How About Love?
Unang araw na ng February. Umuulan na naman ng mga puso kung san san. Mga decoration na hearts. Mga magjojowa magdadate na naman sa Valentines Day. Eto na naman ako, aasa merong makakasama sa araw na yun. Baka meron. May mga nag-aaya naman eh kaso hindi ko alam talaga kung matutuloy dahil hindi pa ko sumasagot ng oo o hindi. Nakabitin pa. Wala lang nalulungkot lang ako Mr. T!
Last Friday, nagsabay kami ni Glenn umuwi. Yung building niya pala malapit lang sa RCBC. Then nagkita kami sa MSE then sabay kaming nagMRT. Super kwento siya sakin about him and yung guy na dinedate niya. Inaabangan ko ang kwento niya sa Monday. Excited na rin ako. Honestly, Glen is too goodlooking para sa guy na dinedate niya. Siguro nga mahal niya talaga yun. Tanungin ko na lang nga mga stuff related dun pag nagsabay kami ulit umuwi.
Then, later that evening, Karol and I went to see each other para magmidnight snack sa McDo sa may Greenhills. Dapat 9PM kami magkikita but since nakatulog ako, 11PM na kami nagkita. Malungkot din si Karol nung gabing yun. Ako tama lang. Siyempre para sa kaibigan tatambling agad ako Mr. T! Hindi talaga natin maiiwasan magmahal Mr. T! Parang kasama na rin siya ng paghinga. The night I had with Karol was surreal. Hindi kami ganun mag-usap kadalasan eh. Sometimes, puros joke lang ginagawa namin at kwento about highschool. But Friday night/morning was different. Ilang beses kaming paikot ikot sa GH Shopping Center habang nagkukuwentuhan. Ang dami naming tanong. Ang dami naming gusto malaman. Matalino talaga si Karol, marami akong natutunan sa kanya last night about life, love, loving, getting hurt, waiting, being patient, at kung ano ano pa. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung napag-usapan namin. Parang ganito:
Sa buhay natin, may dadating na tao. Yung tao na yun para sa isang phase ng buhay natin. Marami tayong matutunan sa tao na yun na hindi pa natin nalalaman dati. Pwede tayong masaktan. Pwede tayong umiyak. Pwede yung taong yun eh hanggang dun na lang sa phase ng buhay natin na yun. Kung hanggang dun na nga lang yun, may dadating na naman na tao para may matutunan na naman tayo. At uulit yun. At kung may taong tatagal sa phase ng buhay natin na yun, isa lang ibig sabihin nun, nashape na tayo sa mga taong dumaan sa bawat phase ng buhay natin. Pero siyempre, mahuhubog at mahuhubog pa rin tayo nun, yun nga lang, hindi na tayo iiwan nung taong yun.
Then dala ni Karol kotse niya so pumunta kami sa bahay nila. Walang tao sa house nila. Ang lungkot talaga ni Karol nung gabing yun. Dun na dapat ako matutulog sa kanila kung hindi ko lang sinabi sa nanay ko nauuwi ako. People change, sometime for the better, often time for the worse. I think we’re growing up a bit Mr. T! Kasi hindi naman namin ever nagpag-usapan mga bagay bagay na napag-usapan namin ni Karol nung Friday. It was weird but I feel good having to talk to him that way for the longest time. Ang relax pa ng mood namin. Naglalaptop siya ako nakahiga sa sofa nila and our conversation keep flowing. Wala kong napansin na topic na walang kwenta. Every topic we talked about was meaningful. Ang dami naming natutunan sa isa’t isa Mr. T! I hope all my friends are like that. Or dahil ganito dahil matalino si Karol? Siguro, or ayaw lang ng mga iba kong kaibigan ng usapang ganun. Isa pang hindi ko makakalimutan na sinabi ni Karol
Kung mahal ka talaga ng isang tao, ipapakita niya every single day na mahal ka niya. No excuses. If he loves you, then he’d let you know. He’d let you feel he loves you. Ganun lang naman kadali malaman kung importante ka sa isang tao eh.
Siyempre ako isip ng isip. The only time ata na tumawa kami eh nung tumahol yung aso nila tapos ginaya ko rin yung tahol eh! Hahaha! Basta Mr. T!, ang dami naming napag-usapang topic na hindi pa namin napag-usapan before. Ang dami ko ring nalaman na ngayon ko lang nalaman. Nung HS hindi ko alam mga bagay bagay na kinwento niya last Friday. Feeling ko mas tinatrust ako ni Karol ngayon and I like it. I like it when my friends trust me. They make me happy. There were many questions left unanswered nung nag-uusap kami ni Karol. Baka masagot din namin yun one day. Or baka hindi rin. Around 3AM I left his place and fell asleep immediately.
Sorry kung hindi ko maexpress gusto ko sabihin ng maayos. Hindi ko kasi alam nararamdaman ko ngayon. Kahit ako nalalabuan sa sarili ko.