Kwintas
Marami ako dating kwintas. Mga first year hanggang second year college ata nagkukuwintas ako. Hindi ako sigurado. Hindi gold, hindi silver. Hindi sila mamahalin. Bigla ko lang naisip kung san na sila napunta. Actually, 3 yung kwintas na paborito ko suotin nung college ako. Isang black, isang puka shells na all white na galing Boracay, at yung isang puka shells na nabili ko sa Cebu. Hmmm… lagi ko dating suot yun. Simula first year college never nawala sa leeg ko yun. Tigan mo yang pic namin ni AK. First term first year college pa yan. At suot ko yung kwintas. Favorite ko sa lahat yung black na may red, green at yellow then yun sky blue na galing Cebu then yung white. Walang pic though yung dalawa since lagi kong suot yung itim. Parang lucky charm sa kin dati yun. Hahaha! Basta kung baket akin na lang yun! Ewan ko kung san na sila napunta lahat. At buti na lang marami silang memories galing sa mga pictures ko. Hahaha!
Meron talaga kong isang box ng mga kwintas noon. Mahilig ako sa mga kwintas kwintasan pero simula ata nung nagshift ako, bigla silang nawala. Naalala ko yung black, napigtas. Sobrang nalungkot ako nun. Sinubukan ko maghanap ng ganun na ganun pero wala akong nahanap. Yung white, napigtas din. Yung blue hindi ko na alam ano nangyari dun. Nakakatuwa dahil na obsessed pala ko sa kwintas dati. Hahaha!
Wala lang bigla ko lang naalala yung mga kwintas na yun dahil nung Linggo nadaan ako ng Quiapo then napadaan ako sa stand ng nagbebenta ng mga kwintas na sinusuot ko dati. Bigla lang pumasok sa utak ko na marami akong kwintas noon. Hindi ko talaga maalala kung kelan ako nagstop magsuot ng kwintas pero ang alam ko nung nagshift ako, hindi na ko nagkukuwintas. Oooo… happy days. Wah nakakamiss tuloy magkwintas. I’ll find one soon.
Anyways, si Barry malapit na talagang bumingo sa kin. Simula kagabi hanggang kaninang umaga iniistress niya ko. Muntik ko na talaga siyang murahin kanina. Buti na lang talaga inaantok ako at tinulog ko na lang. Nakakaasar talaga! Hays… sige grabe, kanina pa ko nagreRestaurant City Mr. T! Hahaha… kaadik talaga! Wah!
Update you soon!
jacketthief

jjcobwebb (guest)
jacketthief

poor ako
supercutiemax

boink.boink (guest)
aww.. sige bigyan kita kwintas na ganun para di ka na sad.. naks! haha.. :)
jjcobwebb (guest)
coffeecat

jjcobwebb (guest)