Parang sobrang laking issue na nagBed ako kaninang madaling araw. I even got this text message:

"Pwede ka naman mag-Ascend, Embassy, Warehouse, Bigfish, Elbow. Baket dun pa ngayong alam mo naman kung anong meron dun?"

Grabe, linawin ko lang sarili ko ha para sa mga hindi nakakakilala ng lubusan sa kin. Nagsayaw lang ako kagabi sa Bed. Period. Wala akong planong makipagkilala sa mga tao. Wala kong planong lumandi at bumooking at kung ano pang kahalayang naiisip ng ibang tao na nangyayari sa loob ng Bed. I wanted to dance that’s it. Sobrang tagal ko ng hindi nakasayaw ng ganun. Last kong sumayaw na parang ako lang ang tao sa mundo eh nung second year college pa ko. Wala namang masama kung sumayaw ako. May pinagbigyan ba ko ng number ko? Wala. May hinalikan ba ko? Wala. May pinagholding hands or niyakap ba ko? Wala. Sumayaw lang ako. At kung naiba pagtingin niyo sa kin dahil pumunta ko sa ganung lugar, okay fine. Kebs. Ang alam ko wala naman akong ginawang masama sa loob. Okay?

Sorry Mr. T! ang panget ng intro ko sa entry na toh. Ang hirap magpaliwanag ng sarili ha. Pero kebs lang. Opinion ng mga tao yun. I know myself better than them. So yun…

Around 3:30pm nagkita-kita kami nina Aubs and Deck sa Virramall. Gimmick day namin kasi ngayon dahil napag-usapan na ngayong araw kami lalabas. So yun, kumain muna silang dalawa sa Virra and then nag-ikot ikot habang hinihintay si Matty, Tin and Ivan. Grabe, nung papunta kaming The Shops, may napatid akong bata, naku, nadapa sa sahig and sabog ata yung bibig. Hindi ko kasalanan yun, nasa likod ko yung bata and malay ko ba na andun siya di ba Mr. T? Then yun, we finally decided na sa Trinoma na magkita-kita. So kaming 3 sumakay sa MRT Santolan station papuntang North. Then yun, may SIOMAI HOUSE sa Trinoma! OMG di ba? Sooobrang tagal ko ng di nakakain ng SIOMAI HOUSE Mr. T! So lumamon muna ko and yung dalawa naghintay. After eating, ikot ikot. Then si Matty dumating na. Then ikot-ikot while waiting for Tin and Ivan. And finally, they arrived. Padinner na. O di ba? Hinintay pa kasi nila yung kotse para magamit nila. Then yun, naghanapan ng makakainan. Sa Abe kami napunta and dun na rin kami kumain. Natawa ako sa sinabi ni Tin na ang drama ng tagline ng Abe --- “Where Good Friends Dine”. Ang drama raw! Hahaha! Tapos natawa rin ako sa nadaanan naming pet store, “Pussies and Bitches”. Sabi ko gagawa rin ako ng petshop ko, pangalan naman “Birds and Cocks”. Hahaha! Aliw aliw! Wala na naman akong magawa sa buhay. So yun nga sa Abe kami kumain, so, pictures…

DSC00754

DSC00726 DSC00731
DSC00741  DSC00752

So yun. Puros kwentuhan. Tawanan. About sa job nina Deck and Aubrey. Sa thesis nina Deck. Sa job hunting ni Matty. Yung job interview ni Matty sa Oracle. Sa kung anu ano. Then si Tin dapat magbabayad ng lahat pero nakihati ako. Sayang baket ba kasi ako nagmayaman! Kala ko kasi hati hati eh. Hahaha! So yun, after eating. Naisipan namin na sa Katipunan mag dessert. Ivan drove. So yun, sa Banapple dapat kaso hindi nakaliko sa Ivan sa UP nung papunta kaming Katipunan. Hahaha! Habang umiihi si Matty and Aubrey sa KFC dun sa may Commonwealth, medyo napa-isip kami kung san na lang mas okay magdessert. Since si Tin bibili ng mga series, sabi niya Metrowalk. So ayun. NagMetrowalk na lang kami. Na mas malayo! Amp! Pumasok kami dun sa sex shop and kung ano ano kinuting-ting namin dun habang naghahanap ng DVD’s na series yung dalawa sa mall ng Metrowalk. So yun, afterwards medyo nagpicturan muna kaming 4 habang hinihintay yung dalawa. Then kumain kaming lahat sa Icebergs.

DSC00758 DSC00757
DSC00775 DSC00774

After eating, dali dali kaming umalis dahil alas-diyes na at si Matty and Deck taga Paranaque and Las Pinas pa respectively. So yun, binaba kami ni Ivan sa Galleria. Kaming 3 nina Deck and Matty. Si Aubs kina Tin matutulog. Dapat sasama ko kina Tin sa bahay nila kaso wahhh… may OJT na naman ako bukas Mr. T! Final week ko na sa HSBC. And I’m excited. Bum life, here I come. At eto lang yung time since August na nakalabas kaming buo kami Mr. T! Hayz, namiss ko tong mga panget na toh! Hahaha! I love you guys! At hoy Aubrey! Siguraduhing mong nasa guest list ako sa Saturday ha! Wah! Hahaha! Ineexpect ko yan! Haha!  :-)

Currently listening to: Hello Goodbye by The Beatles
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on January 4, 2009 at 11:58 PM in Everyday Drama, Malling, Food and Dining | 5 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

deck (guest)

Comment posted on January 10th, 2009 at 09:15 PM
hindi issue yung nag bed ka... yung mga "friction" na nagyari habang sumasayaw kayo...

ei sorry... di tuloy yung emba, di kami tumuloy ni aubs... hehehe!

jokefan (guest)

Comment posted on January 6th, 2009 at 06:57 PM
Anong masama sa pagpunta sa Bed? Di ko gets. Napacomment tuloy ako. Ehehehe

aubs (guest)

Comment posted on January 5th, 2009 at 07:20 PM
haha buti maayos ang mga pics na anjan.:) awww ang shonget nga ng intro mo anu behr.

nytlyf (guest)

Comment posted on January 5th, 2009 at 07:02 PM
ganyan pala itsura ng abe. hmm, nakakain ka ng mga exotic food nila? see you soon! malapit na!!!

Josh (guest)

Comment posted on January 5th, 2009 at 12:52 PM
"Wala namang masama kung sumayaw ako. May pinagbigyan ba ko ng number ko? Wala. May hinalikan ba ko? Wala. May pinagholding hands or niyakap ba ko? Wala. Sumayaw lang ako. At kung naiba pagtingin niyo sa kin dahil pumunta ko sa ganung lugar, okay fine. Kebs. Ang alam ko wala naman akong ginawang masama sa loob. Okay?"

"Though may mga nanghawak ng aking manhood, shinoshove ko agad kamay"

: point is binastos ka, yun cguro ang dahilan kung bakit nagtext sya sau ng ganun. :)