Who would've thought di ba? Yesterday, habang nasa kotse ni Sheila, nung hinatid niya ko, may nakwento siya sa kin. Akalain mo Mr. T! Si Sheila kinikilig din pala? I don't wanna go into details pero talaga, nakasmile din ako habang nagkuwkuwentuhan kami sa EDSA-ORTIGAS Flyover. Haha! Sa ugali na yun ni Sheila, friendly and helpful din pala siya. Sometimes, hindi lahat ng inaakala natin sa isang tao yun na yun, marami pa pala tayong pwedeng matuklasan sa isang taong hindi nating aakalain. Gustong gusto ko ihatid ni Sheila kasi nalalaman niya raw mga shortcut sa San Juan. Hahaha! Mas madali raw makarating nga Aurora Blvd. yung alam kong way at hindi pa traffic. Hehe! Minsan lang kami magbonding ni Sheila. Minsan talaga kailangan lang intindihin si Sheila. Mabait din naman pala yun kahit minsan epal talaga. Haha!

Kahapon, sa SM Mega may baklang nagrereklamo baket sa pinalipat dun sa linya ng WITH BAGS:

Bakla   : Baket niyo ko pinalipat eh hindi naman toh bag??? *Mataray na tone*
Ako      : Ate, PAPER BAG po yang hawak niyo!
Bakla    : Ay oo nga! Hahaha! Kaloka ko! Hahaha!

Pati ako natawa Mr. T! Ang taray taray wala sa lugar. Hahaha!

Tapos, kagabi, nag-usap kami ni Barry about going to Macau na raw. End of November. Grabe naman! San ako dudukot ng $500 di ba? Ayoko maglabas ng ganyang kayamanan dahil wala pa naman akong trabaho Mr. T! Isa pa, naisip namin ni Barry, ayaw namin dahil hindi kasama si Jeffrey! Yihee --- si Jeffrey flattered! Haha! Basta, hindi the same talaga pag wala si Jeff Mr. T! eh! Sabi nga ni Barry magTaiwan na lang. Free lodging and food pa! Hahaha! Bigla atang nag-iba ihip ng hangin! Hahaha! I forgot sabihin Mr. T! na birthday ni Rhitz last November 4. Baka mag-overnight daw kami somewhere (sa Condo ata nina Luis sa may Roxas) sa Friday. Dun na lang kami magcecelebrate. Orgy ito! Yak! Haha! At at, si Barry and Rhitz pala nag-gygym na! Ako kaya kelan? Hahaha! Lazy!

Kinokolekta ko talaga yung cheke na binibigay ng HSBC. Hahaha! Ayoko ipa-encash pa. Haha! Yung nanay ko nagpaparinig na! Kebs! Hahaha! I'll have it for myself sa pasko. Panlibre na rin sa birthday siguro or para bilhan ko sarili ko ng regalo. Ay, si Kenneth Mr. T! hindi pa tumatawag! Wah! Wala pa kong pambirthday! Haha!

Sabi nina Vergs and Mighty, natuwa na raw si Doc Loyd sa system namin. Naku ha! Lumang tugtugin! Tapos sa defense kakatayin? Henaku. Ayoko na umasa. Basta do our best na lang sa defense ulit.

Kahapon din sa Mega, habang hinihintay mga groupmates ko, lahat ata ng vest na nakita ko sa mga kung ano anong shops eh tinry ko. Well, they really looked good on me. No kidding! Hahaha! Kapal eh noh! Tulad na lang ni Mike kahapon. Sayang daw hindi ko siya makikita dahil nakacorporate na siya at ang gwapo niya raw. WTH! Hahaha! Feel na feel pota! Hahaha! Ako hindi ko kailangan sabihin eh, nangagaling sa ibang tao. Even the least person I expected na sasabihan akong gwapo ako, sinabihan ako. It feels good. :-)

Nag-uusap kami ni Tompating kagabi Mr. T! Tinatanong niya baket ayaw ko raw maghanap, maglandi, magbar, makipagchat para magkajowa ko. Nag-offline na agad ako. Hahaha! Hindi talaga Mr. T! Eh. Tulad ng sabi ko baka next three years pa ko magmahal ulit. Hahaha! Pero who knows. We can never can tell sabi nga ni Melanie Marquez na kapatid ni Mike! Hahaha! Hindi mo alam yun noh? Oo magpatid sila. Haha! Grabe, bored na bored na ko dito sa office. Ano ba toh. Kahapon daming pinagawa. Ngayon naman tambay lang ako. Extremes!

Namiss ko na maging bum. Yung hihilahin ako ni Ate para pumunta kung san san. Kaninang umaga nagkukuwento si Bruno kung san sila pumunta. Parang ako, whatever. Hahaha!

At para kay Aubrey na may blog pala sa Blogspot, BAKET HINDI MO SINASABING MAY BLOG KA!!! Ano toh!? Lahat kayo nagtatago ng blog? Si Deck, na Raymond na ang pangalan sa Friendster, yung blog niya nawala na rin! Ang ganda ganda pa naman ng mga kuwento niya dun at mga description niya sa mga pinag-gagawa ko! Hahaha! May hindi akong makakalimutan dun na entry ni Deck na buhat buhatan portion tungkol sa kin! Shet! Natawa ko dun! Hahaha! Aubrey ha! Nyeta ka! Hahaha! Ako pa mismo napadpad sa blog mo ng hindi mo sinasabi! Hahaha!

Nakakatuwa ang eleksyon sa Amerika, ang payapa. Ang ayos. Kelan kaya magiging ganun sa Pilipinas? Hmmm...

Ay higit sa lahat, inaantok na naman ako. Hahaha! Ano ba toh! At yung tuhod ko okay na. Nahanginan lang ata. Amp!

Sige babalik ako! :-D

Currently listening to: Ma'am Lei's voice
Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on November 6, 2008 at 10:30 AM in Everyday Drama, Updates | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.