All You Can Do Is Smile
Never ako nagalit sa mga kasambahay Mr. T! Pero kanina pinagalitan ko sila. For the first time nasigawan ko sila. Grabe, dalawa na sila sa bahay wala pa kong long sleeves, slacks at panyo. Grabe, nung pagtapos ko lang maligo saka sila naghagilap, nagplantsa, hinanda mga susuotin ko. Grabe. Init ng ulo ko kanina. Si Mama hindi pa nag-iwan ng baon. Dumirecho agad sa ospital. Hay...
Sa taxi I had a conversation with the driver:
"Sobrang traffic dun sa may north..."
"San ho doon?"
"Sa may Trinoma..."
"Ahhh, traffic ho talaga doon. Rush hour pa naman..."
"Napapadpad ka ba dun?"
"Opo, pero hindi po madalas"
"Siguro nakipagdate ka na dun noh?"
"Dun nagsimula lahat manong kung alam mo lang. *smiles*"
"Ang alin?"
"Wala ho, lipat niyo na lang sa 90.7 yung radyo"
Ayun, napasmile na lang ako Mr. T! And I was smiling the whole time nasa loob ako ng cab! Inaalala. Kung alam lang ni Manong noh? Hanggang dun na lang talaga siguro yun. Sa isip. Mapapasmile ka na lang pagnaisip mo. I'm still smiling right now. Yun na lang kasi meron ako eh. Yun lang pinanghahawakan ko. Yun at yun lang mahahawakan ko. Tanggap ko na. Hindi naman ako yung nang-iwan. All I can do right now is to smile and be thankful.
Hindi man nangyari mga gusto ko mangyari, at maging akin mga gusto ko maging akin, at least masasabi ko, naging masaya ko. At wala akong pinagsisihan ni isa sa mga ginawa ko ngayong taon na toh. Siguro, I felt envious, angry, inis, happy, asar, buwisit, impatient, dumb, been played with, ecstatic, shit, pathetic, excited, giddy... etc. But honestly Mr. T!, they all felt good. :-) They all felt good...
And, thank God hindi na raw ooperahan si Ate. The power of prayers. :-) Thank you Jesus.
aubrey (guest)
yan ang gusto ko sayo eh, despite all your kamalditahan, optimistic kang tao. nakakatuwa. keep up the attitude jay.;) *hugs*
subjunctive
*lol
*rotfl
*lmfao
jjcobwebb (guest)
*rotfl
*lmfao
may naalala tuloy akong ganyan na sobrang haba. nasa laptop ko sa bahay yung ganyan. sayang...
subjunctive
jjcobwebb (guest)