Muli
Sobrang stuck na sa utak ko yang kanta na yan ni Bugoy. Sa araw araw naman kasi na nakatutok kami sa radyo sa OsMak eto ang tumutugtog sa mga station. Pati sa mga jeep papuntang OsMak. Haha! Ganda ng boses ni Bugoy grabe...
"Bakit ‘di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan
Kung
mawawala ay ‘di bat sayang naman
Lumipas natin tila ba kailang lang
At
kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko
Tayo na’t ulitin ang pag-ibig
natin
Muli ikaw lang at ako"
Speaking of boses, maganda pala boses ni Ryan! Hahaha! Last night extended ang birthday ni Ryanini. Hahaha! At kasama niya si Alex. Haha! Si Alex ay pogi. Tangkad. Bagay sila ni Ryan. Haha! Kaso hindi raw puwede. Ang gulo. Haha! Natatawa ko kasi first time daw nakita ako ni Ryan in all my PURE DIVA FORM. Haha! Gown na lang kulang. Natuwa naman ako. Actually, kagabi lang ako nakagala! Parang buong week naman kasi nasa OsMak ako Mr. T! eh. Kailangan ko naman magliwaliw dahil tulad nga mamaya, papasok na naman ako! Wah! At absent ako sa JAPALA2 ngayon. Dahil, nagiipon ako ng energy mamaya. Haha! Sa Wednesday na lang ako papasok.
Last Saturday, halos 24 hours akong nasa OsMak. Grabe. Umalis kami nina Ate dito sa bahay ng 9AM tapos naiwan ako dun. 8AM kinabukasan ako umuwi. O di ba? Feeling ng mga empleyado ni Ate ang sipag sipag ko. Haha! Wala lang gusto ko lang kasi tulungan si Ate. Nakakatuwa dahil sinasabihan ako ng mga tao na ang bait bait ko raw. Kahit kapatid daw ako nung may-ari, ang down-to-earth ko raw! Finaflatter naman nila ako. Haha! Pero ewan, siguro nature ko talaga yun. Kasi feeling ko wala namang taong nakakaangat eh. Pare parehas lang. Di ba Mr. T!? Kaya yun, super close ko agad lahat nung empleyado. Nakikipagkulitan na rin sila sa kin.
Kahapon din, andun ako sa bahay nina Ate. Usap usap about dun sa OsMak. Tapos nung gabi, nagpamasahe ulit dun sa may Pasadena sa may Cinese. Ang sarap. Chinese Master nagmasahe. Then pagkauwi, tumawag si Ryan. Since Greenhills lang naman sila pupunta, tumambling agad ako papunta dun. So yun, maaga kami nakauwi. At ang weird hindi ako makatulog kagabi agad. So nagluto na lang ako ng mga kung anu anong meron sa ref. Haha! Then yun, nakatulog na.
Sorry ha Mr. T! Kung hindi na kita masyado nauupdate. Kahit ako namimiss ko na magkwento. Hindi ko na rin mabasa mga blog ng ibang tao. Hayaan mo, pagsmooth na lahat yung proseso sa OsMak, babalik ang lahat sa dati. :) Sige update you soon. Mag-aayos na ko. :)
the_storyteller
