Nakaprivate entry toh last year. May lakas na ko ng loob ipublic tong entry na toh. Siguro ganun talaga. Nakakasanayan mo na ang isang tao and everything you do and he does eh parang nagiging natural na lang. Ganun naman ata talaga. Anyways, this is from a May 11, 2008 entry. Exactly 1 year ago...

Get Here Pt. 2
Posted on May 11, 2008 at 06:15 PM by subtlebli

Mr. T! Sobrang saya ko kahapon. Kahit na sinabi pa ng ni Rej na on and off si Chris sa Downe. Actually dapat icacall off ko na lang kasi parang naramdaman ko nga na “I’m really not good enough”. Pero pag-iniisip ko pa rin, wala naming masama making new friends. Si Rej nga dib a may jowa na may Downe pa. Wala lang Mr. T!, I’m a jealous person. Though wala naman talaga kong karapatan magselos dahil wala naman kaming relasyon ni Chris. Masaya talaga kagabi kahit kalahati ng utak ko iniisip kung napilitan lang ba tong si Chris or gusto niya rin talaga ko makita. Minsan naman, iniisip ko na ano ba tong date na toh, parang Tom-Jacob date lang na ako si Tom (assuming na may gusto sa kin si Tom) tapos si Chris ay ako (na parang wala lang, friendly meet up lang). Maraming tanong sa utak ko sa totoo lang Mr. T! Pero the closest thing that I can do right now is to assume. Assume na hindi, at assume na oo. Ang hirap di ba? Pineprepare ko na rin sarili ko Mr. T! if one day sabihin ni Chris na hanggang friend lang talaga tingin niya sa kin. Kakayanin ko naman talaga Mr. T! Pero sana di ba, hindi niya pinatatagal tong nararamdam ko. Dahil habang tumatagal mas lalo ko siyang natutunang mahalin eh. Para sa kin, mahirap i unlearn to love ang isang tao. It will take me years sa totoo lang. Ewan ko, kaya minsan naiinis ako sa sarili baket ganun ako eh. Sa totoo lang Mr. T!, ngayon lang talaga ko naghintay ng ganito katagal para sa isang guy. You know me, pag hindi ko talaga gusto, I tell them immediately. Pag medyo gusto ko lang, napapagod agad ako sa paghihintay. But Chris’ case is so different. Hindi na toh infatuation Mr. T! Kung hindi pa toh love ano na lang tawag dito? Siguro nga tama yung tingin ko na mas gusto ni Chris yung mga mature na tao. I have always been childish Mr. T! Siguro naman kahit 25 or 30 na ko childish pa rin ako. There’s nothing I can do about it. Minsan iniisip ko yung sinabi sa kin dati, “there is no right time and right place for the right person”. Gusto ko maniwala pero naramdaman ko na rin naman yun. Sobrang magiging unfair sa taong gusto mo mahalin tapos hindi mo siya kaya mahalin fully. May odds talaga.

Minsan napapagod na rin ako isipin si Chris at maghintay para kay Chris. Baket niya pa kailangan makipagDowne Downe or makipag”Flirt” flirt at magpapansin.  Siguro mas gusto niya nga yung may nagawa na sa buhay. Yung may naachieve na sa buhay at may nangyari na sa buhay. Sino ba naman ako? Hamak na delayed lang sa DLSU. Mga haka-haka ko lang naman yan Mr. T! dahil he never speak about those things. The way he treats me at times is really unpredictable. Minsan napakasweet, minsan wala lang, minsan ang lambing, minsan ang rigid. He makes me think. Pero despite those, I still like him. I even like him more. Siguro ngayon masasabi ko, medyo naiintindihan ko na kalagayan ni Chris. Sobrang kabaligtaran ko siya. Pero kahit sobrang iba yung mga gusto niya sa gusto ko, nafefeel ko, we compliment. Sana nafefeel niya rin yun. Baka ako lang na naman nakafefeel nito. Baket kaya ganun... hay. Minsan wala talaga ako sa lugar mag-isip Mr. T! Madali lang talaga ko kausap Mr. T! It’s either he tells me to wait or not to wait. Dahil baka hangin lang talaga ang hinihintay ko. Pero kagabi, panandaliang tumigil ang mga tanong na yan sa utak ko Mr. T! Kung puwede lang hindi matapos yung mga nangyari kagabi Mr. T! Kung puwede lang talaga.

So eto ang mga naganap kagabi...


Medyo bad trip ako nung naliligo ako. Weird, kung anu ano kasi sinabi sa kin. But anyways, I made sure na mauunahan ko si Chris sa Makati kaya bago pa lang mag4 pm, nagaayos na ko. Ang hirap mag-ayos ng buhok Mr. T! Kaya minsan masarap ang kalbo. So yun, nakarating sa Makati bandang 4:40pm siguro. Salamat talaga sa Diyos at hindi umulan at natuloy kaming lumabas ni Chris. Habang papunta sa Powerbooks sa may GB3, nadaanan ko ang Jollibee. Grabe, nagutom ako sa amoy nung store. So, umorder ng Jolly Hotdog, Solo Pizza and Black Forest. Isang store tapos Greenwich, Red Ribbon and Jollibee andun na! Cool di ba? Habang nakapila, nagtext si Chris Mr. T! Ganito...

"Um, mejo madilim at umaambon at mukhang babagyo..."

So nagtext back ako na nasa Makati na ko at hindi umuulan sa Makati. Itext niya na lang ako pagnandun na rin siya. Habang kumakain na ko ng pagkain ko, andun na pala si Chris sa Powerbooks. Okay fine, nauna siya. Dali dali kong inubos yung cake at may natira pa nga eh. Sos, nagsinungaling pa ko na andun ako sa may Archie na section. Hahaha, nahalata naman ni Chris na pagod na pagod ako. Anyways, yun. Ang cute ni Chris nung nagkita kami Mr. T! I can stare at him forever sa totoo lang. Do I sound desperate here? But really, ang cute niya kahapon. Weird! Or is it hindi siya naka collared shirt? Anyhows, ayun, medyo nagpahinga ko ang umikot ikot sa Powerbooks and siya rin umikot ikot. Malamang mahilig si Chris magbasa so pinabayaan ko muna gawin yung gusto niya sa buhay niya. Tapos nun, medyo umuulan so wala pa kaming balak tumuloy ng Serendra. So umikot ikot muna kami sa GB5. Hindi pa pala nakakapunta dun si Chris so nagtour muna kami. Grabe, ang saya ko hindi ko alam baket. Kahit naglalakad lang kami okay na okay na sa kin yun Mr. T! Pero tumingin tingin muna kami ng gadgets bago kami tumungo sa GB5. Since umuulan ulan pa talaga, sa GB3 naman muna kami tumambay. Nagkulitan, kuwentuhan, tawanan, gaguhan. Masaya pa rin Mr. T!

Dahil ang kulit ko at gusto ko ng pumunta sa High Street, sinabi ko pumunta na kami. Sabi ni Chris uulan pa yun pero ako makulit talaga. So tinahak naming form GB3 hanggang dun sa ilalim ng MRT tapos papunta sa isang madilim na kalsada. Umaambon ambon na nun Mr. T! Medyo malalaki na yung patak ng ulan. Hindi dala ni Chris yung mahiwagang payong niya. So buti na lang bago maging super lakas ng ulan, nasa loob ng kami ng bus. Fort Bonifacio Bus yung name nung bus. First time ko nakasakay dun. Sobrang cool ng bus Mr. T! Sabi ni Chris picturan ko raw or magpapicture ako pero nakakahiya hahaha. Basta nakakatuwa yung bus. Sa gitna meron malaking space tapos yung upuan nakaharap sa pinto. Tapos basta mahirap idescribe, di ako magaling sa pagdedescribe. I’ll take pictures pag nakasakay ulit ako dun. Galing galing. May bago akong natutunan kay Chris. Anyways, ayun, palakas na ng palakas yun ulan habang tumatakbo yung bus. Ako naman kilig na kilig dahil katabi ko si Chris. Ayun, kuwento pa ni Chris nagtrabaho siya dun before the The Fort. Basta as usual ang saya ko dahil andun lang siya. Maraming stops yung bus Mr. T! Bumaba kami dun sa may Market Market waiting shed. Naku, sobrang lakas talaga ng ulan Mr. T! Buti na lang mabilis kaming 2 tumakbo hahaha. Nakasilong agad kami. Buti hindi ako nagkasakit. Sana si Chris din hindi nagkasakit. Pagkadating naming sa Market Market. Naku! Brownout pa! Hindi rin kami puwede tumuloy sa Serendra at High Street dahil ang lakas talaga ng ulan. So umikot ikot muna kami sa loob ng Market Market. Ang saya.  So naghanap kami ng kakainan Mr. T! Ayun, pinulot kami sa North Park. Naku, yung Sweet and Sour Pork at Honey Lemon Chicken dun magkasinglasa! Blech! Buti kaharap ko si Chris! Hahaha... ayun nagpicture moments pa kami dun sa North Park Mr. T! It was so surreal. Nakakapagtake na ko ng pic ni Chris? Totoo ba toh? Hindi na silent si Chris? Totoo ba toh? Ang daldal na rin ni Chris Mr. T! I’m loving it. :D Anyways, after naming kumain, si Chris nagbayad, hindi ko alam kung libre or utang yun. Nalabuan ako. Anyways, tumila na yung ulan after naming kumain sa North Park. Naglakad lakad na kami sa Serendra and High Street. Walking was with Chris was a bliss. Kaya ko maglakad pauwi sa totoo lang basta kasama si Chris. Ang saya Mr. T! Never ko naimagine mangyayari yun. Then, since may Fully Booked dun. Ayun, pasok kami. Medyo magkagalit muna kami sa loob... hahaha. Dahil alam naman nating adik sa libro si Chris. Ako medyo lumayo muna dahil baka magselos ako sa libro. Hahaha. Ayun, naghanap rin ako ng mababasa ng biglang nagtext si Chris pasaway...

"Wow. Nagbabasa ka pala ng libro. Hahaha..."

Pakatingin ko sa taas ng Fully Booked, andun si Chris. Hahaha... naconscious ako. I stopped reading. Hahaha...
Pagtapos umikot ikot sa Fully Booked, nagkape kami sa Starbucks. Ang fun nung cashier nila kinukulit ako Mr. T! Hahaha... anyways, ayun kung anu anong kadisasteran nangyari sa dun. Natapon ang aking Caramel Frappe Mr. T! Nakakahiya di ba? Si Chris kinunan pa ng picture pasaway!!! Ayun, then umupo muna dun usap usap. First time ko nakita si Chris na super tumatawa. I love it Mr. T! :D Ewan ko ba anong meron si Chris baket gusto ko siya. Basta basta, masaya rin nung nasa Starbucks kami kahit er... natapon iniinom ko. Dapat pala lilipat kami ng upuan kaso nakareserve yun upuan malapit sa window! Tsk... tapos pinakita rin ni Chris yung nakadate niya na si Carlo na EIC ng PULP. Medyo selos ako... hmmm. Anyways, ayun, after magkape, naglakad lakad ulit kami sa Market Market, Serendra and High Street.
Sobrang kinakabahan ako pumunta ng Governement kagabi Mr. T! Gusto ko ng ituloy yung pagpunta kasi gusto ko pang mas maraming time with Chris Mr. T! eh... so kinaya ng bituka ko. So yun, nagcab kami papuntang Makati Avenue dahil andun ang Government. Medyo may pagkatanga yung taxi driver dahil lumampas kami sa dapat babaan. So nilakad muna namin ni Chris until Yellow Cab. Medyo tinignan muna naming kung bukas or may event yung Government. Ayun, nagTubig ako at si Chris nagCoke Zero muna sa Yellow Cab. Tapos dumaan kami sa Gov. Nilakasan ko loob ko para tanungin kung may event. Ayun, meron nga pero di ko alam kung ano at libre ang entrance Mr. T! Pero since hindi pa open, naisip ko na magRed Box na lang kami. I really didn’t want the night to end Mr. T! And yeah, inabot na naman ng May 11 on the streets. Hahaha... another 11 of the month na nagkita kami.

After nun nagRed Box na muna kami. Hindi naman sinabi sa kin ni Chris na marunong siya kumanta. Hay... wala na! Patay na ko! Hahaha... natrap ako sa haze nung kumanta na si Chris. I have always wanted someone to sing songs to me Mr. T! Sobrang natulala na lang ako. Pero bago pala yun, buti may membership ako dun sa Red Box. Hehehe... anyways, ayun. Basta kala ko hindi kumakanta si Chris pero Mr. T! Ang galing galing talaga. Iniimagine ko niyayakap ako ni Chris kahapon nung kumakanta siya. Tapos tig-2 pa kami ng San Mig kagabi. Medyo nahilo ko dun sa San Mig na yun pero keri pa naman. Then bago mag 4am, since 12am – 4am yung time naming na puwedeng igasta dun sa room, umalis na kami. Hahaha... may video ako ni Chris na kumakanta Mr. T! :D Tapos may pic pa kami together! Yey! Then since gusto ko talaga si Chris makapasok sa Gov, I insisted na pumunta pa rin kami. Ayun... pumunta nga kami... Same same. As usual puros bakla. Mga macho, matitipono, may mga ichura. Ewan ko lang ha, pero siguro lahat ng mga bakla dun gusto ng jowa. Ewan ko kung may matinong jowa dun. Hindi ako nagjujudge pero siguro 1 month matagal na kung magkajowa ka sa ganung lugar. Ewan ko, baka it’s just me. Anyways, ayun, tapos mga 30 minutes ata kami dun sa loob. Wala lang masaya  ko dahil nakapasok si Chris dun. Weird ba ko dahil masaya ko? Anyways ayun, then ayoko pa sana talaga umuwi dahil forever ko na ata gusto kasama si Chris... sadly kailangan muna matapos. So yun, nauna ko bumaba sa cab. Sa Aurora Blvd. na ako nagpapababa since puwede naming lakarin yung bahay naming from there at para tuloy tuloy ng papuntang Katipunan si Chris. It was a night Mr. T! If this is how I’ll wait, I can wait forever. Chris, take your time. I can wait sabi ko naman di ba. Basta sabihin mo lang kung wala akong hinihintay, dahil maiintindihan ko pero masasaktan ako siyempre :D I hope you’ll get here soon. I love you more! :D

Ngayon sabihin mo sa kin na hindi ka nakarating...
Currently listening to: Underneath The Stars by Mariah Carey
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on May 11, 2009 at 03:07 PM in Everyday Drama, Features | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.