Ang Halloween Sa Malate
Ay patay. Walang kwenta.
Hindi natuloy ang dinner namin ni GQ Mr. T! I had to cancel it nung nalaman kong sasama si Ate sa Malate para umikot at tumingin tingin. Sadly, walang kwenta Malate kanina. Hindi siya tulad ng last year na puros maskara and costumes here there and everywhere. Umuwi agad kami. Ayun, pero before pumuntang Malate, dumaan muna kaming Promenade para kumain. And then ayun, sinundo sa bahay si Bruno and kung sino pa mga gusto sumama. Then yun, walang wenta Malate. Kapagod pero okay naman ang joyride. Sumabay pala ko pauwi kina Erwin kanina, sinundo ako sa HSBC. Grabe, nahihiya ako kay GQ, anyways. Sabi niya okay lang naman daw yun. May next time pa. Sabi ko thanks. Buti understanding at hindi nagalit. Take note nagdadrive na siya papuntang office kanina. Nakakahiya ako. Pero kasi naman noh, hindi ko na nga nadalaw si Ate nung may tubo siya sa ilong tapos, ngayong magdidinner kaming family after niya maospital hindi pa ba ko pupunta? Siyempre pipiliin ko pamilya ko muna Mr. T! Though ilang beses ko na sila naturn down this year dahil sa may kasama ko or may kagimikan. Kung sino man ang gusto kong isama sa dinner makapaghihintay yan, pero family ko hindi. Mahal ko pamilya ko Mr. T! Sana talaga si Papa and Kuya andito kasama namin kanina :-)
November na pala Mr. T! 11th month and I'm turning 23. Rhyming ah! Ayun, weird ng feeling ko ngayon. Araw ng mga santo at kaluluwa sa mga susunod na araw. Sana mga tao ngayon alalahin mga yumaong mahal nila sa buhay at ipagdasal sila. I will. Ang daming dapat dalawin. Kung hindi ko man sila madalaw lahat I'll just pray for them Mr. T! :-) Anyways, ayun, wala lang, hindi ko alam nararamdaman ko ngayon. Schizo na ata ako. Hehehe! Basta basta. Update you soon na lang Mr. T! Matatapos na ang taon.
Sa aking almost 23 years of existence, may natutunan kaya ako? Kahit 22 years of existence? Hmmm... ewan ko. Isa lang ang sigurado ako, nagmahal ako ngayong taon na toh. Hindi ako nagsisisi. Wala akong pinagsisihan dahil marami akong natutunan. At ang sa pagkakaalam ko, hindi ako marunong mang-iwan. Wala akong dapat pagsisihan. Good night Mr. T! Baka san pa mapunta tong entry na toh. Ayoko ng drama. Malapit pa naman ako magbirthday at magpasko. Ayoko maging malungkot. Pero mahirap rin magsiyasiyahan. Magkunwaring walang problema. Alam mo yun? Hay gulo. Anyways, update you soon. Night! :-)