Kagabi tawag ng tawag sa drugstore si Mama para ipaalam sa kin na kumakanta si Mariah sa memorial service ni Michael Jackson. Ang kulit talaga. Sabi ko pag-uwi ko na lang papanoorin sa YouTube. So pinanood ko nga, super iyak naman ako. Hahaha! In fairness, fan din pala ko dahil ang dami kong kanta ni Michael Jackson sa laptop kahit dati pa. Pati mga videos niyang parang palabas may mga DIVX din pala ko. Hahaha! Influential talaga. King of Pop talaga. Hay... pero ganun talaga ang buhay. Kahit hari ka pa, isa lang pupuntahan ng lahat pagtapos ng buhay na toh. Hmmm... okay ang drama nung line na yun. Haha!

Maagang kong tinawagan ni Erwin para may ipaayos sa computer. Tapos eto ngayon, gising pa rin ako kasi kaayos ko lang. Hahaha! And then nung naglulunch kami ni Mama kani-kanina lang, sobrang natawa ko sa nanay ko. Grabe! As in. So pagtapos namin pagkwentuhan kung paano nagkaanak si Michael Jackson blah blah eto ang sinabi niya sa kin:

Mama : Kaya ikaw, mag-anak ka rin! Gusto ko ng apo na maganda...
Jacob : Naku, ang hirap naman niya, ni wala nga akong jowa inay! Hahaha!
Mama : Manligaw ka kasi ng babae...
Jacob : Naku, alam mo namang I don't eat exotic foods mother! Ayaw ko! Hahaha!
Mama : Aminin mo nga sa kin, boypren mo yung dinala mo nung piyesta noh?
Jacob : Hah? Si Benson? Hahahahaha! No mother no!
Mama : Eh baket ang special niya siya lang pinapunta mo?
Jacob : Baka ipabasa ko sa yo sent messages ko nung days bago magfiesta! Ininvite ko lahat ng pwede kong iinivite! Lahat busi busihan!
Mama : Aminin mo na hindi ako magagalit!
Jacob : Nuka ba! Para kang loka ma! Kumare ko yun!
Mama : Kunwari ka pa!

Tambling talaga ko Mr. T! Hahaha! Anyways, yun muna update ko kasi sobrang antok na ko. At at... najejebs ako. Hahaha! Malapit na graduation ko! Next next week na. Sayang talaga dahil nasabay sa araw ng kasal ng pinsan ko sa Bicol. Hay, hindi tuloy ako makakakanta sa kasal niya. O well, baka ayaw talaga ng Diyos dahil baka magtunog Mariah ko pag naglive ako sa kasal niya. Hahaha! Feeling! Amp! I miss you Mr. T! Grabe... :) Namiss ko makipagusap sa yo ng ganito! Hay... baket hindi kita maiwan iwan Mr. T! Ilang beses na ko nagtangka. I love you Mr. T! :)

Currently reading: Chris' YM Window
Currently feeling: sleep
Posted by jjcobwebb on July 8, 2009 at 01:22 PM in Everyday Drama, Family | 2 comment(s)

boink.boink (guest)

Comment posted on July 9th, 2009 at 08:03 PM
"I don't eat exotic foods"
-ginamitan mo na ko ng line na yan ah.. haha.. :)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on July 10th, 2009 at 08:38 AM
naman! di ba? hahaha!