Queens At Bollywood
Sushal ng name noh? Hahahaha! Just got home Mr. T! First labas naman for this year nina Barry and Rhitz. I did not go to OJT today. Hahaha! Sobrang ang sarap matulog kanina. Alam ko tamad ako pero alam mo yun. Ang traffic pa kanina. Tinamad talaga ko and tinuloy ko tulog ko. So yun, around 7PM nagkita-kita kami sa G4. Dala ni Barry gift niya na nasa cheap na plastic bag. Hahaha! Pero mukhang masarap yung regalo niya. Galing Baguio. Hahaha! Ayun, then umikot ikot muna naghanap ng makakainan. Gusto ni Barry, Japanese resto. Pero naman! Lagi na lang kaming Japanese resto kumakain. So sabi ko, ibang cuisine naman para masaya ang first gimmick namin of the year. Ayun, sa Greenbelt 3 kami nauwi. Sa Queens of Bollywood kami kumain. Indian restaurant. Grabe Mr. T! Ang anghang ng mga kinain namin kanina. Ang mahal din pala ng bill namin! Wahhh! So yun, si Barry naiyak na sa anghang. Si Rhitz kain pa rin. Ako nilamig na sa sobrang anghang. Grabe, buti na lang talaga hindi namin pinili yung extreme na anghang. Medium palang yung kinain namin ang anghang na. Tawa kami ng tawa habang kumakain. One thing though, masarap yung food sa resto pero ang tagal ng waiting time. Or dahil lamb yung inorder namin kaya natagalan sa pagseserve. Hmmm… the place was nice. So Indian. Cozy rin and I’ve been wanting to eat in that place nung una kong makita sa GB3 yun. So yun. Weird ng topic namin kanina mga Indians topic namin while waiting and eating. Hahaha! Tapos as usual, about business na naman pinag-usapan nina Barry and Rhitz ako oo na lang. Haha! Then yun, naubos din namin sa wakas yung super laki na lamb and mga super anghang na food. Pictures…
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Walang digicam kaming dala. Wahhh… pero buti may camera ang iPhone kahit bulok. Amp! Ubos na ubos ang aming mga kinain. As in nabundat ako sa kabusugan Mr. T! Grabe! Tawa ng tawa yung waitress dun sa min kasi anghang na anghang kami. Pero masarap talaga yung mga food. Kahit si Rhitz nag-order ng mga pagkain dahil tinatamad kami ni Barry magbasa. Si Barry nagserve and naghiwa ng mga pagkain. Hahaha! Parang nanay lang. Hahaha! Then yun, since super anghang yung mga kinain namin, naisipan namin maghanap ng makakainan ng dessert. Kung ano anong resto pumasok sa utak namin na pwedeng makainan ng dessert and napag-isipan namin na sa Manila Peninsula kami magdessert. O di ba bongga? Haha! Malayo ang pinagparkan nung dalawa. As in. Hahaha! Nasa GB3 kami and sa may Ascott sila nagPark. So nilakad na lang namin ang Manila Pen from GB3. Grabe Mr. T! Parang nung nasa Baguio lang kami ulit. Super lakad kami and tawid sa Ayala Ave! As in! Tapos ang hirap pa kasi sarado na mga underpass and ang hirap idetermine kung pwede kaming tumawid sa mga streets sa Makati. As in tawa kami ng tawa habang naglalakad kami. Fun fun fun. Para kaming mga batang pulubi sa Ayala Ave. Kanina. Dala dala pa namin yung regalo ni Barry. Hahaha! Basta sobrang naaliw ako Mr. T! At yun, nakapasok kami sa Manila Pen ng buhay! O di ba? Pero parang awa ng Diyos naman! Sarado na yung Bakeshop! Wahhhh… sayang ang effort naming tatlo. Pero okay lang. Natagtag ang aming kinain sa Queens At Bollywood. So yun Mr. T! Super lakad pabalik sa Ayala Center. Sabi namin sa Häagen-Dazs na lang kami kakain. Pero closed na rin, nauwi kami sa --- STARBUCKS! Nyeks. Ang corny lang. Hahaha!
![]() |
![]() |
Pero yun, nagcake kami ang kape. Kuwentuhan na naman. Tawanan. And then finally, around 11PM, naisip na naming umuwi. So yun, nilakad namin pabalik G4 and then si Rhitz sa kotse niya and then ako sumabay kay Barry. Grabe, namiss ko ang paglalakad namin! And nakita mo ba yung name ko kanina sa Starbucks Mr. T!? Hahahaha! Shet kung ano ano pangalan ko sa Starbucks! Hahahaha! Nakakaaliw. Hahaha! Anyways ayun. Masaya.
Feeling ko Mr. T! One of these days, makikita ko na lang mga damit ko nasa kalsada na. Itinapon na ng nanay ko sa sobrang bwisit sa kin. Hahaha! Grabe, sobrang weird eh. Hindi na ko hinahanap ng nanay ko. Namimiss ko na yung pagtetext niya ng: “Anong oras ka uuwi?” or “Uuwi ka ba?”. Namiss ko yan ha! Mas lalo kong namiss toh “Hoy, huwag ka ng umuwi!”. Hahaha! Shucks. Or okay lang sa kanyang gala ako ng gala dahil hindi naman ako nanghihingi ng pang-gala sa kanya lately? Hmmm… anyways mga funny moments kanina…
Nang madaan namin ang Zunic. Isang Slimming Spa:
Rhitz : Barry, tingin mo okay diyan…
Barry : Hindi eh. Nagtanong na ko…
Rhitz : Aw talaga? Anong sabi?
Barry : Mahal kasi eh pero mukhang okay…
Rhitz : Ah kala ko naman sabi sa yo hopeless ka na. Hahahaha…
Sa kotse. Nasa EDSA. Pauwi na kami ni Barry…
Barry : Grabe. Parang hindi EDSA toh. Baket walang kotse?
Jacob : Ano ka ba! Nasa parallel universe tayo kaya ganito! Hahaha!
Barry : Talaga? May boyfriend kaya ako dito?
*may dumaan na sushal na sasakyan…*
Jacob : Ayun oh! Kotse ng boyfriend mo! Dali habulin natin! Hahaha!
Barry : Ay, oo nga! Hahahaha! *binilisan ang pagdadrive*
And baliw pa rin kaming 3 until now. Parang bata pa rin kami grabe! Hahahaha! And I feel so nice. :-) Buti na lang may mga kaibigan noh Mr. T!? Sa mundong wala ka ng jowa tapos wala ka pang kaibigan, paano ka na lang mabubuhay? Hahahaha! Consequence siguro ng maraming kaibigan toh Mr. T!, walang jowa! Hahahaha! At promise. Papasok na ko sa OJT mamaya/bukas. Good night Mr. T! Update you soon! :-) At sana nagshisha kami kanina! Next time...
coffeecat

jong

princesscha

pwede ka ng magpaakyat ng ligaw sa bahay girl! ahahahahaha!