Peanut Kisses
Eto ang tunay na update:
Napuri yung ginawa kong trabaho dito sa office ngayon Mr. T! Sarap pala ng feeling.
May Halloween Party mamaya dito ng 1pm. Dadating mga anak ng employees tapos magtiTrick or Treat. Ang daming designs ng office ngayon. Nakakaaliw. Para kaming nasa jungle.
Naalala ko tuloy nung nagTrick or Treat kami nina Jeffrey sa village nila. Grabe, hindi ko makakalimutan yun. First time ko yun eh. Hahaha! Shucks mahirap talaga kami! Haha.
May dalang pasalubong si Ms. Diane galing Bohol Mr. T! Weee... yung Peanut Kisses. Katouch dahil kasama pa ko sa mga binigyan niya. Hehe...
Grabe, dapat akong magtipid Mr. T! Lagi akong broke. Shucks, imagine mo na lang kung gaano dapat kalaki yung ma-isasave ko kung:
- Hindi ako magaalmusal sa McDonald's
- Hindi ako maglulunch ng 150php ang halaga ng pagkain
- Hindi ako magssStarbucks pag-hapon na
- Hindi ako tatambay sa 7-11 para ngumatngat ng mga chocolates
- Hindi ako bibili ng donuts sa Country Style pa nakaramdam ako ng gutom
- At higit sa lahat, hindi ako magtataxi tuwing umaga
Aw, mahirap gawin yun panglast. Hay. Hirap. Actually, mayaman. Shet!
Nakakainis ang Iisa Pa Lamang shucks! Antok na antok na ko pagpinapanood ko kasi. Tapos ganun pa yung kuwento. Ang tagal naman nung ending. Ang dami pang eksena bago matapos. Inis!
Baket lagi akong gutom Mr. T!? At lagin office-bahay-office-bahay na lang ba ko? Shetness. Ay ay, ang ganda ulit ng topic sa 90.7. Continuation nung kahapon. Aliw as usual. Share ko mamaya. Hahaha! Hmmm... ano pa ba. Yun muna.
Ipupublic ko na mga private entries ngayong October Mr. T! since tapos na naman yun.
Sige kunwari magtatrabaho ulit ako. Hahaha!