Funny Open Party
Kauuwi ko lang. It was a fun night Mr. T! A happy night. Ewan ko, sobrang saya kasi ang daming nakakatawang nangyari kanina. Ang dami ring compliments na natanggap ko. Ang dami ring mga funny stories kanina. Start na ko ng aking kwento...
Grabe, sobrang alas-dose na ko ng tanghali nagising kanina Mr. T! Hays... January 2, death anniversary ni Nanay. Lola ko sa mother side Mr. T! Pinapunta kami ni Mama, kasama pinsan ko na si Marco sa sementeryo para maglagay and magtirik ng kandila. Around 6pm na kami nakapunta sa sementeryo so nagmamadali talaga kami dahil didilim na. At takot na tako ako. Haha! Then yun, pagkalabas namin ng sementeryo, nakasalubong namin sina Cathy, Tita Lourdes and yung dalawang kasambahay namin. Ayun, bibisita rin. Naglagay rin sila ng bulaklak and ayun, sabay sabay na kaming umuwi.
Habang naka-online, nakapagkwentuhan kami ni Karol ng kung anu-ano. Hindi dapat kami pupunta sa PKK reunion. Pero dahil sinabi si Karol na bagay na kina-alarm ko, hinila ko siya papuntang PKK reunion. So yun, sinundo ko si Karol sa bahay nila bandang 8:30pm na. Then tumuloy kami sa GB5. Ayun, ang mga PKK friends nasa John & Yoko. Then ayun, kwentuhan, kainan, kulitin. After ilang years lang kasi ulit nagkita-kita mga tao kanina eh. So yun, fun part is, andun mga kaclose ko, si Wilmer, Aris, KRV and Karol. Yung ibang peeps di ko na imemention dahil never pa sila nag-appear sa blog ko so let's hide their identity. Ayun. Nakakatuwa Mr. T! Tawanan kami ng tawanan and kuwentuhan kami ng kuwentuhan. Then we headed sa Damaso para magdessert. Ayun, kwentuhan pa rin then tawanan then picturan. Wala kong dalang cam sa yang. I'll upload pics as soon as makuha ko kay Wilmer or may magpost na sa Facebook ng mga pictures. It was fun fun fun. Then, ayun, may party na aattenan si Karol sa Corinthian Garden and hinihila niya ko. Though kilala ko naman yung magpaparty, hindi ako nainvite. Pero sabi ni Karol open party raw. Pero pinag-isipan kong mabuti na hindi na ko tutuloy. After eating sa Damaso, nagbabay na kami sa isa't isa then ako sumabay kay Wilmer pauwi. Si KRV din. Si Karol din. Ayun, magpapababa si Karol sa Corinthian kay Wilmer. So ayun ang saya sa loob ng kotse.
Hindi nababa si KRV sa Ortigas. Meaning, pati kami tuloy natuloy sa Corinthian. Kilala naman namin lahat yung nagpaparty pero hindi talaga namin feel. So yun, sabi ni Wilmer sisilip lang kami sa party. Kaso, napaparty kami ng medyo nung pagsilip namin. Parang XS 04 reunion lang grabe kanina. Hahaha! Ang fun. Actually, bigla akong gusto sumayaw nung pagpasok ko sa clubhouse ng Corinthian. Ayun, tawa kami ng tawa ni Wilmer. Si Karol, may sariling mundo, super friendly kasi. So pumasok na rin si KRV sa clubhouse. So yun, hug hug ng mga tao. Beso beso. Kaplastikan. Hahaha! Kumustahan. Shake hands shake hands. Sushalan. Then sabi ni Wilmer alis na kami. So go. Pero naharang kami sa labas. Yung mga taong di namin feel, nasa labas. So yun, medyo hi hello lang ang drama kanina sa labas nung clubhouse. Then may nakita si Wilmer na friend. So bumaba ulit kami ng kotse. Dun nagsimula ang kasiyahan. Hahaha! Medyo tumagal pa kami ng 30 minutes sa labas. Super tawa ko ng tawa para akong high kanina. Si KRV rin super tawa lang sa kin dahil sira ulo raw talaga ako. Basta may super lasing kasi sa labas and pinagtitripan ko. Hahaha! Ayun, then time to go na talaga, bye bye na sa mga tao and tinapos na namin pakikipagplastikan at ang aking kabaliwan. Ay may mga yucky people pala dun sa party! Hahaha! So yun Mr. T!, si Aris sumabay sa min palabas ng Corinthian dahil may pupuntahan pa raw siya sa Greenbelt. So ayun, si Wilmer hinatid kaming 3 nina KRV, Aris at ako. And eto ngayon, nag-uupdate ako Mr. T! Sige sige Mr. T! Update you soon okay? Ang saya pota! Hahaha!
jong

namiss ko magbasa ng mga kwento mo, girl... :)