Note: Pina-iksi ko na tong entry na toh. Sobrang ma-emote yung sinulat ko kagabi. Hahaha... ayaw ko na ng drama. Nakakapanget. Sabi pa naman ni Cha, ang gwapo ko! Hahaha! Sige eto na...

Ilang linggo ko nang pilit binubungkal ang tunay na nararamdaman ko. Ilang pilit ko nang pinagsisiksikan sarili ko sa mga bagay at puwesto na wala namang lugar para sa kin. Sinubukan kong hanapin yung lugar kung nasan ako mahigit isang taon na ang nakararaan --- wala na ko roon. Sinubukan kong bumalik --- hindi ko na mahanap yung lugar na iyon...

Akala ko dati hindi mawawala tong pagmamahal na kaya ko ibigay. Akala ko dati, kaya ko hangga't kaya ko. Akala ko dati, kaya ko maghintay, maghintay ng walang hinihiling na kapalit. Nagkamali ako. Mali lahat ng inakala ko. Hindi ko na rin kinaya. Matagal na kong bumigay. Pero kahapon lang, nung kausap ko ang isa kong kaibigan, bumalik sa kin ang lahat ng mga nangyari. Wala na kong maramdaman. Wala na kong kibo. Wala na ko sa lugar na iyon. At ayoko na bumalik dun dahil ni minsan, hindi man lang kinatok ang pintuan kung nasan ako. Hindi man lang ako hinanap. Hindi man lang naghanap. Ayoko na. Sawa na ko. Napagod na ko. Gusto ko ng sumaya.

Sinubukan kong pakinggan mga kantang nagsilbing paalala, wala na. Naging normal na lahat ng mga kantang iyon. Pati ang lyrics, ang instrumental. Ordinaryo na lahat sila at kahit isang emosyon wala na akong naramdaman. Pinilit kong may maramdaman ako. Napangiti na lang at nagbalik-tanaw at sinabi sa sarili na tama na ang lahat ng iyon. Sapat na minsan natuto ako sa mga kamalian ako. At naging masaya ako. Mahirap ikumpara yun, pero susubukan kong mahigitan.

Wala na. Wala na talaga akong maramdaman. Masyado na kong naging mabait. Masyado na kong nagpakababa. Gusto ko namang sumaya. Ako naman. Ako naman. Ngayon, masasabi ko na kaya ko nang magmahal muli. Kaya ko ng ibigay ng buong buo ang sarili ko para sa bagong taong makikilala ko. At mukhang nakilala ko na siya... hahahaha... hindi ko muna papaalam. Hahaha! ;P *kilig* Ni hindi niya rin alam. At salamat sa Diyos hindi ko siya nakilala online. Hahaha... wish ko lang type niya rin ako! Wish lang naman! Hahaha! Pero hirap mag-assume shet. Hahaha! Pero parang mahal ko na siya! Hahaha! Joke! At okay lang kahit wala ka laging load, may Facebook naman! Hahaha! Bahala na... mawawala na rin tong blog ko ilang days na lang. Ewan ko kung malaman pa ng mundo in the future kung magiging kami. Wah! Assume na naman ako! Hahaha! Pero puta, kinikilig ako... wah!

Sige aalis pa kami ni Luis Mr. T! :-) Biglang nag-imbita. Amp.

Currently listening to: air-con fan!
Currently reading: Luis' text message
Currently feeling: kinikilig
Posted by jjcobwebb on June 5, 2009 at 01:19 PM in Everyday Drama, Gayness | 8 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on June 6th, 2009 at 10:59 AM
*insert katie perry's song here*

muahahaha kaya ka na walang nararamdaman kasi may kapalit na. buti nga dumating yung "bago" at narealize mong tapos na tapos ka na don sa "luma".

hanglandeh mo friend.:D

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 6th, 2009 at 01:09 PM
gising na gising na ko girl. hahaha
Comment posted on June 5th, 2009 at 11:16 PM
sumakit ang ulo ko sa kadramahan. na-stuck na ako dun sa word na "binubungkal" di ko na masyadong ma-dig yung ibang sinabi, ahahahahaha.
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 6th, 2009 at 01:09 PM
oo nga. pwede ba hukay? hahaha!
Comment posted on June 5th, 2009 at 06:55 PM
ay grabeh, emotive nga! pero at least di super drama na nakakapanget. XD

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 6th, 2009 at 01:10 PM
yes. dapat maganda palagi! hahaha!
Comment posted on June 5th, 2009 at 01:50 PM
uy sinu yan?!?!?!

anak ang gwapo mo dun sa facebook, infairness. ay maganda pala... :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on June 5th, 2009 at 01:58 PM
add niyo ko! haha!