Sa wakas Mr. T! Tapos na rin ang aking OJT sa HSBC. Masaya ko dahil naging parte ako ng company na toh kahit intern lang. Ewan ko, baket ako nakuha sa HSBC para mag-intern. Ang alam ko matatalino lang kinukuha dun. Hahaha! Anyways, maganda ilagay sa resume yun. Balikan natin mga nangyari sa HSBC:

September 2008 

First month ko sa HSBC. Grabe Mr. T! Para kong tanga. As in wala pa kong kilala. Sa HUB area ako naassign. Tapos sa may UAT pa workplace ko. First kong mga kinausap yung mga naguUAT. Sina Ate Pinky, Beth, Ami and Mellow. Lahat naman sila mabait sa kin. Most of the time, mga panahong toh, nagFafacebook chat lang ako. Kinabukasan, nablock yung Facebook chat. Musta naman talaga. Si Sir Mikko pa yun direct supervisor ko. Super bili ako ng wardrobe nga pala dahil wala ako masyadong long sleeves noon. Tatlo lang ata and yun slacks ko nun pang higschool pa. So yun, taga determine muna ko ng defects ng iniimplement na system. At hindi pa ko sanay sa pagising ng umaga mga panahong toh. Kaya super antok ako palagi sa office and parang yung laging gusto ko ng umuwi.

October 2008

Ganun pa rin ginagawa ko Mr. T! Taga hanap ng mga criticial errors blah blah nung QSC. Ako taga report kay Sir Mikko ng mga defects na may High, Low, Critical. Tapos ililipat ko sa excel. Tinuruan din ako ni Giselle gamitin yung excel program para mas madali kong ilipat yung mga errors and mapakita yung report kay Sir Mikko. Nagkaroon din pala ng bagong intern na babae around this time. Pangalan niya Christine. Kaso hindi kami naging close. Niloloko pa kami ni Sir Mikko na pagpinagsama raw pangalan namin Christine Jacob and kalalabasan. Ayun, most of the time nagYouYoutube lang ako nung October at super basa ng mga blogs. Kasi minsan nagpapatagal na rin ako sa office para madagdagan ang oras ko.

November 2008

Si Ms. Diane and si Ms. Lyn na naging direct supervisor ko. Pero HUB pa rin ako. Minsan din around this time, may mga pinapagawa rin sina Ms. Jen and Ms. Jaggy sa kin. Taga print ng screen. Taga tingin kung may mga user na nagexxist pa. Ganito ganun. Tapos si Ms. Diane and si Ms. Lyn naman ang naging super taga-utos ko. Super update ako ng mga files nila na sobrang tagal ng hindi nauupdate. Eto rin yung time na nahuli ako ni Ms. Diane na nagYouYoutube and pinagalitan ako. Musta naman, wala naman silang inuutos nun eh. Hays… tapos yun, tuloy tuloy yung trabaho ko nung October dahil ang daming nagreresign. So super update ng mga HAF at super delete din. Nakakapagod siya and nasawa ako.

December 2008

Masaya ang December Mr. T! Nagdesign kami ng aming department. Tapos nanalo pa kami. Tinulungan ko si Ms. Diane and Ms. Lyn sa paglagay ng decorations nung December. Same pa rin naman ginagawa ko nung. Update update. Nalipat pala ko sa ibang workstation kasi nga si Ms. Jert dumating na. Tapos, bumalik nung si Sir Mikko napromote. Ayun, tapos ako rin ang ginawang in-charge ni Macky sa Kris Kringle nung ODD-HUB department. Nag-out reach din kami nung December. Parang outreach with Christmas party na rin. Kasama ko ng ODD-HUB sa Christmas lunch nila. Most of the time nung December absent ako dahil sa thesis. Medyo parang nagalit si Ms. Diane. Pero inexplain ko naman. Dapat bago matapos pala ang December tapos na yung OJT ko. Pero salamat sa long holiday vacation, na usad til January 2009.

January 2009

First week pa lang ng work ang dami na agad tumambad sa kin. Grabe Mr. T! Kaya hindi ako masyado nakapag-update these past few days. As in ang dami. Tapos yun pa, dami ring hinabol na HAF. Kung alam mo lang Mr. T! Muntik ako maiyak dahil parang di ako makapaglax nun. Pumupunta ko sa office ng taxi and pag-uwi ko taxi rin dahil sa sobrang stress. Ayun, kanina nagpapicture picture na ko sa office. Si Ma’am Lei binigyan ako ng cake. Nagulat sila na last day ko na. Hindi man lang raw sila nakapagpadespedida. Sabi ko okay lang. Sa loob loob ko, matagal ko ng gustong umalis sa company na toh. Hahaha! Tapos yun, pinuntahan ko si Jamie, anak ni Mommy Jong para magbabay din and magpapicture! Weee… ayun Mr. T! Masaya naman ang lahat. Mamimiss ko ang HSBC and mga tao and paano nila ko tinrato dun. I don’t have plans of applying sa HSBC. Please lang. Hahaha!

Okay, huling hirit sa HSBC pictures. Goodluck naman kung makita niyo mga mukha namin sa liit ng pictures:

DSC00843 DSC00845
DSC00848 dsc00847

Sa pagtatapos ng araw, marami akong natutunan. Marami pa pala akong dapat malaman. Marami pa kong dapat intindihin at dapat pag-aralan. Pakikipagtao, paano kausapin iba’t ibang uri ng tao. Pagpapakaplastik. Pagpapakabibo. Pagiging masipag at tamad. Marami Mr. T! Sa lahat ng natutunan ko sa HSBC, dadalhin ko yun kahit san ako magpunta. Salamat sa ODD-HUB and sa mga empleyado nito. Salamat sa HSBC. And salamat sa HR na nagtiwala sa kin and pilit akong pinagtatrabaho sa HSBC. Ay good luck! Ayaw ko talaga! Hahaha! Salamat salamat. Salamat. I will be forever grateful naging part ako ng isang prestigious company like HSBC. Hanggang sa muli kong pagbalik. Babalik pa ko dahil kukuha pa ko ng certification at cheke! Hahaha!

So yun Mr. T! Umuulan buong araw. Kagigising ko lang pala at nanood ng I Love Betty la Fea. Hahaha! Hayz, ang lamig. Sarap mag-emote. At mag-eenroll na ko next week at magtatrabaho na ko sa Makati. So hanggang hindi pa ko graduate, trabahador muna ko ng aking mahal na kapatid. For sure, maraming benefits yun. Hahaha! Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya. Mwah! Mwah! Mwah!

Currently listening to: Never Had A Dream Come True by S Club 7
Currently feeling: dreamy
Posted by jjcobwebb on January 8, 2009 at 10:34 PM in Everyday Drama, OJT | 5 comment(s)

nytlyf (guest)

Comment posted on January 9th, 2009 at 10:05 AM
ang gara mo jacob! bagay pala sa'yo ang corporate look. hehe.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 9th, 2009 at 03:39 PM
nyaks! buti nga tapos na ko sa HSBC! Back to basura outfit ulit ako. Hahaha! talaga bagay? thanks. hahaha! feelingero amp!
Comment posted on January 9th, 2009 at 07:05 AM
oh my gooseneck! that's my daughter!!!

lam mo ba kung sino ang original author ng ME, YOU, US, etc??? si macky! ganun sila mag-usap ni jamie tas i-introduce ni jamie sakin tas si chu nahawa na rin! hahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 9th, 2009 at 03:42 PM
naku! daughter mo talaga ang HER! Naku! Si Macky pala nagpasimula niyan! Sayang, hindi Us masyadong nag-uusap. Hahaha!
Comment posted on January 8th, 2009 at 10:55 PM
ayan may pic na kayo ni jamie. si dong naman!! ahahahahaha!