Wowowowow! Sabi nga sa kanta ni Kylie! Hahaha!

Anyways, pota! Umabot ng limang daan penalty ko sa Video City! Shucks! Sana hindi ko na lang binalik yung DVD na hiniram ko. 2 DVD na nabili ko siguro sa 500 na yun! Tsss... shucks!

Ay Mr. T! nasabi ko na ba sa yo na nasaksak na naman yung isa kong pinsan? Mas bata pa naman sa kin yun. Hay buhay, sana magkamalay na siya sa lalong madaling panahon. Nag-aabang lang siya ng jeep nun karga niya anak niya and kasama asawa niya. Biglang pinagsasaksak siya. Tsk. Buti walang nangyari dun sa bata. Inaanak ko pa naman yun. Grabe talaga. Hindi pa ko nakakadalaw Mr. T! I'll visit as soon as possible.

Anyways, ayun, kaninang umaga, hindi ako pinaderecho ni Ate sa Makati, pinasama niya ko kay Erwin and dun kay Richard, yung programmer para kunin na mga units sa Gilmore na lalagyan ng system para sa OsMak. Ayun, then dinaanan namin si Ate sa N. Domingo. Sumama sa amin sa OsMak Pembo dahil may kukunin na mga documents. Ayun, nakapasok na rin ako dun sa Pharmacy nung ospital. Ang laki pala. Tapos naghanap rin ng boarding house si Ate para sa mga pharmacists na ienemploy niya. Then kumain kaming 4 sa Market Market dahil isang tambling lang yung OsMak Pembo from Market Market. Sa Cabalen kami kumain kasi ayaw na mag-isip ni Ate ng kakainan. Malamang lumamon na naman ako. Habang silang 3 nag-uusap. Then nagpaParlor si Ate sa Market Market. Kaming 3 naiwan. Hinatid ako ni Erwin sa RCBC pagtapos kumain. Then yung si Richard binaba sa EDSA dahil babalik ng San Juan. Then bumalik si Erwin sa The Fort para balikan si Ate sa parlor.

Ayun, antok antok ako sa drugstore kanina Mr. T! Ewan ko baket bigla akong inantok. Siguro sa kabusugan. Then nagreprint ako mga resibo ng mga gamot kanina para ibigay sa kaibigan ko. Dapat may porysento ko di ba Mr. T! Irereimburse niya kasi! Haha!Then yun, around 5PM tumawag si Mama na may idedeliver daw silang OS sa RCBC. So sabi niya sumabay na ko sa kanila umuwi. Ayun, kasama niya si Manang Luz sa delivery. Then salamat naman sinundo ako at hindi ako nag-effort sa MRT! Grabe, nasabi ko bang naground trip ako last time sa MRT? Tsss... anyways yun. May delivery pa nung sinundo ako! Nagdeliver sa may Kalayaan, then sa Mandaluyong. Buti may tinapay sa kotse. Grabe, tatag ko, monay lang yung pagkain sa kotse naubos ko pa kahit walang inumin! Haha!

Si Ate pala sabi sa kin pinagalitan niya si Mama. OA kasi ni Mama. Kabibili lang ng Louis Vuitton na Ellipse na bag, bumili na naman ng Louis Vuitton na Epi Leather! Puta! As in tumambling si Ate! Maraming pera si Ate pero hindi ganun kagastos si Ate. Si Mama parang adik lang shet! Kahit ako nagulat eh! Ayun, buti nga pinagalitan ni Ate.

Narealize ko lang, si Ate never magastos. Sa pagkain oo. Pero sa mga material na bagay hindi. Tulad na lang ng mga cellphones niya, thrice lang siya nagpalit ng phone niya. Memorize ko pa yun, 3210, 6610, at yung Samsung niya ngayon. Wow! Since 1998 yan ha! Baka ayun ang key para yumaman? Di kaya Mr. T!? Hmmm... pati yung asawa niya hindi rin ganun kagastos eh. Kasi yung laptop ni Erwin yun pa rin eh! Kasi kung ako may pera tulad nila, siguro ang gastos ko! Pero natutunan ko na rin ang value ng pera nang nagsimula ang taon na toh. Kailangan ko matuto humawak ng pera Mr. T! Gusto ko rin yumaman. Siguro hindi pa ngayon, sabi ko nga kanina kay Mama huwag niya kong maliitin (lagi niyang ginagawa yun :( ) dahil kung babalikan niya mga nangyari kay Ate at Kuya nung mga mid 20's pa sila, sabog at nagkanda leche leche rin buhay nila! At sabi rin ni Mama dapat may plano na ko sa buhay ko, sabi ko "Baket, si Ate at Kuya ba pinagplanuhan mga buhay nila? Nangyari na lang mga nangyari ngayon sa kanila nang hindi nila pinagpaplanuhan!".

Minsan sarap barahin ni Mama. Minsan nakakawalang gana. Minsan nanliliit na rin ako sa sarili ko Mr. T! Isa lang gusto ko mangyari 2-3 years from now, gusto ko makapagsarili. Kumita na ng sarili kong pera. At kaya ko na buhayin sarili ko mag-isa. Yun muna ngayon. Sabi nga sa kanta ni Jordin: "One step at a time. There's no need to rush. It's like learning to fly or falling in love..."

So yun Mr. T! Baka mauwi pa sa drama tong entry na toh. Tatapusin ko na. Update you soon Mr. T! :-)

Currently listening to: Go Girl by Pitbull
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on February 19, 2009 at 11:59 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 7 comment(s)
Comment posted on February 20th, 2009 at 12:07 PM
feeling ko hindi ako yayaman kasi magastos ako, ahahahaha!

get well soon sa pinsan mo. :(

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 20th, 2009 at 11:56 PM
okay na yung pinsan ko. pero hindi pa fully magaling. buti nga nabuhay siya eh.

naku yayaman tayo! sabi ng ate ko sabihin mo lang lagi yun at magsipag!
Comment posted on February 20th, 2009 at 12:00 PM
uso pa pala ang video city??? baka sa penalties na nga lang sila kumikita!

nakupo, sana ok lang pinsan mo. bket pinagsasaksak? holdap ba?

exaj sa designer bag ang mama mo ha. ako nga kahit isang LV di ko afford.hehe!

at tungkol naman sa pagpapayaman, minsan talaga swertihan lang yun. pero basta may makita kang opportunity, grab lang ng grab. kasi dun nakukuha ang swerte. hehe! XD

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 20th, 2009 at 11:56 PM
oo naman! meron pa! Hahaha!

nope. mahabang kwento baket siya sinaksak...

exaj nga nanay ko! meron isang kabinet yun puros bag. weird, hindi niya naman lahat ginagamit!

yayaman tayo! yayaman tayo!

GHV2 (guest)

Comment posted on February 20th, 2009 at 10:14 AM
Pero mother mo pa rin un. Baka me mapulot ka pa ring gintong butil sa mga sinasabi niya. Siguro, ang gusto niya lang talaga ay mapabuti ang buhay mo. Hehe.
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on February 20th, 2009 at 11:57 PM
yep. oo naman, nanay ko yun. alam kong gusto niyang galingan ko lagi. pero OA na minsan talaga...

GHV2 (guest)

Comment posted on February 22nd, 2009 at 07:45 AM
Sabagay. Basta gawin mo kung ano ang laman ng puso mo. Suportado man o hindi ng nanay mo. Go gurl!