Hindi ko nilalahat ng bakla. Ayaw ko lahatin lahat ng bakla. Pero sa panahon ngayon, sino na lang puwedeng pagkatiwalaan? Ang hirap. Kaya hanggang ngayon, wala pa rin akong nagiging karelasyon. Wala pa rin akong taong lubos na pinagkakatiwalaan, except yung taong sobra akong pinagkakatiwalaan. At alam mo kung sino ka. Siguro Mr. T!, mahirap talaga...

Una, mga gay networking sites. Base sa aking mga experience. Halos 3/4 ng mga nakameet kong tao dun eh may mga karelasyon na. Hindi nila sasabihin na may karelasyon na sila unless itanong mo or sa iba mo pa malaman. May iba naman give away na talaga. Nakalagay na sa status nila na "In A Relationship" sila, or minsan kung in love na in love eh "Married" na. Laging may temptations sa totoo lang. Madaling maattract physically. Kahit ako walang laban dun. Pero baket kung "Married" or "In A Relationship" na ang status ng isang bading eh nakabalandra pa rin ang profile niya sa mga ganyang sites? I have nothing against gay-networking sites. Marami siyang benefits sa totoo lang pero baket yung iba, di makali? Para ipag-sigawan sa mundo na may karelasyon sila? Para patunayan na hindi mababali trust ng karelasyon nila sa kanila? Para "plainly" makipagkaibigan lang sa iba? Pero san hahantong yung pagkakaibigan na yun kung sapat na ang rami ng bading mong kaibigan at may karelasyon ka pa? Nagtataka lang naman. Sabi nga ng isa kong kaibigan, okay lang naman daw na makipageyeball eyeball siya sa ibang lalake. Walang kaso sa kanya yun. Hindi naman niya sinasabi sa karelasyon niya na nakikipageyeball siya eh. So ako, parang, okay, sablay na siya agad sa statement niya na yun. Plus the fact na niyaya niya ko makipagsex nung bago kami nagkakilala. At nagtatanong ako ngayon, cheating ba pag nakipageyeball ka sa iba kahit may karelasyon ka na? Kahit di ka naman nagsinungaling dahil may rason ka na hindi mo naman sinabi so hindi ka nagsinungaling? Baket may mga ganitong bading? Pare-parehas ba lahat?

Sunod, bars. Gay bars, gay clubs, gay places. It's everywhere. Malate, sa North, sa Makati Ave, kahit sa Morato meron din. Nakakahanap ka ba ng totoong tao sa ganung lugar. Aminin ko man or hindi, mga ganitong lugar ang takbuhan when somebody wants to have fun. Kesyo sa pinakamalinis na fun hanggang sa pinakamadumi. Ihalintulad ko sa pag sing-along hanggang sa pag-oorgy. They're both fun. Pumupunta dun sa mga lugar na yun para magsaya. Pero, nakakahanap nga ba talaga ng tunay na pag-ibig sa ganung lugar? Nakapunta na ko sa mga ganung lugar and aaminin ko, may nakahalikan na ko, naka-one night stand, naka"dukutan", make out. Pero pagtapos ng lahat ng yun ano? Magbibigay ako ng pekeng mobile number and sasabihin na yung sim card ko na yun nasa bahay naiwan and dala ko yung iba kong sim card? How do you trust those people you had "fun" with? Ganun din sila sa kin malamang --- "How can they trust me?" eh kung nakipagharutan din ako sa kanila buong gabi-umaga. Often din, mga nakakausap ko sa ganung lugar eh kesyo naghahanap ng pag-ibig, naghahanap ng kasex, naghahanap ng magiging future karelasyon, or naghahanap ng "kaibigan".

Kadalasan din mga bigo nakakausap ko. Pero baket sa ganung lugar, may mga taong may karelasyon na eh naglalandi pa rin? May isa kong kaibigan na malayo yung karelasyon niya sa place niya. Madalang sila magkita. Mga once a week. Pero come Saturday night, para siyang single lagi. Parang walang obligasyon. Walang commitment. Walang paki sa mararamdaman ng karelasyon niya pag nalaman na nakikipaglandian siya kung kani-kanino linggo linggo. Pero despite niyan, kaibigan ko pa rin siya. Ayoko manghusga nga tao. Basta mabait sila sa kin, okay sila. Wag lang nila kong aawayin dahil magiging impyerno buhay nila. Minsan hanga ko sa isang kaibigan ko, isang matagal ng kaibigan na nakilala ko sa internet, kasi nung nagpunta kami sa ganitong mga lugar, sobrang dali para sa kanya makakuha na lalake! As in, naalala ko sinabi niya sa kin --- "You see that guy Jacob? I'll make him have sex with me later". Poof! Nakuha niya ang number, pangalan, tirahan at kung ano ano pa ng wala pang 5 minuto! Oo, hot yung kaibigan ko na toh. So naisip ko, the gay life is a masquerade.

Pero balik tayo Mr. T!, paano na lang yung mga bading na laging nasa bahay nila? How do you find them? Mga bading na ayaw sa ganung lugar? San mo sila hahalughugin? Marami akong kilalang home-based gay guys and sa totoo lang, sobrang attracted ako sa ganung tao dahil ako yung kabaligtran nila. Back to those gay places, nakakahanap ba talaga ng tunay na pag-ibig sa ganung lugar? Ayoko sasgutin dahil maququote na naman ako as nagmamalinis or kung anu-ano pa. In time baka masagot ko...

Panghuli yung mga taong nangingindat sa MRT. Sa Gateway. Sa mga kung san san! Hello baket kayo nangingindat at nagssmile sa hindi niyo kilala? Eto ang pinakamababang uri para sa kin, ng ka-cheapan. Parang ako, hello, kuya, may internet na, pwede ka magcruise online. May mga gay bars din mas madali magcruise. Mababang uri ng kacheapan. Cheap cheap cheap. Sama mo pa mga numbers ng gusto makipagsex sa CR at kung anu anu pa. Cheap. Cheap. Cheap. Dito lang ako sigurado na sa ganyang ka eklavarvahan eh wala talagang mabubuong magandang relasyon. Cheapness to the next level...

Alam mo Mr. T!, maraming tao sa mundo. Maraming lalake sa mundo. Everyday, tuwing naglalakad ako sa MRT, sa Jeep, sa Makati, sa ospital, napapagtanto ko, napakalaki ng mundo. Sa laki nito, paano mo matatagpuan yung taong nilaan para sa yo. Yung kukumpleto sa pagkatao mo? Eh paano kung nakumpleto ka na pero may mas nagkumpleto pa? How do you about that? Paano ba magtiwala? Paano magbigay ng tiwala? Nagtataka ko kung baket may mga nagtatagal na relasyon na umiikot mismo sa kasinungalingaan at pagkukunwari. Paano nga ba nagtatagal ang isang relasyon? Pero ang tunay na tanong ko Mr. T!, "Bakla ba talaga si Piolo?". Hahaha! Seriously, "Paano ba magmahal habang naghihintay?". Parang pagod na ko eh...

Currently listening to: Halo by Beyonce
Currently feeling: indifferent
Posted by jjcobwebb on April 18, 2009 at 02:38 AM in Everyday Drama, Gayness | 5 comment(s)

ralphwendell (guest)

Comment posted on December 6th, 2010 at 09:06 PM
paadd pu aq xa fb nyo ah. .search nu nlan pu RALPH WENDELL BUSTEJER . guxto q lang makipagkaibigan , 09308220206 din pu digits q .. pkilala pu kau ah , salmat ng marami!tc

ralphwendell (guest)

Comment posted on December 6th, 2010 at 08:35 PM
masayang maging bakla.:)pwede kang makipagusap sa kahit kanino ng hindi ka natatakot,ang saya din na laging menemention pangalan mo..hindi ako lumalabas ng bahay unless walang magyayayang maginternet sa tapat!madaming gwapo,ngingiti aq dahil ang sarap naman ng feeling ng ikaw ang unang kinakausap.

ralphwendell (guest)

Comment posted on December 6th, 2010 at 08:30 PM
napavisit ako here kc wla aqng magawa dito xa canteen..at katatapos ko din magreview and gumawa ng assignments ko,simple lang aqng BADING,Walang bisyo,wlang hilig sa makeups or crossdressing,minsan gustuhin ko man gawin yon,mahhiya naman aq..ayuko kasi baka pagtripan pa ako .
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

ralphwendell (guest)

Comment posted on December 6th, 2010 at 08:24 PM
napadaan lang aq dito .ang saya naman at may naghahanap pa parin pala ng makakarelasyong bakla.diba?ako,busy ako sa pagaaral ko ngayon,sa Dagupan ako..tulad nga din ng sinasabi mo,ang cheap ng ganon..tama,di lahat ng bading ay ganon..common kasi tingin nila sa mga bading,mga naghahanap ng sex.its a big No!
Comment posted on April 18th, 2009 at 07:37 AM
Please comment on my kikay artwork. Just rate 1 to 5 where 5 is the highest...
If I may suggest, a 4 or 5 rate would be a blessing for me. d;)


Thank you in advance! God bless you. Cool blogsite! Keep blogging friend! ^_^