Beep Beep Beep Beep
Dapat first day ko sa klase Mr. T! Pero hindi. Hindi kami nakapagkita ni Luis kasi may gagawin siya. Ako naman kanina, parang stranger sa DLSU kanina. Wala na kong kilala. Parang lost ako! Hahaha! Kahit sa Gox onti na lang mga kilala kong mukha. Tapos umakyat pa talaga ko sa mga thesis room para maghanap ng kakilala! Hahaha! Sayang si Beck wala sa 4th floor ng Gox.
So yun, nagsimula araw ko ng makita kong naglalaro sa Game K N B? si Aykel! Oo si Aykel! Hahaha! Natuwa naman ako kasi asa TV siya tapos parang lalake pa siya sa TV. Tumawag ako kay Karol kanina para mapanood niya kaso sayang wala sa bahay si Karol. Hahaha! Bigla tuloy bumalik mga HS memories. Pati ang lunch table nung HS. Hahaha! Then yun...
Super tinatamad ako kanina magcommute Mr. T! Nakapark yung kotse ni Ate sa labas ng bahay kanina. Alam kong ibang kotse gamit ni Ate and walang gagamit nung kotse. Hahaha! At alam mo ginawa ko Mr. T? Ginamit ko yung kotse! Hahahaha! Eh ilang hours lang din naman ako sa school eh ibabalik ko rin! Hahaha! Malakas loob ko kasi matic yun! Haha! So yun, imagine mo na lang, from San Juan to DLSU nagdadrive ako ng walang lisensya. Bihira mangyari toh kaya tinext ko mga friendly friends ko kung nasa school sila. Kaso wala sila. Hindi naman nagreply yung iba. Sadness. So yun, marunong pa pala ko magpark. Haha! At ang lakas ng loob kong magdrive ng walang lisensya. Hahaha! Yan ang epekto ng tamad. Kahit ano susuungin.
Then yun, sa school, yung JAPALA2 na napasukan ko eh Japanese majors na class pala! Wow! Sobrang nose bleed. Sabi nung prof, iask ko si Sir Feliciano kung pwede akong lumipat dun sa class niya since siya raw JAPALA1 teacher ko. And guess what! Weee... pumayag si Sir Feliciano! Weeee... mygawd! Ang saya nito! MW na ang schedule ko for this term Mr. T! Weee... tapos nakakatawa pala, nung kukuha ako ng EAF, hindi ko naman pala alam na pila yung mga nakaupo, so tumayo ako dun sa likod nung guy na nasa pila. Grabe, nagalit yung DO sa kin, sabi yung pila dun sa pinakadulong upuan! ARAY! Ang haba! At ang laki ko palang singit! Shet! Awa naman ng Diyos may upuan. At may WIFI ang DLSU kaya nagwiwifi ako sa phone ko. Pampalipas oras din. Dadaanan ko sana ang aking magaling na teacher na nakachat ko kahapon, kaso tinamad ako kasi super naghanap ako ng taong may number ni Sir Feliciano eh! Bukas na lang ako chichika sa teacher kong magaling! Hahaha! At grabe, parang out of place pants ko kanina sa school! Lahat nakaskinny jeans! Wah! Hahaha! Tapos may nakita kong bading na mataba dati, ngayon payat na! Wahhh! As in di ko nakilala. Lahat talaga ng tao may insecurities noh? Everybody wants to be accepted. Everybody wants to fit in. Or no? Well feeling ko lang naman...
Then yun, since walang nagtext back sa kin. Umuwi na lang ako. Awa ng Diyos buhay akong nakauwi! Sayang kung andun sina Aubrey, Tin and Deck kanina sana nagroadtrip kami hanggang Tagaytay Mr. T! O di ba? Kapal ng mukha! ko? Wala ng lisensya magtaTagaytay pa! Hahaha! At hindi ko na uulitin yun dahil sobrang ngatog na ngatog ako sa kaba nung nagdadrive ako! Amp! Pero kanina, iniisip ko, siguro ang sarap ng may sinusundo sundo noh? Maglalandian kayo habang nagdadrive ka. Lambingan. Tawanan. Kwentuhan. Hahaha! Okay stop na Jacob! Asa ka pa! Haha!
Sige sige... yun muna. Masaya ko kasi si Sir Feliciano na naman teacher ko. And his class spells F-U-N! Hahaha! At yun iPod dala na naman ng magaling kong kapatid! Inis!