To The Left, To The Left
Hindi magkasya kasya yun slacks ko kaninang umaga. Shucks! Ano toh? Lumaki tiyan ko? Siguro dahil 130lbs na naman ako!!! Wahhh...
Tumaas na rin ata grado ng mata ko. Hindi ko pa rin napapasign MOA ko at hindi ko pa nacocontact L.O. ko...
Naatrasan ako ng Police Car. Grabe. Hindi ko narinig na sinisigawan na pala ko nung manong. Salamat sa iPod at di ko narinig yung sigaw. Shet!
Ano ba ang gamot sa dandruff? Shucks.
Pahirapan na naman ang paghintay ng taxi.
4 na pala inaanak ko. Ngayon ko lang narealize. Lahat sila lalake. Wahhh...
Ang ganda nung song ni Bugoy! Hahaha!
Be careful what you wish for. Kahapon kasi sabi ko gusto ko ng may magagawa. Eto ngayon, shucks, ang daming gagawin at mukhang 1 week ko tong gagawin. Wahhh...
At baket andito ko sa blog at entry ng taong toh? Haha:
"that, and, maybe it is as simple as finding something you really want to do. maybe with that things will fall into place. sabi nga ni jacob."
Hmmm... inaantok ako. Ayaw ko pa simulan gawin ko dito sa office. Gusto ko matulog!!!
Hindi ako maglulunch ngayon. Leche talaga hindi magkasya yung pants ko kanina! Naman naman. And ngayon lang toh nangyari! Waaahhhh...
Gusto ko rin sana magbeach. Magbakasyon. Mag-out of town or country. Gusto ko gawin lahat yan kasama ang jowa. Wow! As if may jowa! Pota! Hahaha! Good luck naman sa yo Jacob! Oo! Good luck talaga sa kin! Hahaha!
Minsan iniisip ko, pauunahin ko na muna mga friends ko magkajowa. Pag meron na lahat sila saka na lang ako magkakajowa. Hahaha! Minsan talaga naiisip ko yan. Ganyan ko kamahal mga kaibigan ko. Gawin ko talaga kaya yun? Kaso baka abutin naman ako ng 48 years. Hahaha!
Sa ngayon, gusto ko muna maging masaya. :-)