planet N. Domingo para ibigay sa kin bag ni Benson. May office siya ng Saturday. Si Rhitz din. So kaming 2 ni Benson magkikita nung Saturday. Plano ko talagang magsimba sa Quiapo nung Friday. Pero napasugod ako kay Benson nung Friday dahil nga anong oras palang tumawag na. So sabi ni Benson, since birthday niya rin daw, and hindi ako nakapagsimba nung Saturday. Sabay na lang kami magsimba nung Saturday. So okay sabi ko sige. And since dadaan din ako sa school para isoli yung e-tickets ko, sabi ko magkita na lang kami sa school. Then yun, after lunch kami nagkita Mr. T!

Sa UM na naman kami nagkita and then sabi ko kay Benson jeep na lang kami kung san mang simbahan. Choices were Malate Church and Quiapo. Sabi ko Quiapo na lang. Then nagjeep kami ni Benson from DLSU to Sta. Cruz. Grabe adventure talaga palagi pagkasama si Benson Mr. T! Then yun, pumasok kami ng simbahan and may nagkukumpil. So hindi kami nagtagal sa loob. Nakinig ng gospel then nagdasal na lang since tagal yung celebration. Mag-eemote ako wait. Naalala ko lang nagpost pala ko ng ganito last year:

“Ayun, first time ko magmass kasama isang guy. I’ve always wanted to hear Mass with Chris. And it happened a while ago. Weird ng feeling pero I really felt nice. It’s a first again. Hmmm… ayun, about Angels ang homily. Wala kong masabi eh. Naniniwala ako sa angels noon, ngayon at siguro kahit hanggang mamatay ako. Naniniwala rin ako na may mga taong nagsisilbing angels sa mga buhay natin. May mga kilala ko. :-)”

Si Benson yung second na guy friend na nakasama ko sa loob ng simbahan. Sina Barry, Rhitz and Jeffrey, never pa kami nagmass together. Which is actually weird. Hmmm… or siguro dahil family time talaga ang Sunday. Pero ewan ko Mr. T! Ang dami kong wish nung nasa loob ako ng simbahan nun. Siguro malikot lang utak ko nun. It has always been. Then after namin magsimba ni Benson, umikot ikot kami sa Quiapo then tumingin tingin ng mga DVD. Tawanan kami ng tawanan habang naglalakad. Para kaming mga sira pero ang saya saya Mr. T! Kahit mainit. Hahaha! Then pumunta kami sa pugad ng pirated DVD’s at kung anu-ano. Then, si Benson bigla na lang nagyayang Ongpin. O di ba? So yun, nilakad namin ang Ongpin. Grabe, parang hindi kami napapagod noh? Pero super kwentuhan pa rin kami kahit super lakad kami at super polluted ng Manila. Hanggang sa nagutom kami. Haha! So naghanap kami ng makakainan. Eh hindi naman ako ganun kahilig sa Chinese food eh. Si Benson mahilig. Turn naman niya since nung Friday sa Japanese resto kami kumain. At birthday niya talaga yung Saturday. Dinala ko ni Benson sa isang place pero hindi ko nagustuhan. Haha! Oo maarte ako pero ayaw ko talaga dun. Then isang Chinese resto kami nauwi. Favorite ni Benson Hakaw so umuorder kami dun. Tapos siopao and siomai. Sarap nung Siopao dun. Hahaha! Then yun, nilakad namin pabalik Carriedo at by 5PM kailangan ni Benson bumalik sa Taft. Hinatid ako ni Benson sa LRT and siya nagjeep.

Sobrang saya Mr. T! Pero weird, umatake ata depression ko kinagabihan at katext ko si Barry nung gabi the whole time. O well… may price talaga pag sobrang saya ka, sige isa pang udpate. Hahaha!

Currently listening to: Touch My Body by Mariah Carey
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on July 27, 2009 at 02:30 PM in Everyday Drama, Food and Dining | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.