All The Single Gaydies
Okay, disclaimer, para sa taong, nasira ko na naman ang tiwala sa kin, sorry. Ayan, nagsosorry na ko. Buong puso akong humihingi ng tawad kung nabreak ko na naman trust mo sa kin. At kung kilala mo sarili mo, oo ikaw yun. Sorry ulit. It's not because nagBed ako yesterday, but because of something I promised that I won't do this year. It has nothing to do with me going to places like that. Hindi yun. Basta alam mo na yun. Alam mo na rin kung sino yun. Hays… sorry ulit.
Went to Tom's house warming yesterday sa may Katipunan. Pero dumaan muna kong Centerpoint para bumili ng ireregalo. Then tumuloy na sa condo ni Tom. Ayun, medyo natulog ako muna dun dahil super antok ako. Then dumating din mga friends niya. May videoke, may inuman at siyempre may kainan. Medyo nahigh ako kahapon Mr. T! At alam mo namang gustong gusto kong sumayaw since the start of the year. And so, to cut everything short, nag Bed ako kasama si Tom and other friends. Pero may mga pics sa phone ko. Si Tom ata nagpicture. Pero nagMcDo kami before umaliw papuntang Malate. Sobrang wala akong matandaan paano kami napuntang McDo. Shet…
![]() |
![]() |
Ayun, last year hindi ko na sinulat online nung nagBed ako with the same people. Weird kasi nung entry na yun. Baka may makabasa rin and kung ano ano na naman sabihin sa mga opinion ko. So yun, I really wanted to dance last night yun lang. Actually kahit san mo kong daling bar kahapon basta malakas ang tugtog at may mga kumukurap na ilaw eh sasayaw ako. Eh nagkataong puros bakla ang Bed. So mga bakla kasayaw ko kahapon. Tapos may kasama kaming friend naghahanap ng prospect sa Bed. Good luck lang naman talaga. Ayoko na magcomment. Sa totoo lang ang dami kong nakasayaw kagabi. As in. Kung gang-rape yung pagsasayaw kagabi, naku, luray-luray na ko! Hahaha! Pero it was really fun dancing. Wala kong pake kung sino yung kasayaw ko wag lang nila ko babastusin. Though may mga nanghawak ng aking manhood, shinoshove ko agad kamay nila sabay sabi...
"Oist! Huwag OA! Nagsasayaw tayo hindi tayo nagsesex"
Imagine napasayaw ako sa stage sa sobrang gusto ko magsayaw. Amp! Anyways ayun, sobrang sinungaling ko kagabi Mr. T! Grabe! Puta! Hahaha! Sa lahat ng nagbigay ng pangalan at nanghingi ng number sa kin, wala akong naalala at wala akong pinagbigyan ng number. Grabe talaga. I just danced. Yun lang ginawa ko. Malay ko bang maraming mahuhumaling sa aking kagandahan! Hahaha! Joke! Seriously, ang dami nga! Wahhh! Tapos may mga gusto humalik! Musta naman noh! Kadiri lang makipaghalikan ka dun sa ganung lugar! Baka makahalikan ko pa yung nagkulay ng buhok ko! Tambay raw kasi yung nagkulay ng buhok ko sa Bed eh! Hahaha! Kaloka lang! Ayun, sa dami ng umaaura sa kin kagabi, ang sabi nga ni Tom nung nagkatitigan kami...
"Grabe, Jacob, maganda ka talaga..."
Wala pa kong make-up niyan kagabi! Hahaha! Paano na lang kung nakamake up? Hahaha! Joke! Bigla akong nagising sa katotohanan na iniwan na ko ng mga kasama ko nung nakikisayaw ako kung kani-kanino nung napaso ako nung putang inang spotlight sa sahig. Take note! May kumuha pa ng picture ko! Artista? Hahaha! Pero fun magsayaw. Then ayun, nung napaso ako, nahanap ko si Tom, sabi ko lumabas muna kami dahil super exhausted na ko. Ang init sa loob Mr. T! Siguro kung hindi ako lumabas nun hinimatay ako sa loob. Then nagMinistop kami ni Tom. Humugot ng powers then bumalik na ulit sa loob. Pero grabe, ang dami ko palang kilalang bakla. Hahaha! Shet! Ang dami kong nakasalubong na kilala. Wah! Ayun, grabe, nakakasuffocate yung Bed tae. Pero go! Sayaw pa rin! Hahaha! Then nakita ko pa si Tompating! Weeee... nagulat siya sinayawan ko siya! Ayun nakakaaliw parang super hug kami in fairness namiss ko si Tompating! Nahiya ako sinayawan ko may kadate pala siya! Hahaha! Pero fun fun fun. And sobrang familiar nung kadate niya. Hindi ko alam kung san ko nakita yun. Then yun, sayang, yung isa naming friend, yung prospect niya may partner na. Then ayun may mga nagpakilala pa at nagsinungaling na naman ako. Kung ako si Pinocchio kagabi grabe, sobrang haba na ng ilong ko at may nest na! Hahaha! Then nawawala isa naming friend. Sabi ko sa isang friend na kasama namin...
"Asan na ba siya?"
"Naku, ganun yun! Kunwari di naghahanap pero everytime kami napupunta dito nagsosolo. Malandi rin..."
"Labas na tayo itext na lang natin"
Ooops, I didn't say that. Yung isang friend nagsabi nun! Anyways, 48 years kaming naghintay tatlo para sa isa pa naming friend na bumubooking pa yata sa loob kanina. Pati dun sa labas may mga kumakausap pa sa kin habang hinihintay yung kaibigan naming lumalandi sa loob! Haha! Ampness! Wala na ko sa mood nun makipaglokohan dahil ang sakit na ng ulo ko and gutom na ko and may tama pa rina ko kagabi. Pagkalabas ni friend...
"Asan ba kayo, hindi ko na kayo mahanap sa loob..."
Ang sarap niya hiritan kagabi ng ganito:
"Bakla ka! Nagsolo ka! Hindi naman kami umalis sa lugar namin andun kami the whole time bago lumabas! Kunwari ka pang di mo kami mahanap! Malandi ka! Amp!"
Oo maldito talaga ako Mr. T! Hahaha! Nakakainis lang. Pero the night was fun. Ang sarap sumayaw. Yun lang masasabi ko. Ang sarap sumayaw. Then ayun, may mga kakilala pa sa Obar na pinuntahan para igreet sila. Ang dami ko pala talaga kilalang bakla Mr. T! Goodness! I've never been that visible in Nakpil-Orasa before. Kaninang madaling araw lang. Kita ko kung sino sino! Pati si Wek! Yikeee! Hahaha! Joke. Kasama niya dapat si Mike Mr. T! Sayang naman sana nakasayaw ko si Mike kanina! At para sa mga nagpakilala kagabi, grabe, wala kong natandaang pangalan sa inyo! Puta! Hahaha! Sorry wala kong pake kung sino kayo kagabi. I just wanted to dance.
Then kumain sa Ministop ulit. Grabe, pati sa Ministop may kilala ko. They're somebody from the past. At wow lang, fubu na raw sila ngayon! Pero ang sweet na fubu nagdadate ha! Hahaha! So sa labas ako ng Ministop kumain and kinausap sila. Then ayun, we had to leave na dahil anong oras na naman di ba? So yun. Hinatid yung isa naming friend sa car niya then kaming 3 ni Tom and yung isa naming friend sa Katipunan bumaba. Ewan ko what happened next. Tulog na ko sa cab the whole time. Then kinuha ko na mga gamit kong iniwan sa bahay ni Tom and umuwi na ko dahil alas-6 na ng umaga!
Lord! Sabay pagkabukas ko ng pinto sa bahay nagring ang phone. Shet! Ang aga aga si kuya tumatawag! Goodness! Kunwari kagigising boses yung ginamit ko sa phone. O di ba? Buti na lang nakapambahay na ko nung nakita ko ni Mama nung kinausap niya si kuya. Tinanong ako kung anong oras ako umuwi...
"Ang aga mo magising. Anong oras ka umuwi?"
"Kanina pang 1:30 ng umaga..."
O di ba sinungaling na bata? Speaking of bata, exaj yung mga taong nagsabing mukha akong 18 years old kagabi. Sobra bang ganun kababy face ako Mr. T! That's why people don't take me seriously? Hmmm... and ang sarap kausap nung isa naming friend Mr. T! Nakakatuwa siya kausap. Ang dami ko ngang tinanong sa kanya kagabi na kung anu ano. And yes, iba iba talaga ang tao Mr. T! Some have some, some have most. Mag maiging nasa gitna ka lang palagi. No pun intended.
Just an afterthought, mapanghusga na ang mapanghusga pero hindi ako makakahanap ng jowa sa ganung lugar. Tulad nga pinag-uusapan namin ni Tom, parang may mga nakalagay na STD sa mga noo ng tao sa loob ng Bed. I just find it weird that people really go there to find relationships. Meaningful ones. Matatanggap ko kung gusto lang ng mga tao magsayaw or maghook-up sa ganoong lugar. I’ll still stand sa pinaniniwalaan ko na 5/100 ang matino sa loob ng bar na yun. Tulad ng sabi ni isang friend na sinagot ko naman…
“Ako kasi sinusuyod ko eh…”
“Ano sila kuto? Hahahaha…”
Maybe it’s just me. Blog ko toh pwede kong sabihin lang ng gusto kong sabihin. It’s not the life that I want. It’s not me. I just really wanted to dance last night that’s it. Siguro may STD na label ring nakikita sa noo ko yung mga taong who feel the same way sa nararamdaman ko about sa mga tao sa loob kasi nasa loob din ako. Kanya kanyang opinion lang yan Mr. T! Ang aking future jowa ay hindi ko makikilala sa ganung lugar. Not there. It will not be there. Hahaha! Bigla ko namang naisip kung san ko makikilala future jowa ko! Hahaha! Hay kinilig na naman ako! Tsk! Basta, everybody is searching for that something. Mapasex man or good time or inom or landian or sayaw. Mahahanap yang mga bagay na yan sa loob ng lugar na yun. Relationship? Errrr… no. Hey! It’s just me talking! Hindi talaga sorry. Minsan iniisip ko kung may life-cycle ang relasyon ng mga nagkakakilala dun. Parang ganito:
Sayaw > Inom > Yosi > Get to know > Palit number > Text text > Sex sex > Date date > On on > Break > Bar ulit > Hanap ulit
Bonggang bongga noh? May matino pa ba diyan? Hello?!?!? Rescue me please! Haha!
So yun, Mr. T! I really danced the night away. Masaya naman kagabi kahit sobrang sakit na ng ulo ko. Thanks guys. And yeah, that’s my first and last visit in Bed this year. I don’t have plans of returning this year. Promise Mr. T! :-)
Sige sige Mr. T! Kagigising ko lang actually. In 1 hour lalayas na naman ako. Grabe para na kong border dito sa bahay! Hahaha! Update you soon Mr. T! :-)