Gutom Lang Pala Ako
Ayan, medyo umokay na ko! Nakakain na ko! Haha! Naman! Pagkain lang talaga katapat ko! Haha!
Grabe, naisip ko, ilang months na ko naglulunch mag-isa. Ngayon alam ko na feeling ng loner. Sanayan lang pala ang pagiging alone. Drama! Ngayon nafeel ko na feeling ni Jeffrey nung college. Haha! Pero okay din, minsan kailangan talaga ng katahimikan sa buhay para makapagisip-isip at magdrama at mag-emote. Pero wag nga lang raw titingin sa malayo dahil may tendency na maluha kaeemote. Haha!
Kagabi, in one of the conversations I had with people:
"Wow! Fitness First Platinum! Yung sa RCBC maraming foreigners dun! "
"Oo, tiba tiba ka dun..."
Huh? Tiba tiba? San? Haha! Bigla ko tuloy naalala Mr. T! nung summer 2005 may nakadate akong Fil-Am. Yep, bongga talaga yung Fil-Am na yun dahil gwaps talaga at gusto pa ko ipagshopping but I refused. Bongga rin kasi as in nagsuper effort siya pumuntang Pinas para magkita kami. Nakilala ko yun kung san ko nakilala si Steve! Haha! Wala lang. Natawa talaga ko sa tiba tiba. Hahaha! Tae! Ano ba yung pumasok sa utak ko! Kaasar! O memories, light the corners of my mind! Haha! Shete! Inis! Haha!
Speaking of gwapo, sa ilang buwan na ko kumakain kung san sa sa paligid ng HSBC, napagalaman kong may mga cutie na crew sa bawat kainan dito. Sa McDo, hanapin niyo si Stephen. Sa Jollibee, si Kirk. Sa Chowking si Iris. Sa Gloria Jeans, hindi ko alam yung name eh, pero kalbo yung barista na mukhang mayaman! Hahaha! Landi amputa! Hahaha! Wholesome naman kalandian ko noh! Haha! Try niyo lang one time dumalaw dito. Haha!
Bibilhan ko mamaya yung pamangkin ko sa pinsan ng ticket para sa Rihanna/Chris Brown concert. Oo, for free. Dahil alam kong fan na fan ni Rihanna yun eh and hindi naman siya bibigyan ng nanay niya kung manghingi siya. Eh wala rin namang pera yun. Hindi ko na bibigyan sa pasko ng regalo yun. Goodluck talaga sa 3k ko. Bye bye. Haha!
Narealize ko, hindi ako magastos na tao. Pero sa pagkain napakagastos ko. Tulad na lang nung isang araw nung nag-grocery ako ng bonggang bongga. Puros pagkain binili ko. Yes, sarili kong pera pinangastos ko! Nagulat nanay ko. Eksena:
Mama : O! San ka kumuha ng pera?
Jacob : Nagputa ko! Haha! Sa OJT malamang!
Mama : Hindi ka pa bumili ng mga sabon, panlaba, de lata, noodles blah blah...
Jacob : Aba aba aba! Bahay mo toh! Ikaw bumili nun! *nilapag mga grocery sa lamesa*
Dyesa (kasambahay namin): Kuya san ko ilalagay tong mga pinamili mo?
Jacob : Sa kwarto ko!
Mama : San ka nakatira?
Jacob : Sa bahay mo
Mama : Dito yan sa baba!
Jacob : Aba aba aba! Fine! Hahaha!
Iba yung spending habit ko nung early college days. Parang every week noon may bago akong damit! Shoes, cologne, bag etc. Tapos ngayon, ang hirap palang kumita ng pera, narealize ko, mas masarap mag-ipon! Hahaha! Tulad ng sinasabi ko sa nanay ko pag nagbibiruan kami:
Jacob: Pagmayaman na ko luluhod ka na sa kin
Mama: Ah ganun? Lumayas ka sa bahay ko ngayon din!
Jacob : Naman joke lang yun! Siyempre paparetoke na kita nun! Hahaha!
Hay. Nakakaaliw. Wala lang. Choice talaga natin maging masaya minsan. Speaking of money, ang sarap talaga ng may pera. Tae! Hahaha! Feeling ko talaga pag may trabaho na ko ipon lang ako ng ipon! Hahaha! Ewan ko, siguro kasi, hindi kami sinanay ng mga magulang namin sa pera eh. Isa sa lesson about money na tinuro ng nanay ko eh, HUWAG NA HUWAG KAMING MANGUNGUTANG SA IBANG TAO. Yep, hindi ko ugali mangutang. Nanay ko never nangutang or nagkaroon ng credit card. Sanay kaming magkakapatid magtiis kung anong meron sa harap namin. Yung huwag maghanap ng wala. Gets mo Mr. T! Hmmm... tulad nga lagi ng sinasabi ng tatay ko "HINDI KAYO ANAK MAYAMAN! HINDI PINUPULOT ANG PERA". Tama, ngayon ko lang narealize yang mga salitang yan. Agree ako dun. Isa pa last na, money can't buy happiness talaga. Kasi imagine mo na lang, pag super yaman na ko 5-10 years from now tapos wala naman akong jowa di ba? Sad nun! Hahaha! May ganun talaga? Tae! Hahaha! Okay kabaliwan ko na yun. Haha! Shet!
O siya Mr. T! Update you soon. Magkikita pa kami ng pinsan ko sa Galleria mamaya dahil babayaran niya ko ng utang niya! Hahaha! Tapos lalakarin ko pa Megamall para sa thesis meeting. 2 oras na lang uuwi na ko! Gusto ko na lumayas dito sa table ko! Hay, gawin ko kaya sa bahay tong pinapagawa sa kin. Iupload ko dito sa Tabulas! Tapos internet na lang ako all the way! Hahaha! Sige sige daldal ko na naman. Tama si Beck, ang hirap ng walang kausap sa OJT, sa malamang, kakausapin mo sarili mo! Buti may blog! Nakakapaglabas ako ng aking saloobin! Hahaha! I love you Mr. T! Mwah!