Never ako nagalit sa mga kasambahay Mr. T! Pero kanina pinagalitan ko sila. For the first time nasigawan ko sila. Grabe, dalawa na sila sa bahay wala pa kong long sleeves, slacks at panyo. Grabe, nung pagtapos ko lang maligo saka sila naghagilap, nagplantsa, hinanda mga susuotin ko. Grabe. Init ng ulo ko kanina. Si Mama hindi pa nag-iwan ng baon. Dumirecho agad sa ospital. Hay...

Sa taxi I had a conversation with the driver:

"Sobrang traffic dun sa may north..."

"San ho doon?"

"Sa may Trinoma..."

"Ahhh, traffic ho talaga doon. Rush hour pa naman..."

"Napapadpad ka ba dun?"

"Opo, pero hindi po madalas"

"Siguro nakipagdate ka na dun noh?"

"Dun nagsimula lahat manong kung alam mo lang. *smiles*"

"Ang alin?"

"Wala ho, lipat niyo na lang sa 90.7 yung radyo"

Ayun, napasmile na lang ako Mr. T! And I was smiling the whole time nasa loob ako ng cab! Inaalala. Kung alam lang ni Manong noh? Hanggang dun na lang talaga siguro yun. Sa isip. Mapapasmile ka na lang pagnaisip mo. I'm still smiling right now. Yun na lang kasi meron ako eh. Yun lang pinanghahawakan ko. Yun at yun lang mahahawakan ko. Tanggap ko na. Hindi naman ako yung nang-iwan. All I can do right now is to smile and be thankful.

Hindi man nangyari mga gusto ko mangyari, at maging akin mga gusto ko maging akin, at least masasabi ko, naging masaya ko. At wala akong pinagsisihan ni isa sa mga ginawa ko ngayong taon na toh. Siguro, I felt envious, angry, inis, happy, asar, buwisit, impatient, dumb, been played with, ecstatic, shit, pathetic, excited, giddy... etc. But honestly Mr. T!, they all felt good.  :-) They all felt good...

And, thank God hindi na raw ooperahan si Ate. The power of prayers. :-)  Thank you Jesus.

Currently listening to: If I Never Knew You by Shanice & Jon Secada
Currently feeling: calm
Posted by jjcobwebb on October 27, 2008 at 10:27 AM in Everyday Drama, Randomness | 6 comment(s)

aubrey (guest)

Comment posted on October 27th, 2008 at 12:13 PM
buti nilipat mo sa 90.7 nakakawala kaya ng stress yung dalawang baliw na yon hahaha! si nicole at chris un diba?

yan ang gusto ko sayo eh, despite all your kamalditahan, optimistic kang tao. nakakatuwa. keep up the attitude jay.;) *hugs*

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 27th, 2008 at 12:24 PM
oo! balasubas at balahura tandem. grabe, di ko pinapalampas yang 2 na yan! hahaha... gusto ko mameet sila in person. sila dahilan baket ako nalalate sa office. hahaha...
Comment posted on October 27th, 2008 at 10:44 AM
Haha yes alam mo mejo parehas tayo ng sitwasyon ibang mall nga lang.
*lol
*rotfl
*lmfao

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 27th, 2008 at 10:46 AM
*lol
*rotfl
*lmfao

may naalala tuloy akong ganyan na sobrang haba. nasa laptop ko sa bahay yung ganyan. sayang...
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on October 27th, 2008 at 10:48 AM
Haha i-post mo na lang pag naalala mo na :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on October 27th, 2008 at 10:51 AM
at sana nasa my documents ko pa siya sa bahay. haha... post ko pag naalala ko...