Zero… hahaha! San ka pa?! Narealize ko medyo brutal yung On Relationships entry na pinost ko. Parang walang puso yung gumawa nun. Haha! Hindi ako ganun. Baket ko ba pinost yun! Hahaha!

Grabe, kanina kabang kaba ko Mr. T! sa office! Wahh! Ako pina-email ni Ms. Diane ng mga user access sa mga empleyado. Wow! Sobrang hilong hilo ko gamitin yung program na yun pero okay lang. Nagawa ko rin. Onting lakas lang ng loob pala. Kering keri! Haha!

Anyways, katatapos ko lang manood ng Iisa Pa Lamang. Grabe, ang predictable ng ending. Tapos tapos, ang aga ko nakauwi, before 7pm nasa bahay na ko. Kaninang umaga rin, ang aga ko nakarating sa office. Wah! Early bird ito. At pagkauwi ko namili si Mama ang Bruno ng mga bagong eye glasses! Nagalit ako kasi hindi ako binilhan. Hindi dapat ako magagalit eh, kaso ang biniling mga salamin --- Escada lang naman at Gucci! Tae! Ano ba yun! Wahhhhh!!!! Nagtitiis ako sa 150php na frame na binili ko sa SM HP! Lintik baket hindi ako binilhan! Okay na sa kin ang LV na salamin! Hahaha! Sige mangarap ka Jacob! Haha!

Tapos nung pauwi, hindi ako nakapagCR, grabe ihing ihi ako sa bus! Tapos tapos, ang traffic. Grabe gusto ko bumababa at umuhi muna sa tabi tabi! Hahaha! Pero sa awa ng Diyos napigil ko hanggang makaabot sa Galleria.

110420081778Grabe, buti hindi ako hinabol ng mga fashion police kanina!!! Hahaha! Baket? Ayan, tignan ang picture Mr. T! It’s a fashion faux pas to mix a diagonal-lined tie with a vertical-lined long sleeves. They should be of the same direction or one could be plain, the other, with pattern. Tsk! Ano ba iniisip ko kanina at baket yang tie ang pinanter ko! Amp! Sobrang hindi tugma! Hahaha!

Suddenly, I like playing dress-up. Corporate dress-up. Really. Hahaha… in fact, I was reading this in the office after lunch: Well Groomed Male

Hahaha! Anyways, I should get used to this home-work-home-work routine. It’s gonna be my life after graduation. But thankfully, I still have 1 term left to bum, bum be ram dum bum be dum dum. Lol!

Hahaha! The end is nearing Mr. T! In HSBC that is. I’m gonna miss the people there. Hahaha! Love ko na sila. Lalo na yung kalbong matangkad na hot! Hahaha! Grabe, sana one time big time may tumawag ng name niya sa harapan ko para masearch ko siya sa internet. Nasa kin pa naman mga User Id’s and Passwords ng mga empleyado. So easy to stalk di ba? Hahaha! The beauty of the internet. Hahaha! And the beauty of being in charge of the logon id’s of the employees. Hahaha! Okay dami ko ng satsat. Pinasasaya ko lang sarili ko. Ayoko mag-emote kahit gustong gusto ko na.

Naalala ko yung sinabi ni Aldrich nung napag-usapan namin yung takong sa start ng One Step at the Time ni Jordin. Feel na feel niya raw yun nung naghahanap siya ng trabaho kasi tumutunog din daw shoes niya. Grabe, nafeel ko rin kanina nung pauwi ako habang nag-iisip ng future ko. Hahaha! As if may future. Tae!

Sige sige Mr. T! Update you soon. Wala na naman sa lugar pinagsasabi ko. Okay okay? Good night! :-)

Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on November 4, 2008 at 10:27 PM in Everyday Drama, OJT | 4 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on November 5th, 2008 at 11:33 AM
i had nearly the same fashion no-no like u did - i wore a striped top and skirt and they weren't made of the same fabric or the same stripe pattern. i looked like a right loon because i only realised it when i arrived at the office (i walk to work too). kahiya, grabeh. hehehe

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 5th, 2008 at 11:56 AM
Hahaha! Narealize ko nga eh, sometimes our confidence is the only thing we can wear in times like these. Haha!

muhh (guest)

Comment posted on November 5th, 2008 at 07:50 AM
kala ko ba the old jacob is back?

jjcobwebb (guest)

Comment posted on November 5th, 2008 at 08:55 AM
yes... is back-la. hahaha... baket new na ba ko? amp. hahaha...