Tang-inang Profile Pt. 2
Nung nakita ko toh Mr. T!, natawa na lang ako. Sinearch ako ng kaibigan kong si Alex sa Friendster kanina and eto ang lumabas na account. Jacob Webb yung keywords niya. Tamang tama lumabas toh. At kaisa isang Jacob Webb sa Friendster yan! John Jacob Webb ang name ko sa Friendster so napakamali niyan! And iba na pic ko sa Friendster Mr. T! This is becoming creepy…
May mga tao na ngumamit na ng identity ko, password ko, email ko, pati katawan ko online. Jusme, pati ba naman pics kong pagkaluma luma na wala na ata akong copy pinagka-interesan pa? That pic is soooo 2005! Hello naman! 2009 na! Inadd ko ang may-ari ng account na toh. Ewan ko lang ano magiging reaksyon niya. Hello? Camarines Norte? May mga kamag-anak kami diyan pero hindi kami taga-diyan! Pero bongga ang shout out ha! “I’m tired of being your crash test dummy” --- pero sa profile niya eto talaga nakalagay “im tired of being of ur crash test dummy”. O, san ka pa?
Anyways, nagbantay lang ako ng Drugstore buong araw sa RCBC. Mr. T! Kain sa McDo ng maraming french fries and kwentuhan with Dra. Nona ng mga funny stuff. Tapos pagkauwi, may masamang nangyari pa kay Joriel na pamangkin ko kanina sa Pure Gold. Tapos si Marissa naman may mga friends na dumating sa bahay nila and ininvite ako para kumanta. Amp! Anyways, yun Mr. T! Update you soon okay.
And yes, pahabol, nakakaloka talaga ang internet Mr. T! Try visiting this blog: “lUi.pOtpOt…”. Tumambling ako nung nabasa ko yang blog na yan. Ewan ko paano ako natalon diyan pero sobrang akin yung ibang nakalagay diyan! Pakibasa yung nasa ilalim na description ng blog niya. Grabe, natatawa na lang talaga ako! Pakibasa naman yung “Parang Wala Lang” na entry nitong taong toh. And pakibasa na rin tong entry ko last year “Tagged By Inggaydadyeminay”. Tawa na lang tayo mga friends! Sana naman nilagyan ng back link sa blog ko di ba? Ewan ko kung matutuwa ako or mabubuwisit! Bukas ulit! Night ay morning na pala!