Jacob Is Subtle Bliss
Inspired tong entry na toh sa entry ni Mommy Jong.
Ayun nga, ang mahiwagang tanong: Baket nga ba ako nagboblog???
Nagka Live Journal ako. Nagka Xanga rin ako. Pero hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng blog nun. Hahaha! Meron akong Mariah Carey website before. Inuupdate ko araw araw yun. Ang dami ko rin naging friends around the world. Pero yung website ko na yun, na tinawag kong Mariahscape, iniwan ko na nung 2003. Try niyong isearch ang "Mariahscape" sa Google baka lumabas pa. Ayoko na isearch baka simulan ko ulit eh! Hahaha! Ayun ang una kong encounter sa pagboblog. Blogging na pala ang tawag dun. Sa araw araw kong pag-uupdate ng website na yun from 2001-2003, pagboblog na pala yun. Hindi ko lang alam. So dun nagsimula ang aking pagboblog.
Si JM. High school classmate ko, may site siya na lagi niyang status sa YM niya before. After college na toh Mr. T!, so clinick ko. Napunta ko sa site na toh. CLICK HERE DALI! Hahaha! Nagandahan ako. Ang ganda ng design. Clinick ko yung link ng Tabulas. Nagsign up ako. Sabi ko, baket iba yung template ko? Kay JM maganda? So ako, may knowledge naman ako sa pagdedesign ng website, I created my own template. Actually, mas una akong gumawa ng template kesa gumawa ng isang entry. Hahaha! Pagkasign up na pagkasign up ako gumawa agad ako ng template para sa blog. And dun na nagsimula ang aking buhay sa Tabulas. Ang pag eevolve ni Tabulas, to Mr. Tabulas hanggang maging Mr. T! May entry ako sa evolution ng aking blog. CLICK HERE ULIT DALI! Hahaha! At ngayon ko lang nalaman may mga theme rin halos bawat year sa blog ko. May Multiply blog ako. Pero bihira ko iupdate yun kasi halos lahat ng contacts ko sa Multiply ko. Masyadong nakabroadcast kung dun ako magboblog. Mga tamang pacute lang pinopost ko dun haha! May Wordpress din ako. Pero bihira ko iupdate. At super private lang talaga yung Wordpress ko. Ayoko mabasa ng specific people mga nakalagay dun.
2004. So yun, since hindi pa kami DSL nun, bihira ko iupdate Tabulas. So parang, mga early days ko dito sa Tabulas, parang mga memorable memories lang nilalagay ko. Actually, ganun nga nangyari. Pagbinabasa ko siya, mga memorable nga lang talaga nilalagay ko nung una.
Until 2005. Ang dami kong naging entry nung 2005. Iba random, iba memorable, iba mga wala lang. Parang naging imaginary friend ko tong blog ko nun dahil kakashift ko lang nun Mr. T! At most of the time nasa COMLAB ako nun. Kaharap ang PC at loner. Mahahaba break ko nun. So, update na lang ng blog. So, inuupdate ko ang aking blog na parang walang bukas. Until natuto na rin akong magpost ng mga pics para masaya pagbinabasa ko ang mga entries. At kung may nagbabasa naman, masiyahan ang mga readers noon. Parang naging kaibigan ko tong blog ko. Kasi nasasabi ko kahit ano dito. Nahanap ko isang lugar sa mundo kung san puwede akong maging ako. Puwede ko ilabas mga nasa isip ko. Kahit sobrang walang kuwenta, kahit walang saysay, nasalamin nitong blog na to mga laman ng utak ko. Naging saksi rin siya sa mga naganap sa aking buhay. Sa College mostly. Saksi rin siya nung una akong umibig at naheartbroken. Haha!
2006. Puros mga nangyari lang sa buhay ko nasulat ko. Puro kadramahan. Hahaha! Puros mga tula and kanta na naisulat ko ang mga lumalabas sa blog ko noon Mr. T! Naging paraan ko ang blog noon para makalimot sa mga bagay. At mostly talaga, laman ng blog ko noon about sa aming 4 nina Rhitz, Barry and Jeffrey. Ayon, nga sa kanila, semi-blog na rin nila tong blog ko Mr. T! Bawat detalye kinukwento ko. Mga nararamdaman ko. Mga bagay bagay na hindi ko naman karaniwan nalalaman ng mga tao about me. Nalalaman. Naiikukuwento ko. Napaparating ko gusto ko sabihin ng mas malinaw. Halos lahat ng nangyari sa school sa kin nun, nakatala. Wala kang mababasa about love life sa mga 2006 entries ko Mr. T! Everything was about my friends, school, family etc. 2006 was about me getting over. And about my friends. :-)
2007. Naging sobrang active ako magblog like never before. One reason. Para inggitin si Jeffrey sa mga nangyayari sa min nina Rhitz and Barry. Yung time na yun, nung ginalit kami ni Jeffrey, lagi akong nag-uupdate ng mga lakad namin nina Rhitz. Mga masasayang moments and all. Hahaha! Dito na rin dumating mga ka-emotan ko sa school. Hahaha! At nabasa na ng kuya ko tong blog na toh! Naging regular reader! Shet! Nahiya ako nung dahil bawat details sa blog ko nun binabasa ng kuya ko. Tinatanong sa kin sa phone. Marami akong kuwento nung 2007. Hindi lahat masaya. Hindi lahat malungkot. Sobrang halo. Narealize ko, erratic ang aking pagkatao. Hahaha! Oo, baliw ako! Hahaha!
2008. Naging memory dump site ang aking blog. I updated like crazy. Ayoko muna balikan tong taon na toh baka tumambling ako pag binalikan ko. Wag muna. Pero naging memory dump site ang aking blog. Naging parang reflection paper na rin. Isang sign atang may natutunan na ko sa life. Natuto na rin akong kumita sa internet ngayong taon na toh. Yep, in 3 months, last summer, naka ipon ako ng $500 online. Madalang ngayon mga Reviews sa internet. Or dahil hindi ko maaccess sa office yung mga Review sites. Anyways, may pera sa pagboblog. Hahaha! Ayoko muna iexplain ang 2008 dahil gusto ko muna tapusin tong taon na toh. Ayoko muna magtuklap ng mga natuyong sugat! Baka basa pa yung ilalim. Drama shet! Hahaha! But actually, masaya ang 2008.
At sana sa 2009, marami pa ang maganap na kablogblog. At imamaximize ko na ang aking blog. Memory dump site, mga surveys, mga online test, mga random stuff, mga clippings sa internet, mga pictures, reflection paper, term paper, thesis paper, research paper, composition paper at lahat ng uri ng paper itatry ko sa blog ko. Hahaha! At sana talaga, hinihintay ko ang time na magkaroon ng leading man tong blog na toh! Hahaha! Lagi na lang kasawian nakukuwento ko kay Mr. T! Eh. I want a love story to happen on this blog. I hope. 2004 ko pa hinihiling yun ah! Hahaha! Shet eto na naman ako! Hahaha! BELAT! ;-P
At parang hindi ko sinagot yung tanong. So baket nga ba talaga? Baket ako nagboblog? Eto na sige na, derechuhin ko na. Dami kong pasikot sikot. Hahaha!
Nagboblog ako kasi masarap ilabas mga saloobin ko sa blog. Nararamdaman ko na somewhere out there may mga taong nararamdaman nararamdaman ko and if ever nakadaan sila sa blog ko, makikisimpatiya sila. Masarap ang feeling ng binabasa mo ang mga nangyari sa nakaraan. It brings back a lot of memories. Kahit masakit man or masaya yung entry, mapapasmile ka na lang dahil minsan may natutunan ka dun sa mga nangyari. Nilalabas ko ang totoo kong pagkatao sa blog ko. Marami na nagsabi sa kin niyan. Nirereflect ng blog ko raw kung anong klaseng tao talaga ako at kung sino talaga ko. May isang topic lang namang hindi tinoutouch ang blog ko eh. Hahaha! Malamang wholesome tong blog ko! Given na kung ano yun. Kung ano man yun, I can't talk about it in public, sa mga private entries puwede. Baka pagmay nakabasa nun, masuka. Haha! Joking aside, I have been told a lot of times, mapakatotoo ng blog ko. Nakikita nila yung Jacob na hindi nila masyadong kilala. And I agree. Dito ko nalalabas lahat lahat (almost), ng mga gusto kong ipahayag, ikwento, iparating, ipadama, ipabasa sa mga tao. Marami rin kasi akong nakilalang tao sa pagboblog ko. Nakikigulo sila sa king mga entries. And I love it! Haha!
At higit sa lahat, nagboblog ako, hindi para sa ibang tao, pero para sa sarili ko. Gusto ko kasi kunwari mga 65 years old na ko, pwede kong balikan tong blog na toh and sariwain mga nangyari sa kin. I'm looking forward to that day kung buhay pa ko nun. Pero hindi ko rin pinuput aside mga nagbabasa ng blog ko. Tulad na lang ng naka-usap ko kagabi sa YM. Since 2004 pa pala niya binabasa tong blog ko. Nakakatuwa na nakakahiya. Hindi kami close. Hindi kami magkakilala before. Pero binabasa niya blog ko. Nakakataba ng puso di ba? At marami ata akong nainspire na magblog! Haha!
And to end this entry, ipopost ko isang message sa YM na natanggap ko just last week from a random person on the internet na ngayon friends na kami:
"Hey, John Jacob M. Webb! Your blog entries are so nice. I love reading them. In fact I had a marathon reading of your past entries yesterday. You in for a chat right now?"
Ano raw? English eh! Seriously, nakakataba ng puso di ba? I'm not planning to gain audiences to my blog. Kung walang magbasa, okay lang, kung meron salamat sa pag-aksaya ng oras nila. Hahaha!
At para matapos na tong entry ko na paikot ikot lang na ang labo labo naman na feeling ko na malalim pero hindi naman --- ako ay magboblog hanggang kaya ko pa magblog. Yun lang ang sigurado ako sa aking buhay pagboblog.
Salamat sa pakikigulo sa aking buhay. *bow* At sana sa mga nakikugulo, makigulo pa kayo! Hahaha!
jjcobwebb (guest)
the_storyteller

siguro by the time na 65 ka na, hindi na uso ang internet dahil meron ng bagong technology so pati blogging laos na dahil may mas hi-tech na sa kanya...pero sigurado ako kahit anong mangyari e itutuloy mo pa rin ang kuwento ng buhay mo...db?
jjcobwebb (guest)
karz000

But yeah, I was reading this post and everything you said was true. I've been blogging in tabulas since 2004 yata, and i sticked into it. hahah. and yeah, ang sarap lang mag blog at maglabas ng salaubin at ang sarap din balikan yung mga post. hahah. wala lang. nakakarelate lang ako. nice.
jong

jjcobwebb (guest)