Laguna Hot Spring 2008
Hello Mr. T! Sira ang phone. Tsk. Walang DSL. Tsk. Nakikinakaw lang ako ng Wifi kanina pa. Tsk. Anyways, nagLaguna kahapon. Sa Laguna Hot Spring. Isang taon na pala kami hindi nakapunta dito. Dapat Star City with Mike and friends ako kahapon eh pero siyempre mas pipiliin ko pamilya ko. Kasama si Lola, sit Toochie alalay ni Lola, Si Tito Fredie, Tita Beth and Family, Manag Luz. Ayun, masaya. Then kumain sa Greenhills afterwards. :-) Grabe, tawa kami ng tawa sa van dahil sa mga kwento ni Tito Fredie at Lola. Grabe, naiiyak ako sa kakatawa. The best! Sobrang antok ako kahapon kasuwimming at nakatulog agad ako pagkauwi. So anyways, eto ang pictures, mukhang madumi yung tubig talaga pero malinis siya. Red yung bato kaya may illusion na murky yung water. Pero malinis siya. :-)
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Sayang lang pagkaalis namin may nagdatingan na mga hot na Amerikano. Hahaha! Sana hindi pa kami umalis agad! Haha! At Grabe, wala akong ka-age range kahapon. Hahaha! Nung kumakain sa Masuki ako grabe parang ang tanda ko kaharap mga pinsan and pamangkin ko. Shet! Ano ba yan! At kung baket may pang snorkeling apparatus kaming dala, kasi, ang daming isda sa ilalim nung hot spring. Tapos may isang part sa hot spring kung san kinakagat ng mga isda yung paa ng mga tao. And they love it. Ako, nakikiliti. Hahaha! Pantagal dead skin raw. Kumusta naman talaga!
I can’t wait til New Year and may reunion na naman daw ulit kami sa Marikina. Bubuhayin daw yung tradition sabi ni Tito Fredie kahit wala na si Tito Boy and Tita Nita. Hmmm… sige yun muna Mr. T! Update you soon. Grabe, 2009 na in 2 days. Ang bilis…