Good Provider
“Parang mabait siya sa family niya. Mabait sa kapatid. Thoughtful. Caring. Malambing. Parang stable din. Responsible. Good provider siya…”
Oo Mr. T! Kaming 4 lang nagkakaintindihan nina Barry, Rhitz and Jeffrey sa lintik na good provider na yan. Hahahah! Aylavet! At kamaing 4 ang magkakasama kahapon til almost 2AM, from Saturday to Sunday. I love my best friends. Weeee… picture muna… with the gamots! Hahaha!
Una, kami ni Jeffrey muna nagkita sa Greenbelt 3. NagTimeZone kami. Dating gawin. While waiting for Rhitz and Barry, nagvideoke muna kami sa Timezone. Oo, ganun kami kasimple. Masaya na kami ni Jeffrey sa ganun. Masaya na may hawak kaming mic at nagngangangawa. Inubos lang namin yung laman ng card ni Jeffrey and then naglakad lakad kami sa Greebelt 3. Tapos, naupo dun sa may gitna. Nagkwentuhan hanggang sa dumating si Barry. Tumatawag si Barry, sabi niya nasa Greenbelt 3 na siya. Sa may Timezone area, pero nasa baba na kami. Nakita niya agad kami. So siya na lang ang bumaba. Then yun 3 na kami. Naglakad lakad and then si Rhitz sa wakas nakarating na rin.
Hindi na kami nagbago eversince the world began Mr. T! Matagal pa rin kami magdecide kung san kakakain. Kung anong kakainin at kung paano kami kakain. Weird namin noh? Sakit na naming 4 noon pa. Ayun, kung san san kami napadpad and then buti andun si Jeffrey, buffer kung magkano lang dapat gagastusin para sa dinner, ayun, napunta kami sa Food Choices.
Iba’t iba yung pagkain namin. Kaya medyo nagshare share kami ng kinain. Pero panalo yung sinigang na binili ni Rhitz. Ang sarap grabe. Then yun, usap usap. Kwentuhan. Kung anu anong mga walang kabuluhan pinagusapan namin. Masaya kami. Ganun kami kasimple. Masaya na kaming naguusap kahit hindi masyadong bongga mga kinakain namin. Ganun naman talaga kahit dati, 4 lang kami. Everything was smooth sailing yesterday. Kung anong mapagusapan ayun na yun!
Then, hanap ng pagdedessertan. Ayun, problema na naman. Inikot namin buong Ayala para maghanap then napadpad kami sa Cafe Breton sa Greenbelt 3. Hahaha! Chaka nung inorder namin ni Barry. Kay Jeffrey and Rhitz okay lang. Basta tawa kami ng tawa sa mga kinakain namin. Siguro weird lang talaga kami. And ako masaya ko. Kasi sobrang bihira na na magkakasama kaming 4 since si Jeffrey matagal ding nawawala. Amf! Tapos sabi ng mga kaibigan ko na kung may taong pinakamagaling magplastic, ako raw yun. Hahaha! Siguro nga dahil nagulat talaga sila nung kinausap ko isa kong kaibigan tapos parang super close kami. Pero alam nila galit ako dun sa kaibigan ko na yun. Hahaha! May award daw ako sa pagiging plastic. Hahaha! Sabi ko nga “I’m a Barbie girl, in a Barbie world. Made from plastic, it’s fantastic!”. Hahaha! Basta tawa kami ng tawa nun.
Then yun, ikot ikot, lakad lakad. Si Rhitz tawa ng tawa baket raw by 3’s na mga bakla ngayon. Hahaha! There is power in numbers na raw. Hahaha! So ayun, nung wala na kaming maisip kung san maglalakad, sabi ko sa High Street naman kami maglakad. So yun, si Jeffrey sa kotse ni Barry. Ako kay Rhitz. Then yun nasa High Street na kami. Wala as usual hobby namin. Maglakad. Ng nagYogurt ice cream kami sa Hobbes and Landes. Ayun, tawa na naman kami ng tawa kwentuhan. Then si Barry and Rhitz nag-usap. Kami ni Jeffrey nagStacker. Then yun, medyo sarado na mga stores, si Jeffrey sabi puntahan daw namin yung OsMak sa Pembo. Sabi ko okay lang. Then yun, pumunta kami…
![]() | ![]() |
Mukha kaming mga sira. Grabe, trip naman namin ngayon ospital. Hahaha! Ayun, nakita na rin nila yung lagi kong kinukwento. Sabi ni Barry ang sarap daw matulog sa pharmacry kasi ang lamig at ang tahimik. Ngayon naiintindihan na nila ko! Hahaha! So yun, medyo nastay kami dun then bumalik sa High Street para idrop off is Rhitz and Jeffrey. Sabay si Jeff sa car ni Rhitz. So yun, ako sabay kay Barry. Then habang nasa C5 na naman kami, grabe, dami na naman namin napagusapan ni Barry. I’ll blog about it soon. Then yun, nagtext na rin silang lahat na nakauwi na sila ng safe. And then nakatulog na ko. Update you soon Mr. T! Birtday ni Kathleen ngayon. Papalate muna ko sa duty ko! Mga ibang nangyari nung weekend sa next update ko nag. Love ya Mr. T! :D
supercutiemax

jjcobwebb (guest)
jacketthief

and yun yogurt sa hobbes and landes ang tagal ko na gustong tikman.
GHV2 (guest)
jjcobwebb (guest)