2008 On...
Marami akong natutunan ngayong taon na toh Mr. T! Eto ang unang bagsak ng aking Year-End entries...
On family...
- mas okay gumimick kasama pamilya. less gastos. haha!
- maraming pera ang mga magulang natin. samsamin! haha!
- kung lahat tinalikuran na tayo, pamilya natin ang unang sasalo sa tin
- mapagmahal mga kapatid ko. ako sa kanila hindi. joke!
- importante talaga ang may magulang. kahit malaki na ang ate ko, kailangan niya pa rin si Mama at Papa
- patas ang mga magulang. kahit alam kong paborito ng nanay ko si Bruno at Kenneth. at tatay ko paborito si Ate. kawawa naman ako!
- ang mga pets ay parang parte na rin ng pamilya. masakit mawalan ng aso.
- gusto ng pamilya natin ang makabubuti sa ting kapakanan. minsan kailangan ka ipahiya ng magulang mo para matuto ka.
- may middle-child syndrome ata ako
- mahal na mahal mo pamilya ko
- mahal na mahal ko rin mga kamag-anak ko
On school...
- masarap mag-aral. pwede magcut. buo pa rin baon mo
- dumami ang cuties sa DLSU nung pa-Graduate na kami. shucks.
- masarap ang feeling ng pasado sa thesis. may karapatan mag angas
- mababait pala ang mga CCS secretaries. baklain mo lang
- hindi lahat ng subject pumapasa ka dahil sa talino. minsan dahil sa attendance at ganda. haha...
- masarap pala matulog sa Conserve
- marami rin pala ang nag-eenroll ng late
- puwede ka pala gumawa ng milagro sa CR ng Lib sa first floor
- 50php lang kailangan mo sa Eric's, busog ka na talaga
- hindi importante ang mga libro pagcollege. minsan laptop at internet na lang talaga kailangan
- malaki ang tulong ng YM sa mg groupwork
- Ateneo will always be better than La Salle. Pero mas maraming hot sa CSB
- mahirap pala pag nasira ang ID
- huwag magtetext in class
- huwag kikiligin ini class
- mangopya kung kinakailangan
- masarap pala tumambay sa Starbucks sa Taft
- mahirap ng present in English. mahirap din magpresent kahit Tagalog
- sa tamang approach at tone ng boses at kaplastikan, pwede mong maging close kahit sino sa school.
- mukhang pera ang La Salle
On love...
- huwag lalandi sa may jowa. masasaktan ka lang
- huwag masyadong magcacare. ibang tao will take you for granted
- be numb and cold once in a while. makikita mo kung sino tunay na nagmamahal sa yo
- kung ibebreak mo puso ng isang tao, do it now. wag mo ng patagalin kung kelan magiging mas masakit pa
- maraming malandi sa mundo. yung iba malandi pero hindi marunong lumandi
- you can't compete with someone else's previous lover
- nakakatanga talaga ang love
- minsan maiinlove tayo sa tao na hindi natin aakalaing maiinlove tayo
- sometimes, hindi friendship ang foundation ng isang long ang lasting relationship, minsan kasi, it's a good sex. haha!
- hindi OA ang maghintay para sa isang tao ng halos isang taon. mahal mo lang siguro yun
- hindi ibig sabihin na hindi mo mahal ang tao pagnilet go mo siya, minsan, kailangan gawin dahil alam mong iba ang mahal niya. yes...! haha!
- kahit hindi ka gusto ng isang taong mahal mo, isipin mo na lang, maraming may gusto sa yo. dapat ka ng magpasalamat dahil maganda ka talaga. haha!
- masarap magmahal. napakasakit maheartbroken. aw! yes...! haha!
- wag maging bitter, mahirap magmove one. instead maging masaya para sa taong sinaktan ka, mas madali maglet go... yes naman!
- magmahal ka ng parang walang bukas, para kung masasaktan ka man, at least may karapatan ka talagang masaktan
- maraming duwag na tao, akala lang nila matapang sila. haha!
- some people want their partners to have a stable bank account, but I want mine to have emotional stability
- may mga maliliit na bagay na napakalaki para sa isang tao
- kung nakakalungkot dahil wala akong lovelife, iniisip ko na lang yung mga batang walang makain at matirahan, mas nakakalungkot yun...
On friends...
- mahal ko mga kaibigan ko period
- mahal ko rin mga umaway sa kin period
- pero wala ata akong kaaway
- mahirap makipagplastikan
- ang mga tunay na kaibigan ay hindi ka iiwan
- yung mga iniwan ka, ibaon sa limot
- maraming pera mga kaibigan ko. hahaha!
- mas okay mag-explain minsan sa kaibigan. alam nila kasi kagagahan mo eh
- minsan, B.I rin ang mga kaibigan. pero masaya naman. hahaha!
- may mga kaibigang pasaway, iba pakielamero. pero at the end of the day, kaibigan mo pa rin sila
- it's nice to meet new friends
- sweet pala akong kaibigan. haha!
Yan muna. Shet. Ang rarandom ng mga naisip ko. Mga walang kwenta. Haha! Update you soon Mr. T!