drugstore2

Marami ako dating kwintas. Mga first year hanggang second year college ata nagkukuwintas ako. Hindi ako sigurado. Hindi gold, hindi silver. Hindi sila mamahalin. Bigla ko lang naisip kung san na sila napunta. Actually, 3 yung kwintas na paborito ko suotin nung college ako. Isang black, isang puka shells na all white na galing Boracay, at yung isang puka shells na nabili ko sa Cebu. Hmmm… lagi ko dating suot yun. Simula first year college never nawala sa leeg ko yun. Tigan mo yang pic namin ni AK. First term first year college pa yan. At suot ko yung kwintas. Favorite ko sa lahat yung black na may red, green at yellow then yun sky blue na galing Cebu then yung white. Walang pic though yung dalawa since lagi kong suot yung itim.  Parang lucky charm sa kin dati yun. Hahaha! Basta kung baket akin na lang yun! Ewan ko kung san na sila napunta lahat. At buti na lang marami silang memories galing sa mga pictures ko. Hahaha!

6811371946153lMeron talaga kong isang box ng mga kwintas noon. Mahilig ako sa mga kwintas kwintasan pero simula ata nung nagshift ako, bigla silang nawala. Naalala ko yung black, napigtas. Sobrang nalungkot ako nun. Sinubukan ko maghanap ng ganun na ganun pero wala akong nahanap. Yung white, napigtas din. Yung blue hindi ko na alam ano nangyari dun. Nakakatuwa dahil na obsessed pala ko sa kwintas dati. Hahaha!

Image(109) Wala lang bigla ko lang naalala yung mga kwintas na yun dahil nung Linggo nadaan ako ng Quiapo then napadaan ako sa stand ng nagbebenta ng mga kwintas na sinusuot ko dati. Bigla lang pumasok sa utak ko na marami akong kwintas noon. Hindi ko talaga maalala kung kelan ako nagstop magsuot ng kwintas pero ang alam ko nung nagshift ako, hindi na ko nagkukuwintas. Oooo… happy days. Wah nakakamiss tuloy magkwintas. I’ll find one soon.

Anyways, si Barry malapit na talagang bumingo sa kin. Simula kagabi hanggang kaninang umaga iniistress niya ko. Muntik ko na talaga siyang murahin kanina. Buti na lang talaga inaantok ako at tinulog ko na lang. Nakakaasar talaga! Hays… sige grabe, kanina pa ko nagreRestaurant City Mr. T! Hahaha… kaadik talaga! Wah!

Update you soon!

Currently listening to: Bleeding Love by Leona Lewis
Currently feeling: hungry
Posted by jjcobwebb on June 9, 2009 at 02:41 PM in Everyday Drama, Randomness | 10 comment(s)
Comment posted on June 10th, 2009 at 10:05 PM
ang dami kong kwintas na nasira o nawala na. nakakainis. Natira na lang sa akin, dalawang kwintas na may krus. Yun una, gawa sa ginto't pilak. Yun pangalawa, hindi ako siguro kung pilak o white gold.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 10th, 2009 at 11:14 PM
ahhh... mamahalin ang mga kwintas mo! sushal ka! hahaha!
Comment posted on June 10th, 2009 at 11:41 PM
puro gift lang yan ni ninong/ninang
poor ako
Comment posted on June 9th, 2009 at 07:18 PM
may kwintas din ako nung 4th yr college ako. cheappangga talaga yun pero hindi mukha.. hahaha. sa tuwing suot ko yun sa date, may "cuddling" na nangyayari! hahaha.. hinihiram nga ng mga kaibigan ko kapag sila naman ang may date! hahaha.. kaloka. naalala ko lang din

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 10th, 2009 at 11:15 PM
wow ha. pahiram naman! asa yo pa ba?
Comment posted on June 11th, 2009 at 11:40 AM
gurl naiwan ko sa bahrain! hahaha.. nakakainis nga e. ang boring tuloy ng mga dates ngayon! hahahaha

boink.boink (guest)

Comment posted on June 9th, 2009 at 03:45 PM
naks! mukhang totoy! hehe..
aww.. sige bigyan kita kwintas na ganun para di ka na sad.. naks! haha.. :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 9th, 2009 at 04:09 PM
hayler! 18 pa lang ako sa mga pics na yan!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on June 9th, 2009 at 02:46 PM
ay ako rin maraming kwintas at lahat sila may kanya-kanyang moments. hehe!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 9th, 2009 at 04:10 PM
yes. may kanya kanya ring moments yung sa kin. haha!