I'm a sucker for love stories. As in basta nakakakilig, hindi ako makakaget-over agad! Grabe Mr. T! Nakakakilig pala talaga yung A Very Special Love starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Grabe, nakakatawa si Sarah. Ngayon alam ko na baket tumabo sa takilya toh. Ni wala nga masyadong promotion toh pero number one movie siya last year. Nakakatuwa si Sarah (Layda). Favorite ko talaga siya. Si John Lloyd din (Miggy) ang galing. Kahit hindi maganda katawan ni John Lloyd tulad ng mga peers niya like Piolo and others, iba rin yung appeal niya. Wahhh... nakaka-in love yung palabas. Buong time kong pinapanood ko sa iPhone ko nakasmile ako grabe. Ano ba yun. Hahaha. Rare mangyari na nakasmile ako sa buong duration ng isang movie. Ewan ko ba sa sarili ko. Siguro mahilig ako sa mga ganitong palabas kasi gusto ko rin mangyari mga nangyayari sa kin sa mga love story. Hahaha! May mga sad parts din. Pero most of the time, nakakatawa and nakakakilig. Thanks sa acting ng dalawa. Tamang timpla talaga sila. Okay na okay ang pagpapares sa kanila. Anyways Mr. T! May mga dialogue na super tinamaan ako. Haha! Tamang tamang naiiyak si Sarah nung sinasabi niya mga dialogue na yun. Pati ako nahawa sa pag-iyak! Hahaha! Share ko lang yung dalawang scene na sobra kong natouch and naiyak.

Scene 1

Layda : Sana naman magkaroon ka kahit konting pakiramdam.Kasi kung nagkakaganyan ka dahil sa tingin mo wala ng kayang tumanggap sa yo, mali ka eh. Gusto mo sumuko dahil sa tingin mo sumuko na lahat, nandito pa ko. Kung sa tingin mo walang nagmamahal sa yo...
Miggy : What? Mamahalin mo pa rin ako? Layda I didn't ask you to love me.
Layda : Alam ko...
Miggy : Then don't make me feel as if I have to love you back. Kahit balig-baligtarin mo ko ngayon wala na kong mabibigay sa yo. Maawa ka nga sa sarili mo. Itigil mo na yan. Mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang umasa. Mapapagod ka lang maghintay. Mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin.
Layda : Kahit minsan di ko naramdamang nakakapagod kang mahalin. Ngayon lang...

Scene 2

Miggy : Ang hirap naman nito eh...
Layda : Mahirap? Yan mahirap? Subukan ko kayang magmahal sa isang tulad mo para malaman mo kung ano ang mahirap...
Miggy : Alam ko. Dahil buong buhay ko sinubukan ko mahalin ang sarili ko. Nahirapan din ako. And I'm sorry that I didn't love you in the way at the time that you did. Pero maniwala ka, maniwala ka minahal kita sa paraang alam ko. I'm a work in progress Layda. Ngayon ko pa lang nararamdaman na pwede pala akong mahalin na kahit ganito ako. Ngayon ko pa lang natutunan na kaya ko pala magmahal kahit ano ako. So please, don't give up on me...

Ako mismo nagtranscribe niyan ha! Haha! Shet Mr. T! Sana mga pelikula pwede mangyari sa totoong buhay noh?? A very special love talaga ang buhay with matching happy ending rin. Nakakatuwa yung palabas. For sure masarap tulog ko nito...

At nagpadespedida pala si Kuya Ricky and Ate Ningning kanina. May inuman. Ako hindi uminom, kumain lang. Aalis na naman kasi sila eh. Tapos pinapapasok ako ni Ate bukas sa RCBC. Musta naman ang aga ko pa gigising mamaya. At kung ininvite ako ni Sir lumabas sa Friday. Kung wala kaming kasama, date ba yun? Yak naman di ba?  Tsk. Sige sige Mr. T! Update you soon. Good night/morning! -.-

Currently listening to: electric fan
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 15, 2009 at 01:45 AM in Everyday Drama, Movies | 4 comment(s)
Comment posted on January 15th, 2009 at 04:04 PM
Bumili ako ng pirated nito pero hanggang ngayon di ko pa sya napapanuod...hindi kasi ako tinawag ng mga tao sa bahay nung pinanuod nila ito, yan nawalan tuloy ako ng gana...pero dahil mukhang ka-enjoy enjoy talaga sya (na alam ko namng totoo) parang gusto ko na ulit panuorin...hahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 15th, 2009 at 08:49 PM
naku! panoorin mo! maganda talaga! sabihan mo ko pagnapanood mo na! hahaha... panoorin mo na lang mag-isa! hahaha... ako nga nakahiga nung pinapanood ko. kaya super kilig with matching hug hug pa ng unan. hahaha!
Comment posted on January 15th, 2009 at 06:34 AM
waaaaaaaah! ilang beses ko ding pinanood yan, ahahahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 15th, 2009 at 08:22 AM
sobrang nakakakilig noh? hahaha... asar! hahaha...