Hello Mr. T! Wahhh! Eto na naman ako. Nakaprivate yung entry about nangyari kahapon kasi wala pang pics eh. Eh ngayon may pics na kaya public na siya. Hahaha! Aylavet! Go go go! Ayon nga kay Ruffa Mae: “Todo na toh!”. Yes naman! At ang ganda ng entry ni Aubs about nangyari nung nasa school kami the other day: "Long Time No Tambay". Okay ang entry na yan. So I quote:

"grabe sarap ng usapan namin don. FUTURE. haha kaming kami na talaga to! work, buhay buhay after college, future family, old age. pati yung pagkakaron ng anak ni Matty at Jacob na gusto pa kaming idamay ni Tin hahaha. yung mga unang ni idea ni Jay, pang teleserye naman! masyadong madrama at complicated haha di ko kaya. tas meron pang hihingi na lang daw sila ng egg cells samin since friends nman kami.. yung mga ganong factor ba. kalowka. yung mga parlor business, "thesis fair", pangingibang bansa, pagpapayaman, yung gagastusin para magpalaki ng isang anak. ganon ang leveling ng usapan namin kahapon hahaha!"

Hays, Mr. T! Tumatanda na nga kami. Is this what you call Quarter Life Crisis? Owmaygad! Skeyri! Hahaha! Siguro naman lahat ng tao dumadaan sa stage na ganito. Di ba?

Anyways, yesterday, was quiet a long day. Pero bago ang lahat, birthday ng tatay ko ngayon. January 29, 2009! Happy birthday Papa! Weee! tawagan ko na lang siya bukas sa cellphone. So yun, balik sa kwento ko, mahaba ang araw ko kahapon.

Una, nagkamali mali ako ng magpasok ng classroom sa JAPALA2. As in grabe! Kala ko 10th floor yung classroom ko. Tas mali. Then kala ko 11th. Mali pa rin. 9th pala. Grabe, mukha kong tanga sa Andrew kanina Mr. T! Hahaha! Late ako sa JAPALA2. May exercise kanina about speech. Buti hindi natuloy yung test dahil wala akong inaral! Whew! Then yun, maagang natapos as usual ang JAPALA2. Then kasama ko na naman sina Casty, Sat, Gian and Beck pabalik sa Gox. Then pinuntahan si Deck sa South Conserve kasama si Carmz. Then nagsurf sa Jobstreet.com. Tapos si Luis, kulit ng kulit na magRedBox daw kami. Sabi ko wala kong pera. Sabi niya libre niya. So baket hindi di ba? Hahahaha! Then iniwan ko na sina Deck and Carmz and si Angelica pala dumating. Then yun, naghantay kami ng FX to SM North ni Luis sa V. Cruz. Grabe Mr. T! Siguro yung pinakamahabang FX ride ko nangyari kanina! As in ha! Imagine, V.Cruz to Trinoma! Grabe, namanhid paa ko ang pwet ko sa kauupo. Sa harap pa kami ni Luis nakaupo so ang ingay namin. At parang hindi pa kami mga pagod. Wala pang tulog si Luis Mr. T! Ako rin. Pero go go go pa rin talaga. Todo na toh! Then, nagRed Box kami around 4PM.

Grabe, from start to end, puros birit songs kinanta namin ni Luis. Nasa room kami na for 16 persons so parang concert lang kaming 2 dun ang laki nung room! Hahaha! Ang saya kasama si Luis sa KTV Mr. T! Kaya niya rin kasing sumigaw pag sumigaw ako eh! Hahaha! Then yun, iced tea lang kami. Yung free. Puros yelo! Hello naman di ba? Hahaha! Then dumating yung friend ni Luis na si Che around 6PM. Nakikanta rin. Babae pala si Che Mr. T! Just so you know. Then tinry ko itext si Allan. Aba! Ang lolo mo nasa Trinoma. Sabi ko meet kami kahit sandali. Then yun, nagkita kami saglit. Adik ata sa gym si Allan eh. Babalik ng gym kagygym lang!

“Wow, parang lumabas ka lang ng bahay ah!” sabi ni Allan. Kasi sabog na sabog ako and nakatsinelas lang.

“Oo naman para masaya! Hahaha!”

Anyways ayun, tumawag si Jeffrey habang nasa KTV kami para iconfirm na makakasama siya sa panonood namin ng Status: Single starring Ruffa Mae Quinto. Then sing along ulit. Birit ulit. Vinideohan pa kami ni Che habang kumakanta! Hahaha! Si Luis nagiinvite pag may inuman daw ulit sila. Hahaha! Taenang life toh!

012820092213 012820092214

Ayun, around 7PM natapos na kami sa Red Box nina Luis. Sina Barry and Jeffrey nasa Galleria na. Si Wiggy sinundo si Ritz sa Shang and ako patambling palang sa Galleria. Buti may MRT card ako Mr. T! 20 minutes kong narating ang Galleria from Trinoma! Nilakad ko pa from Ortigas station yun ha! O di ba? Super takbo talaga ko!

Then yun, si Barry and Jeffrey pa lang andun sa Galleria. Nasa Cinemas na sila. Sina Rhitz and Wiggy dumating na rin just in time para sa 7:45PM showing nung palabas. Then went inside the cinema na. Okay, sobrang funny si Ruffa Mae. Hahaha! Love ko yung babaeng yun eh alam mo yan! Basta tawa ko ng tawa sa movie house. Mukha pa lang kasi ni Ruffa Mae nakakatawa na. Yep, this movie is much better than Underworld. Hayz! So yun, after watching, siyempre late dinner na. Hindi pa kami nagdidinner lahat so bali closed na lahat yung mga kainan kanina. Si Wiggy gusto mag Friday’s kaso closed na rin. Terriyaki Boy kami nauwi. Then yun, kumain. Ang tagal nung Wafu Steak ko 10 years. Kumakain na yung apat ako garlic rice pa rin nasa harap ko. Pero buti dumating pagtapos ko mag CR. Then yun, picturan galore na naman. At grabe, si Jeffrey pala, nagMRT sa Ayala ng rush hour! Kaya pala nastuck sa station. Sabi ko magbus na lang pagrush hour. OA talaga kasi ang pila dun sa station na yun eh Mr. T!

image image
image image

So yun, sa Sunday na raw flight ng mahal kong kaibigan na si Jeffrey! Weee! Hindi na raw sa Thursday! Buti naman! More time para magbonding. That is if, hindi mag-eemote si Jeffrey at payagan siya ng nanay niya. Na sana naman di ba? Anyways, masaya ko Mr. T! Masaya talaga ko pagkumpleto kami. Then hinatid namin ni Barry si Jeffrey sa G4 dahil susunduin siya dun. And ako hinatid na rin ni Barry. Si Ritz sumabay kay Wiggy. Fun fun fun! Si Barry inaapi ako:

“Grabe, mga puros programmer ang entry level sa mga companies” sabi ko

“Di ba may training naman yun?” sabi ni Luis

“Oo pero susme programming pa rin yun!” sabi ko ulit

“Nakalimutan mo na ba programming mo?” tanong ni Jeffrey

“Ay naku! Oo!” reply ko

“Hoy, sabi nakalimutan!” sabi ni Barry

“Ay sorry naman! Wala pala kong makakalimutan dahil wala kong natutunan! Hahaha!” sinabi ko with pride. Haha!

Ayun Mr. T!, tapos na naman ang isang araw ng paglalaskwatsa. At grabe! pagkadating ko sa bahay nakapatay ang laptop! PUTA! Yung inuupload kong video sa Youtube. Grabe! Nakakaiyak. 1GB yun eh! Ang tagal iupload nun! Nanghina ako! Wah!

At at, one day talaga pag di na ko nagboblog, isa lang ibig sabihin nun, pinatay na ko ng nanay kauuwi ng late! Hahaha! Night Mr. T! Ay morning na pala! Trabaho trabahuhan na naman ako bukas/mamaya sa RCBC! Mwah! At parang lagi na lang ako nanonood ng sine! Hahaha! Sige, I'm signing off...

Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently watching: Single Ladies on Youtube
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 29, 2009 at 02:27 AM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 10 comment(s)

jericho (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 02:50 PM
parang hindi ka gimikero no? hehe

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 08:30 PM
hindi ba halatang ayaw ko? hahaha... thanks for visiting!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on January 29th, 2009 at 12:37 PM
status: single - gusto ko panoodin yan, ahahahaha!

teka, kung kayo nina aubrey e tumatanda na, e di ako gumugurang na?? wag ganun girl, ahahahahaha.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 08:30 PM
hindi noh. alam mo yun. basta. parang biglang lumalaki ang mundo! hahaha!

nytlyf (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 11:22 AM
Adik ata sa gym si Allan eh. Babalik ng gym kagygym lang! >pasensya naman! Eh jumoin ka na kasi eh, para naman di lang lalamunan mo ang ineexercise mo. hehe, pun intended!

Oi jacob, di pa yan quarter life crisis. Ang tawag dyan fear of the unknown and yung takot mo yung credibility mo sa real world. ojt was a good thing that happened to you.

I'll tell you kapag nasa quarter life crisis ka na. Pag 25 ka na, balikan mo'ko. Hehe. Btw, tignan mo multiply mo.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 11:45 AM
sows! kailangan ba 25 years old ako para mafeel ko yan? hahaha! who ever said na ang life span ng tao ay 100? Meaning quarter nung 25? hahaha! funny! and do you think hindi ko nararamdaman lahat toh?

Characteristics of quarter-life crisis may include[citation needed]:

* feeling "not good enough" because one can't find a job that is at one's academic/intellectual level
* frustration with relationships, the working world, and finding a suitable job or career
* confusion of identity
* insecurity regarding the near future
* insecurity concerning long-term plans, life goals
* insecurity regarding present accomplishments
* re-evaluation of close interpersonal relationships
* disappointment with one's job
* nostalgia for university, college, high school or elementary school life
* tendency to hold stronger opinions
* boredom with social interactions
* loss of closeness to high school and college friends
* financially-rooted stress (overwhelming college loans, unanticipatedly high cost of living, etc.)
* loneliness
* desire to have children
* a sense that everyone is, somehow, doing better than you

think about it. one doesn't have to be 25 to be experience QLC. It can hit anybody probably on their late or early 20's.

nytlyf (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 04:58 PM
sa'kin lang naman, you worry too much. pinagsasabihan nga ako nung mga gayut at mga 30s na enjoy lang at ok lang magkamali coz when you look back, at least no regrets at walang what ifs. niliteral mo naman ako sa 25 ko. sorry, o 26 pwede? haha! kaya nga taka ako nung sinabi mo 'to dahil keri mo nga eh. kaya go lang! :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 08:30 PM
basta ganun! hahaha!
Comment posted on January 29th, 2009 at 12:12 PM
waah! ibig sbihin ba nito I'm experiencing QLC rin? Naku naiisip lang nman ng mga tao yan kapag walang ginagawa sa buhay e, kaya dapat magpaka-busy para makalimot...hahaha

Hapy birthday pala sa dad mo....

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 29th, 2009 at 08:31 PM
oo nga eh. minsan dapat busy busihan din para hindi maisip mga ganitong bagay. tama yun. hahaha!

at salamat sa pagreet sa tatay ko! makakarating! :-)