The Emancipation of Ryanini
Related Entry:
- Tagaytay With Ryanini – Posted April 19, 2008
After more than 8 months, nagkita ulit kami ni Ryanini. Sa Tabulas ko rin nakilala si Ryan. At grabe, iba na si Ryan ngayon. Hahaha! Ibang level na rin siya. Nabaligtad ang mundo. Pero masaya ko dahil friends pa rin kami. Hindi siya nanatiling online friend. Haha! Ayun, nagtext si Ryan kahapon kung may gagawin ako ngayon. Hindi muna ko nagreply kasi sinigurado kong wala kaming lakad magpapamilya. So wala. So sige, I said yes na. Ayun, sabi ko sa Greenhills na lang. Ang saya, nakabili ako ng DVD ng Dreamgirls! Weeee… ang mura kasi. Grabe, puros musicals ang DVD ko ngayon ko lang napansin. So gay! Sabi nga ni Ryan nung pagkapakita ko ng DVD “So gay” --- kebs di? Sinong hindi? Haha!
Ayun, naghanap ng makakainan. Pero since kumain na pala kami ng dinner dalawa, naghanap kami ng place para mag-usap ng bonggang bongga. Catch up kung baga. Ayun, naloka si Ryan kasi bago kami pumasok ng Promenade, nakasalubong namin sina Joseph, Gavin and others. Magkakabarkada na pala ang mga bakla. Hahaha… so sabi ni Ryan:
“Uy, di ba siya yung…”
“Oo tama na! Hahaha!”
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Awkward lang. Hahaha! Pero GH yun so mga bakla ng Xavier for sure present if not. At gaya ng napag-usapan namin ni Ryan, sobrang wide na ng gay network ko. Grabe. At wala pa rin akong jowa! Hahaha! So yun, lakad lakad. Una Starbucks ang option, naging Cheesecake Etc., naging Bizu hanggang napadpad kami sa Krispy Kreme.
Sa 8 months kaming hindi nagkita ni Ryan, ang dami niyang kuwento as in. Ako, gulat na gulat pero nakasmile sa mga kwento niya. Umikot ata ang mundo Mr. T! Yung mga sinasabi ko kay Ryan last time kami nagkita ngayon sinasabi niya na sa kin. Pero masaya ko for Ryan. Really. Kasi last time ko siyang nakita hindi siya ganun kabubbly and all and landi. Haha! *wink*. I like it when people open themselves up to me na parang wala silang tinatago. Masarap ang feeling. Nakikita mo gaano sila katotoo. It makes me feel nice. I feel nice about them too. And yeah, nakakatuwa. Ayun nga sabi ni Ryan:
“It’s our choice to be happy”
“Sinasabi ko rin yan sa sarili ko. Hahaha!”
Oo nga, ilang beses ko na yan sinasabi sa sarili ko. Haha! And it was a nice night Mr. T! Naglakad ulit kami ulit sa may Promenade, and ilang beses ko nakasalubong yung guy na hindi ko matandaan yung name. Grabe. Babatiin ko sana. Amp! Anyways, ayun. Nakakatuwa. Mr. T! I’m happy for Ryan. Sana ako rin maging happy na para sa sarili ko! Hahaha!