Pre-Valentines 2009 Entry
Kahit wala akong Valentines date Mr. T!, nakakuha naman ako ng mga regalo. Material things pero consolation prize na rin. Pero siguro hindi rin. Weird ng nararamdaman ko eh. Parang masayang hindi. Ano ba toh. Sabi nga ni Barry, wala akong karapatan maging bitter ngayong Valentine’s Day. Pero baket ang bitter ko pa rin? Since Monday may nagbibigay na sa kin ng mga kung ano ano. Hindi ako nagyayabang, share ko lang…
![]() |
Sender #1: Ano paborito mong bulaklak? Jacob : Tulips *Next day may dumating sa drugstore* Sender #1: Nakuha mo na? Jacob : Di mo ba alam difference ng Tulips at Roses? Hahaha! Sana chocolates na lang! Sender #1: Di mo na kailangan ng chocolate, masyado ka ng sweet! Hehe… |
![]() |
Sender #2: Asan ka? Jacob: Drugstore sa Makati Sender #2: Gusto mo ng cake? Jacob: Oo, pero dapat Black Forest! Haha! *After 30 minutes…* Jacob: Oist nakuha ko na! Pero baket hindi Black Forest! Wahh… Sender #2: Sorry wala na kasi eh… Jacob: Thanks na rin. :-) |
![]() |
Sender #3: Where are you? Jacob: Makati. Pauwi na. Why? Sender #3: Daan ka front desk sa condo I left something for you… *Dumaan ng condo* Jacob : Uy thanks! Pero baket toh? Sender #3: I asked dati di ba? Jacob: Shucks, Davidoff Coolwater gusto ko! Hahaha! Sender #3: That’s a new scent daw. Try mo na rin… |
![]() |
Sender #4: I left something for you sa drugstore niyo… Jacob: Puta! Pumunta ka dun? Sender #4: Yep yep. Ask mo na lang pharmacist niyo… *Nung nakita ang gifts* Jacob : Uy! Thanks pero nakita ko toh! Mahal toh! Sana pagkain na lang or cash binigay mo! Haha! Sender #4: Bigay mo na lang sa mom mo or sister mo kung ayaw mo. Haha! |
So yun, binigay ko nga sa nanay ko Mr. T! Sabi ko binili ko! Hahaha! Anyways, all the gifts are appreciated. Pero alam niyo, sana talaga binigyan niyo na lang ako ng cash. Kasi pag pinagpatong-patong yang halaga niyang binili niyo, pwede na ko magpahanda at magkapakain ng 5 tao! Or ako na lang kumain sa halaga niyan! At baket wala talagang nagbigay ng chocolates? Hahaha! Pero salamat sa mga nagbigay. At weird niyo, basted na kayong lahat nagbibigay pa rin kayo! Wag na kasing umasa! Haha! Pag sinabi kong hindi hindi! Pero ang mga regalo akin! Hahaha! Walang hiya ko talaga! Haha! Pero salamat talaga :-) Siguro mabait talaga akong tao? Pero ewan ko pa rin. Unless you tell me. :-)
Ayun. Isa lang naman gusto ko makasama sa Valentines Day and ayaw pa niya. O well lilipas din ang araw bukas. Sana may pagkabusihan ako di ba Mr. T!? Hayz… inaantok ako! Hintayin ko na lang tawag ni Ate. Tulog na muna ko Mr. T! :-)
muhh (guest)
